Dinuguan

naikwento ko na ba yung time na mayroon kaming bisitang amerikanong engineer sa project site sa leyte nung nasa pilipinas pa ako nagtatrabaho? isang lunch time na inaya namin siyang kumain sa mess hall ay nataon na dinuguan ang ulam. tinanong niya doon sa cook namin na hindi masyadong marunong mag english – what’s that?

“sir, that is what you call a menstruation dish” ang sagot ng cook.

17 thoughts on “Dinuguan

  1. hahaha, ang seselan pa naman sa pagkain ng mga yun. Ulo nga ng isda ayaw kainin e ang sarap sarap nun? Mens pa?! Kungsabagay, iba iba rin naman sila. Me kilala akong kano na kumakain ng dinuguan. At yung isang kanong kaklase ko na galing sa navy, kumakain ng asong pulutan. ako nga hindi kumakain nun eh.

  2. mayroon din akong kilala rito na kano na kumakain ng dinuguan. naaawa nga ako doon sa mga ayaw nito, they don’t know what they are missing. hehehe.

  3. sarap ng dinuguan lalo pag may puto. yung luto samin ay yung crunchy ang pagkakaluto ng laman. yung iba kasi malambot saka nilalagyan ng gata.

    yung kasama ko sa work dati na Belgian, naweirduhan din sa dinuguan. Isa pang amazing para sa mga poreyners ay ang madalas nating pagchibog mga pinoy. Hindi sila masyadong conscious sa oras ng kainan. yung kaopisina kong puti, twice a day lang siya kumain. sanwits lang,ok na siya. satin meryenda pa lang yun hehe.

    tayo, pagdating ng agahan, 12 noon at dinner time, otomatik nang tumutunog yung tyan para magparamdam na gutom kana.

  4. Yuck! Bakit naman menstruation dish? Hahaha.. Sigurado ako hindi na sya kumain nung nalaman yun noh?

    Pero peborit ko po yang dinuguan. Buti talaga hindi bawal sa amin yan. ^_^

  5. sir batjay, diabetic nga po pala kayo. yung mom ko diabetic din. She passed away 15 years ago dahil sa complication.

    eat healthy na lang po. hereditary po ba ang diabetes? medyo natatakot ako minsan. baka inherit ko yung sa mom ko.

    • nakakarindi naman talaga ang english term na yan. “Aborted Duck Fetus” haha.. sinong di masusuka pag ganun ang tinawag mo jan.. pero in fairness, type ko ang balut..

  6. grabe naman kayo guys….kanina pa ako gumugulong sa kakatawa d2. Kasi kanina, during our training tinanong ako “what’s your favorite dish?” and I answered, dinuguan…then I try to explain… ewan ko, kadiri ata pakinggan kaya ayun naging assignment tuloy namin hehehehe…pwede ishare ko mga literal translation sa aming class bukas?..”spread the fun” ika nga hehehehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *