DREAMING OF THE OPEN, WAITING FOR THE DAY

lunch time na kanina nang malaman ko na pumasok pala ako sa opisina na bukas ang zipper. buti na lang naka tuck out ang polo shirt ko, kundi mas nakakahiya. ang yabang ko pa naman kanina sa bus stop – nakatayo ako at pakyut na naka stomach in pa na parang mr. pogi. bukas naman pala ang zipper. gago. ganito ba talaga ang tumatanda? nakakalimot nang magsara ng pantalon. next year 40 years old na ako. natatakot tuloy ako, baka one day, umalis ako sa bahay ng walang pantalon.

pero matagal pa siguro yon. ngayon, paglalaruan ko muna yung spiderman kong manyika

I DIGRESS:

ang title ng entry ngayon na “DREAMING OF THE OPEN, WAITING FOR THE DAY” ay galing sa kanta ni elton john na “skyline pigeon“. alam ng kahit na sinong taong lumaki ng 1970’s (nang sumikat ang kantang ito) na ito ay tungkol sa isang ibon na gustong lumipad. hehe. parang yung ibon na nasa loob ng pantalon ko.

19 thoughts on “DREAMING OF THE OPEN, WAITING FOR THE DAY

  1. Okay lang yan. Di ka naman nila kilala e. Subukan mong humarap sa 40 students na bukas ang zipper mo! Magtataka ka pa kung bakit ngiting aso sila, at bulungan ng bulungan.

    hehehe, para palang “La yan sa lolo ko!” Gagalit si Mari.

  2. hehehe.. skyline pigeon. natawa ako dun.

    kakainis, fafa, gusto ko rin ng 67 articulation!!!!! kinukulit ko rin si fafa rodge na bumili nun tapos makiki-articulate na lang ako. hehehe…

  3. NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG! miss ka na namin ni jet. kamusta ka na?

    67 moving articulating ek-ek. ang galing nga. pati si jet sumasali na sa ikalawang pagkabata ko. kadalasan nga, siya na ang nag aayos ng mga gesticulation ni spiderman.

    last weekend, kung ano ano ang posing na ginawa niya. kuha naman ako ng kuha. ang dami ko na tuloy na nakapila na mga litrato dahil kay jet.

    sabihin mo kay papa rodge, bumili na – TOYS ‘R US lang yan. bili ko rito mga S$39, so that something line $20++ US.

  4. Eh paano mo nalaman na bukas pala zipper mo? Me nakapansin ba? Kung ikaw din ang nakapansin, baka wala naman masyadong nakakita. Oks lang yan, pare ko. D naman yata particular mga Singaporeans sa ganyan.

  5. hi doc. nalaman ko lang ng umihi ako. pag bukas ko ng zipper…. waaaaah. bukas na pala. hehe. wala namang nakapansin na kakilala ko. siguro baka yung mga kasabay ko sa train or bus, kung sakali. ok lang yon, di ko naman sila kilala.

    tulad nga ng sabi ni linnor – ang tagal bago ko napansin. nakabyahe na ako from home to office. spent some time with my officemates and was getting ready for lunch before ko napansin. ulyanin na talaga ako.

  6. hahahaha ngayon ko lang nakita koneksiyon ng title. Buti na lang tinanong ni Sassy.

    Hindi mapapansin ng mga Singaporeans yun, busy sila sa katitingin sa binibilog-bilog nila e.

  7. fafa, sa target nga $21 na lang sya eh. mas mahal sa toys r us – $24. hehehe.. konting kulit pa talaga, bibigay din si fafa rodge. at least mapaglalaruan namin sa opis.

    hehehe.. knowing Jet, i’m sure aliw na aliw un na magposing ng magposing kay spidey. hehehe…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *