EAT CURRY FISH HEAD, OR GIVE PEACE A CHANCE!

ok… now that i have rested, i think that i can think a lot clearly now. di ako nakatulog agad pagdating ko kahapon dito sa singapore from japan. naidlip ako ng mga 6 am at nagising ng 7 am. isang oras lang na tulog at back to work na nanam.

mabilis ang takbo ng mundo ko ngayon. maraming bisita dito sa singapore at kung ano-ano ang ginagawa ko’t kung saan-saan ako napupunta. kagabi nag-dinner kami ni jet kasama ang sangkaterbong mga bisita galing sa australia, china, thailand at indonesia. masarap pag multi-national ang kainan, iba-iba ang salita at iba-ibang paraan ng pagkain. siyempre, pag multinational na grupo kayong kumakain, ang pag-uusapan ninyo ay ang pagkain sa inyong sariling bansa.

kagabi, napagusapan namin ang nasi-padang ng indonesia. one thing that you should do when you are in jakarta is visit a nasi-padang restaurant.

ang style sa nasi padang ay pupunuin ng iba-ibang ulam ang lamesa mo at pipili ka lang kung anong gusto mong kainin. ang mga plato ng ulam ay patong patong at minsan aabot sa mga 20 na putahe ang nakahain sa lamesa mo. ang maganda rito ay yung nakain mo lang ang iyong babayaran. di ko nga alam kung paano ang computation ng bayad eh, basta kain lang ako ng kain. iba ang experience na ito sa typical na eating places sa ibang bansa. bukod sa iba iba ang lasa na available sa iyo, the thought that there are almost 20 different kinds of ulam in front of you that you can try is certainly a pleasure. sarap men!

tuloy tuloy ang dating ng mga bisita namin. bukas naman ay darating nang mga kano dito at sila naman ang kailangang i-baby sit. pakainin ko kaya sila ng fish head, chicken feet, pig intestines, pigeon heads, mata ng baka, smelly tofu at iba pang mga exotic na asian pagkain? hehehe… tingnan ko lang kung gaano sila katapang. if the americans are brave enough to go to war against iraq, then they must be bold enough to look into the eyes of a curry fish head.

anti-war protest slogan: “eat curry fish head, or give peace a chance!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *