Dreamers may leave, but they’re here ever after

ang sarap ng ulam ko ngayong tangahali – daing na boneless bangus! medyo trivial lang sa iba pero big deal ito sa akin. paminsan-minsan na lang kasi akong nakakakain ng daing. bumili ako kahapon sa island pacific, isa itong pinoy supermarket sa west covina. doon ata tinambak lahat ng mga pilipino sa los angeles. pag pumunta ka nga roon, para kang nasa pilipinas. may max fried chicken, may goldilocks, ang daming mga turo-turo at kahit saan ka lumingon, ang dami mong makikitang tao na tulad kong kutis betlog na nagtatagalog.

bihira lang kaming mapadpad doon kasi malayo sa orange county kung saan kami nakatira kaya sinasamantala ko ang pagbili ng mga pagkaing pinoy pag naroon kami. isang kagandahan ng pag bili ng isda rito ay yung binibilihan mo na rin ang magtatanggal ng mga kaliskis para sa iyo. pwede mo na ring ipaluto. yon nga ginawa ko – bumili ako ng dalawang malaking bangus na boneless at ipinaprito ko na roon. pag uwi sa bahay, init mo na lang at may ulam ka na. hirap din kasi pag sa bahay ka nagluto ng isda, kumakapit kasi ang amoy. isa pa, baka tumawag ng pulis ang mga kapitbahay pag nasamsam nila yung halimuyak ng nilulutong isda. balak ko nga minsan na mag gisa ng bagoong, titingnan ko lang kung papalag ang mga katabi namin sa apartment.

actually, kaya ako nagawi roon ay dahil inutusan akong bumili ni jet ng paborito niyang abs tea. nakakatulong daw kasi ang pag inom nito sa mga taong may diabetes. siyempre kung ano-ano na ang nakita ko sa tindahan kaya kuha ako ng kuha – dalawang bangus, anim na boteng sardinas na galing sa dipolog, dalawang boteng sukang may sili, patis, toyo at two pounds ng paborito kong langgonisang manok. ang nakakatawa eh out of stock yung tea kaya hindi ko nabili yung dapat kong bibilihin. tawa tuloy ng tawa yung tindera sa akin kasi habang nagbabayad ay bumubulong ako ng – “bwakanginangyan, nautusan lang bumili ng tsaa, kung ano-ano pa tuloy ang nakuha.”

16 thoughts on “Dreamers may leave, but they’re here ever after

  1. sarap naman bosing! di na rin ako nagluluto ng isda sa bahay. madami namang mabibilhan ng lutong isda dito sa amin eh. isa pa, takot ako sa tilamsik ng mantika.

    ang sarap ngayon at maraming mangga. singkamas na lang ang namimiss kong kainin.

  2. Dapat pala di na lang ako nagluto kagabi ng iiwang ulam para sayo ngayong linggo. Daing na bangus lang pala solb ka na e… hehe.

    Inggit naman ako sa ulam mo.

  3. it’s the ordinary things that usually makes our faces light up though! like daing na boneless bangus, or kaya hilaw na manga at bagoong, or halo-halo on a hot day.

    tapos ganoon din ang dad ko –uutusan nang mom ko bumili nang gatas, tapos he’ll be back with 2 shopping bags filled with other stuff!

  4. ganda nga dito, pwede na palinis at pa prito sa store…dati nung nasa apt pa ko nakatira, bumili ako ng electric wok at dun ako nagluluto sa labas, pati bagoong! pucha kala ko mabaho na kasi panay aligid ng mga langaw, yung katabi ko na apt na pakistani, nagluto minsan e dating mga pulis at may nag reklamo daw na may amoy patay na tao sa gilid ng unit nya!

    sa susunod na uutusan ka, kumain ka muna konti para kahit me makita ka wala ka ng ganang bumili..o kaya dala ka lang $5! hehehe

  5. hi mommy kat.

    your dad is a kindred shopping soul. i’d probably be confortable going to the supermarket with him.

    i was just thinking the same thing – it’s the simple things in life (the one’s you normally take for granted) that really matter. it’s a theme that is on my mind this week.

  6. mylab!

    alam mo naman ako, simple lang na pagkain at maligaya na ako. impak, yon nga ang importante sa akin ngayon – yung mga essentials. yung mga simpleng bagay. sa thursday, marami pang bangus na matitira sigurado.

    lab U!

  7. hi batjay! next time you get back there you should try to eat at DJ bibingkahan. Marami silang lutong pinoy at may makakain ka din namang healthy ng kaunti 🙂 Did you recognize the street name Manila Way along Azusa? Sabi nila may tindahan daw si Jolina dun dati pero nagsara din kasi di masyadong kumita

  8. thank you. sige tatandaan ko yung “DJ bibingkahan”. ilocano ba ang may-ari nito? DJ D Banger. bwahahaha. bwakanginangyan, ang corny ko.

    manila way? siyempre. ito yata ang pinakamaliit na street sa azusa. tamang tama kasi dahil nag stop kaya napagmasdan ko yung street – papunta sa isang dead end na nasa likod ng mga tindahan. si jolina, may pwesto roon? talaga – ano, AMA college Azusa Branch?

  9. OK din yung Toto’s (turo-turo sa lote ng Max’s, if I remember correctly). Masarap yung BBQ at yung pritong dilis. Kapag bumibisita kami sa bayaw ko sa Walnut, parati kaming dumadaan dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *