Dulce et decorum est Pro patria mori

COOKING NG INA MO: tortang patatas with black sauce over bacon with stewed tomato ang paborito kong meal of the week… saturday brunch. ako kasi ang nagluluto pag sabado ng umaga at nakakapag experimento ako sa mga cooking ng ina ko. siyempre kung cooking ng ina ko eh, cooking ng ina nyo rin. ngayong umaga, gumawa ako ng “tortang patatas”. specialty ito ng mommy ko at regular fare namin sa bahay simula pagkabata hanggang tubuan ako ng pubic hair. nilagyan ko lang ng kaunting singapore twist by adding “black sweet and thick soya sauce“. tapos kasama netong torta ay fried bacon, with my ispesyal “tomato with extra virgin (tulad ko nung araw) olive oil“. pakingsheet ang sarap.

ang dami ngang nakain ni jet at muntik nang maimpatso. malapit na talaga akong maging gourmet (strir fry only please) cook. click the PIC to zoom, para makita ninyo kung gaano kalakas magpa high blood ang luto ko. hehehe. kung di ka mamatay para sa sariling bayan eh mamatay ka na lang dahil sa sobrang sarap ng pampabatang pagkain. i’m not making any sense ano?

8 thoughts on “Dulce et decorum est Pro patria mori

  1. lekat na yan! ulam ko lang nung isang gabi, tortang patatas din. pero mukhang mas masarap yang version mo, kuyang… hhhmmm… parang nagutom ako bigla. eh kanino pa yung hinlalaki na nakita ko? weeeeehhheeeee…….

  2. manong jay, sa picture pa lang mukang grabe na sa coconut virgin oil hehehehehe pero mukang masarap pa din, kakagutom bwehehehehehe

Comments are closed.