DEATH BY POWERPOINT

ang isang hindi lang maganda pag ikaw ay isang accidental tourist ay hindi mo masyadong ma enjoy ang mga lugar na pinupuntahan mo. ok rito sa orlando. lahat ng gusto mo ay narito – ang daming golf course, may disney magic kingdom, sea world, universal studios at kung ano-ano pa. sarap ano? ang problema ko lang eh nakakulong kaming lahat sa loob ng isang conference room for the duration of the conference.

yan siguro ang mini version ng impyerno – nasa paraiso ka nga pero di ka naman makalabas. pakiramdam ko para akong isang matakaw na lalaking ikinulong ng isang alaskador na diyos sa isang kwartong puno ng pagkain pero hindi naman niya ako binigyan ng bibig.


ang pinaka ayoko sa lahat ng ito ay during the entire two days of the conference, para kang ginulpi sa dami ng powerpoint slides. na experience nyo na ba na mag attend ng company conference kung saan may presentation simula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon? halos walong oras kang naka upo sa isang kwarto at ang makikita mo lang ay slide after slide ng hypnotizing powerpoint presentations. pag tapos nga ng 2 araw na puro ganito, maloloko ka talaga. parang gusto mo na tuloy mag ala ate guy at sumigaw ng… “walang himala! hindi totoong may himala! tayo ang gumagawa ng himala! tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga diyos! walang himala”.

ang pinaka worse experience ko ng “death by powerpoint” ay nung nag conference kami dito rin sa orlando nung 2002. ang haba ng byahe – halos 30 hours from singapore to frankfurt to new york to orlando. pag dating mo sa hotel, pagod na pagod ka pero di ka makapag pahinga dahil nagsimula na ang conference. isang linggo kaming nakakulong sa hotel at umaga hanggang gabi ay powerpoint presentations while all the while, you’re nursing your jetlag. dumating na nga yung point na halos sakalin ko na yung main speaker para tumahimik. hindi ko lang nagawa kasi antok na antok na ako kaya ang ginawa ko na lang ay tumakas sa conference at bumalik sa kwarto ko para matulog.

ACTUALLY, hindi namang ganyang ka bleak ang trip na ito. buti na lang nga at kasama ko si jet. at least pagtapos ng conference sa wednesday, may 3-4 days kami para makapamasyal dito sa florida. excited na nga ako.

14 thoughts on “DEATH BY POWERPOINT

  1. Very optimistic ka talaga sir! Sa lahat ng bad nakakita ka ng good. Yung mga misfortunes mo na nakapost dito ay pinapasaya kami. di ko tuloy alam kung iwi-wish kita ng “goodluck” or “bad luck”! wat-chu-tink?

    belated nga pala sa poreber lab mo na si mam jet!

  2. nicanor at jet…..ano na masasabi ko. si kuya joe mo ito (ewan ko kung distant cousins tayo..sta.rita pampanga ang parents ko).eniway enoying your blog for the past few years now dahil sa “kalog” at kuela ka nga to the point of referring your site to my buddies.email me while ur in Orlando that we can touch base if you want to.ok…ngarud!

  3. “from singapore to frankfurt to new york to orlando” ang toxic naman ng byahe na to, wala bang direct flight from singapore to orlando?

    ang masakit pa nun habang may jetlag, eh bubugbugin ka ng isang katerbang powerpoint. bilib ako sa yo at natagalan mo yun. di mo ba kinailangan ng toothpick? para itukod sa mga eyelids? 🙂

  4. napakasakit …. so near and yet so far. pero di na bale. i’m sure by now hinihimatay na kayo ni jet sa good time sa disneyworld dahil naubos na yung mga powerpoint na naka-line up.
    ( meron bang powerpoint na porno? siguro, yon, di boring )

  5. baka wala na kong mawawaan sa pinakikita sa powerpoint at hanapin ko na lang yung main outlet para bunutin ang plug,hayos tapos ang slides!

  6. off topic:

    Sir batjay ang ganda ng bahay mo sa antipolo. Tip naman kung magkano po ito. naghahanap kami ng bahay ni mrs ng maayos at affordable na bahay sa pinas.

    ty!

    Dennis

  7. naku, nakakabore yang ganyan. Yun ngang isang oras lang na walang naiibang ginagawa, bored na bored na ko, yan pang 8 hours? Sulitin nyong maigi ni Jet ang pasyal ha.

  8. gosh, dying in a meeting is one sure thing i don’t want to end up doing. haha! buti nalang may relaxation time kayo. if you’re going to disneyworld, please give donald duck a kiss for me. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *