PINAY NA TINDERA SA CHANGI AIRPORT

december 12, 2002 pauwi na sa pilipinas: sa 7-11 ng changi airport, bumibili kami ng drinks… biglang nagsalita ng tagalog ang cashier sa kasama niya. wow, isipisip ko, pinoy palang airport staff ng 7-11. eto naman akong pa-kyut, binigyan ko sila ng matamis na ngiti at sinabi – “uy, pwede tayong mag-usap sa tagalog!”

tiningnan ba naman ako ng cashier with an “are you crazy look” na may kahalong dead-ma. sabay english speaking ang salita sa akin – “your total bill is $4.50”. sabi ko “thanks a lot!” at pabulong na sinabi habang papalayo – “and by the way, tangnamo kang ale ka, bakit parang kinakahiya mong pinoy ka?”

di ko alam kung may english speaking only policy ang 7-11 sa singapore or talagang bwisit yung cashier pero napahiya ako. nanghinayang din dahil sayang naman yung chance na magpalitan lang ng kongting salita sa sariling wika, lalo na sa akin na engish ng english araw-araw sa trabaho. sayang talaga – ito ata ang isa sa mga ugly side ng mga pinoy overseas: minsan, may makakatagpo kang pinoy na parang ayaw ma-identify na pinoy.

alam ko naman na mahirap ang bansa natin, maraming kidnappers, may abu-sayaf, may curruption, and all – kaya lang, pag ikinahiya mo kung ano ka at kung saan ka galing, eh isang malaking “fuck you” sa iyo. kapag naiinis ka pag kinakausap ka ng kabayan mo sa ibang bansa sa sariling wika eh – “fuck you” again and again.

flash back tayo to 1991… (ninu-ninu-ninu-ninu: flash back music sound epeks)

naglalakad kami sa worthing, england (nandoon kami para mag-training). nag-uusap kami ng mga kasama kong pinoy sa side-walk. biglang may lumapit sa amin na babae and with a cebuano-english accent says: “awr yow fih-ley-pih-know?”

“yes we are pinoys, kamusta po kayo maam?”, ang sabi naman namin.

“ay nakow, i’ve beyan heeya fow fav yea-uhs naw. la-hust yea-uh, i weynt beck tow thee pee-lee-pyans ayd owww win ahh wee-ant awt op di aye-port, naaakuhhh, ang mga tao: ang iitim!” (buknoys translation: “ay naku, i’ve been here for 5 years now. last year, i went back to the philippines and oh when i went out of the airport, NAKU, ang mga tao: ang iitim!)

tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa: yung kutis nya eh mas maitim pa sa akin (eh ako nga, kutis bayag na, imagine mo na lang kung gaano siya kaitim). isang malaking “phallic hand gesture” na may kasamang “ngatain mo, um!” kay manang, who totally lost all her associations with being pinoy na pati yung kulay pinoy eh kinasusuklaman niya.

oo nga pala, balik tayo sa airport incident: si jet gusto ba namang awayin ang cashier sa 7-11. sobrang yabang daw. sabi ko, di bale na lang, baka kako di na tumitigas ang titi ng mister niya kaya mainit ang ulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *