Dusky butterfly, sweet and sure

nagiging metrosexual na ata ako. napansin ko kasi, simula ng lumipat kami rito sa california eh mas matagal na akong gumamit ng banyo sa umaga dahil sa kung ano-anong mga ritual na dinagdag ko sa aking “after i wake up and before i go to work” ceremony. dati rati kasi simple lang ang banat ko: inom ng kape, watch the morning news, upo sa trono, toothbrush, shave, talon sa shower, lagay ng kili-kili power, pabango, bihis at sibat. normally i can do all these in less than 20 minutes. pero iba na ngayon. oo virginia, change me. lumandi na ako ng tuluyan.


ever since na nag zebra epeks ang kutis betlog ko eh i now pay more attention to my body. na late nga ako sa pagpasok sa opisina kanina kasi bukod doon sa karaniwan kong ginagawa, dinagdagan ko pa ng paglagay ng katakot takot na lotion sa halos buong katawan – paa, kamay, siko, dibdib, kili kili at kung saan saan pang parte na tuyo. oo, pati pisngi ng pwet. bwakanginangyan.

parang alam ko na ang susunod na mangayayari – pag pasok ng winter, magsisimula nang pumutok ang labi ko. siyempe, kailangan ko nang bumili ng… ano na nga ba yung lipstick na nilalagay sa labi para kapag nakipag lips to lips ka sa partner mo eh hindi magkakapaltos ang mga nguso nila? lip shiner ba yon? naisip ko nga, mas mabuti na rin siguro ang pumutok ang labi kaysa magkaroon ng putok ang kili-kili.

tapos na imagine ko rin – ang susunod na mangyayari pagkatapos pumutok ng labi eh matutuklap naman ang balat mo sa pisngi at magmumukhang night of the living dead ang mukha mo. siyempre, kailangan mo ng moisturizer (hindi raw pwede ang lotion kasi bawal maglagay ng lotion sa mukha). ano ba yan, sa sobrang dami ng mga nilalagay at hindi ko na alam kung ano ang uunahin.

who knows what i will do next? i don’t. siguro magpapa ahit na ako ng pubic hair na style hitler na parati kong nakikita sa mga playboy playmate. kapag ginanahan ay baka pwede ko na rin sigurong ipatanggal nang lahat ng buhok south of my navel. kaya lang, baka panggigilan ako dahil magmumukha akong baby. kanina ko pa pilit ini imagine – parang ang sagwa ata.

28 thoughts on “Dusky butterfly, sweet and sure

  1. hi Batjay,

    siguro dapat gumising ka ng maaga para di ka ma-late sa opis… so you can enyoy your “morning beauty ritual”

    I really enjoy reading your post, keep up the good work!!!

  2. dear tita nene,

    una, maraming salamat sa pagsulat mo sa akin. ang ganda naman ng pangalan mo “tita” na “nene” pa. parang oxymoron ang dating pero typical naman ito sa mga pinoy. mayroon nga akong kilala na “tito” at “tito uncle” ang tawag sa kanya ng mga pamangkin niya.

    asan na ba ako? ah ok – tama ka, next week nga mga 6am pa lang babangon na ako para di ako ma late sa kakalagay ng lotion sa katawan.

  3. simple lang yan, gawin mo pa late ka ng gising konti..tignan mo sisimple ritual mo, bibilis pa! hehehe

    mag wi winter na nga pala, dapat redi ka na rin sa bwiset na static shock pag labas mo ng sasakyan..good word of advice, kung me hahawakan ka na metal, tapikin mo muna malakas para di masakit ang kick…sama mo na rin yan sa mga ritual mo in the next3 months..hehehe

  4. hello batjay, sensya na ang tagaaaaaaal kong di nakabisita. ngayon ko lang nalaman na nakalipat na pala kayo 🙂

    mararanasan mo na ngayon winter, na tuwing sasakay ka sa kotse mo eh tatayo lahat ng buhok mo dahil sa static hehe! sadyang matakaw nga sa oras, hanggang likod kelangan lagyan ng lotion.

  5. Sir Batjay,

    siguro nga eh magiging metrosexual ka na nga, susunod nyan eh patatayuin mo na ang buhok mo na may sangkaterbang gel tapos mapupuna mo na lang na nag e-enrol ka na sa gym, then before you know it eh naka bodyfit ka na din.. wow macho gwapito ka non hehehehe

    ingat palagi

    PS: thanks nga pala sa mga MP3/M4 files

  6. hhmm..lol eh bakit kpa kasi nag iinarte ng pagllagy ng kung ano ano sa muka??now after all u sound like a gay..just be a simple lang gosh!!!baka pag hinawakan kita sa braso mo, eh madulas ako!

  7. Bakit kasi hindi na lang sila umimbento ng isang ltion na pwede na sa buong katawan e no? E di hindi na kung anu-ano pa ang iisipin mo. Ako din nang mag lip gloss sa Canada dahil sa sobrang lamig, pakiramdam ko, para kong nagli-lip stick.

  8. hi vatjay,

    ay oo nga, nagiging metrosekswal ka na. vongga ka day! Enjoy sabi nga nila “loving yourself is a lifetime affair”.

    Anyway, gusto ang blogs mo.. pwedi bang matag kita, bago lang kasi ako sa blogging…and more friends kailangan para enjoy dieva? punta ka naman and comment plissss?

    salamat

  9. don’t forget mag conditioner kasi nagdadry din ang hair. o kaya anti-frizz serum especially ngayong lapit na magwinter. ang cuticle cream para di magbakbak ang cuticle; petroleum jelly na lang sa lips, it’s cheap and it works. pwede rin sa elbow and ankles. magpabrazilian ka na rin para total makeover ka na. 🙂

  10. atleast ngayon alam mo na kung gano kahirap maging babae wala pa nga po sa kalahati ang ginagawa nyo sa ginagawa ng mga babae, neks taym siguro pwedeng pwede ka nang makipag tsikahan sa kahit kaninong vain tungkol sa mga pahid pahid ano po?

  11. Fafa, moisturizer in the morning for the face pero pag summer lang, pag winter, hydrating cream naman. And since naglalagay ka ng ganun sa umaga, siempre, pagdating ng gabi, kelangan hugas ka ng ulit ng mukha kasi na-trap naman ang mga dumi sa mukha from the creams. Kaya mag-nutrogena skin clearing face wash ka for men sa gabi.

    samahan mo na rin ng foot scrub galing ng bath and body works kasi nga magda-dry at magkakaliskis ang paa mo kapag winter.

    hehehehehe…

  12. mas mabuti nang metrosexual kesa naman asexual.. dipo ba?
    try mo din likas papaya soap.. maganda sa balat kahit sa siko at sa kutis siko.. ambangu-bango pa…

  13. manong batjay,

    na try mo na bang gumamit ng body butter from the body shop? hanep sa lagkit! para kang nagsabon ng mr.clean and hindi nag banlaw! very effective sya, moisturised ka hanggang bulalo and it also keeps u warm espeycially during the uber maginaw months.

  14. hi barb. what’s wrong with the bath and body works products? i use a medicated lotion. i forget the name. it’s worked like magic.

    this is one more addition to my “now that you’re here in california, here’s what you should do” list.

  15. EYE!!!!

    welcome back., ako man ay di na nakakadalaw sa site mo. bigla ko tuloy na miss ang mga magaganda mong mga photo.

    STATIC – very sensitive ako riyan. parati akong napapasigaw pag natamaan ng charge.

    o nga pala, umakyat akong mt. apo last july to do a project. naalala kita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *