Edgy and dull and cut a six-inch valley

dear unkyel batjay,

ano po ang mga natutunan ninyo na pwede ninyong i-share tungkol sa malaking sunog diyan sa southern california?

nagmamahal,
gentle reader


dear gentle reader,

marami akong natutunang mga importanteng lesson tungkol sa pagigng handa sa mga emergency pag may malaking sunog.

  1. una, ilagay ang mga importanteng mga papeles, tulad ng passport, birth certificates, titulo ng bahay at porn collection sa isang safe at accessible location para pag dumating ang time na kailangang mag evacuate, madali lang pulutin ang mga ito.
  2. ikalawa, ihanda ang camera at kuhanan mo ang loob at labas ng bahay para kung may mangyari man, mas madaling makipag areglo sa insurance. kuhanan mo rin ng picture ang sunog – baka sakaling pwedeng ibenta sa press.
  3. ikatlo, siguraduhin na ang kotse ay nakaharap na sa kalye para pag tumawag na yung reverse 911, madali lang umalis. siyempre dapat ay may gasolina ang kotse.
  4. ikaapat, dapat may map ka ng escape route from your home to wherever ka pupunta. dito siguro, ang pinakamalapit na safe area ay UCI (hindi yung sakit sa pekpek) or disneyland. hey mickey you’re so fine, you blow my mind!
  5. ikalima, pag may sunog pala of this magnitude, kailangan mong mangulangot every night bago matulog. based on actual experience, nalaman ko na napakahirap palang huminga pag nakahiga ka sa kama at puno ang ilong mo ng kulangot na sintigas ng bato.

yon lang muna, sana may natutunan ka rito.

best regards,
unkyel batjay

14 thoughts on “Edgy and dull and cut a six-inch valley

  1. hi unkyel thanks for making my day! parang ganun din pag nuyir sa pinas, pagtapos ng putukan ay ang daming kulangot na maitim sa ilong

  2. Glad to know you’re safe at constant pangungulangot na lang ang challenge. Dine sa Down Under ay pumapasok na rin kami sa fire danger season at kuu-u, marami rin dineng makakati ang kamay kaya laging on the alert ang mga bumbero at SES volunteeers. Ang sarap barbekyuhin ng buhay!

  3. Hahaha Ok sa mga tips. Tungkol sa #2, kunan mo ng video ang apoy at ibenta mo sa CNN, MSNBC, o FOX. Magkano kaya ang bayad nila sa mga ganoong shots?

  4. wag kalimutan maglagay ng flashlight ( dapat me battery opkors)sa tabi ng higaan, at sapatos na me medyas,( para makatakbo ng di nakayapak) hirap ata maghanap ng tsinelas sa dilim no? idagdag na rin ang saplot sa katawan, ( kung trip mong matulog in the nude) kung sakaling sa hating gabi ka gisingin ng tunog ng bombero.

    Pero bilib din ako sa me mga pera, binuhusan nila ng foamy flame retardant ang mga bahay nila, bakit kaya di yun ginamit ng mga bombero, di sana wala masyado napinsala.

    Batjay me fetish ka ba sa kulangot? or pangungulangot? kasi ganyan din ang anak ko, lalo na pag nanonood ng tv…eh babae pa naman.

  5. pabayaan mo na lang. baka paglaki niya, maging mas matalino.

    sa CNN ata, walang bayad. kung si britney spears ang nakuhanan mo na walang panty, baka mga $30K.

  6. nyahahahaha! ibang klase ka talaga kuyang! pero sa totoo lang, ganyan ako mag park, laging patalikod at nasa isip ko rin ang madaling pag escape sa mga ganyang sitwasyon. lalo na dito sa apartment complex namin, may history na ng sunog dala ng katangahan ng iba na di marunong gumamit ng fireplace…salamat sa payo!

  7. Pingback: My Ghillie » Edgy and dull and cut a six-inch valley

  8. “pag may sunog pala of this magnitude, kailangan mong mangulangot every night bago matulog. based on actual experience, nalaman ko na napakahirap palang huminga pag nakahiga ka sa kama at puno ang ilong mo ng kulangot na sintigas ng bato.”

    Bukod sa nakakapawi ng bagot, at nakakapagpaluwag ng hininga dahil sa pag alis ng bara, nakakalaki po ba ng butas ng ilong ang pangungulangot?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *