DEAR MYLAB,

Kamusta ka na? I hope you are alright upon recieving this wonderful letter… of mine. hehehe. Parang introduction ng isang grade school student nung pinagawa siya ng teacher niya sa English ng assignment: “Write a letter to your best friend about how you spent your summer vacation”.

Unang alis ko dito pala sa isla in 3 months ano? Nakakapanibago. Swabe naman ang byahe ko – simula sa taxi from home to airport hanggang sa flight at bus ride papuntang hotel. Iba ang aura ng Changi International Airport ngayon, siguro dahil konti lang ang bumabyahe dahil sa SARS. Subdued, medyo malungkot. Tulad ng nakagawian ko, tuwing umaalis, bumibili ako ng libro sa bookstore ng airport para mabasa sa flight . Ang napili ko ngayon ay yung “Kitchen Confidential” ni Anthony Bourdain. Siya yung nasa Discovery Travel and Adventures, yung cook na taga New York na umikot sa buong mundo para ma-experience ang mga iba-ibang pagkain. Anyway, uneventful ang 6 hour flight to Seoul, the way I want it to be.

Bagong Boeing 777 ang nasakyan ko at punong puno ng mga bagong features ang eroplano. Mayron na silang mga CD collection sa Playlist nila. Pinili ko yung bagong CD ni Norah Jones at yung greatest hits ng Carpenters. Sumabay nga ako sa pagkanta ng “Rainy Days and Mondays” hanggang pinagsabihan ako ng stewardess na huwag daw akong maingay. Movies? Hmmm…. teka, di ko na maalala yung mga title. Hehehe… yung bagong movie ni Al Pacino na tungkol sa CIA, yung tungkol sa mag-asawang nag honeymoon at di magkasundo, at yung tungkol sa isang bumbay na pumunta sa America para maging isang porn star at guru. Puro umpisa lang kasi ako at pag medyo pangit, lipat sa ibang channel. Parang kanta ni Springsteen: “57 channels and nothing on”.

Like all flights from Singapore, may temperature at health check sa pre-boarding. Mayron na naman sa pag-landing kung saan may Koreanong papasok sa eroplano at tututukan ka ng pyrometer para ma-measure ang temperature mo. Ang pyrometer ay isang non-contact thermometer of sorts. Sa trabaho, ginagamit namin ito sa pag measure ng mga materials na di pwedeng gamitin ang thermometer dahil mapapaso ang kamay mo sa sobrang init – for example: newly manufactured cement, molten steel, etc. Korteng baril ito at nung itutok sa akin kanina, muntik ko nang itaas ang kamay ko at sumigaw ng: “Suko na ako, Suko na ako”. Di ko ginawa, baka pauwiin pa ako eh. hehehe.

Korean immigrations: binuklat at ininspeksyon ang bawat pahina ng passport ko. Tingin sa computer, tingin sa visa, tingin sa picture kong nakangisi. Halos kabisaduhin nang lahat ng nakasulat sa bawat page. Tingin sa markings using a high powered magnifying glass… etc, etc, etc. Isip-isip ko: “Tanginangto, kala ata pasasabugin kong bansa niya. Pasabugin kong tumbong mo pag pinatagal mo pa ako rito, hinayupak ka.”

Bus ride from the Airport to Seoul proper. Great 2 hour trip… sobrang sarap sa pagmasid ng mga tanawin sa labas ng bus at di nagtagal (as usual), tulog ako. Nagising ako eh malapit na sa hotel. Masarap ang panahon ngayon sa Korea… springtime. Not too hot, Not too cold. It’s a great 14-26 Degrees C, my kind of weather. Sana nandito ka para ma-experience mo rin ang ginhawa ng Korean spring.

Nandito na ako sa hotel habang sinusulat ko ito. Kakatapos lang naming mag-dinner. Kumain kami sa isang sikat na Korean Barbeque restaurant dito sa siyadad… Ang specialty nila – Beef, very thinly cut na lulutuin ninyo over a charcoal grill. Pagkaluto, ihahalo mo siya sa chili sauce, kim chi at hilaw na itlog. Ang lahat ng ito ay gagawin mong palaman sa iba’t ibang dahon na gulay. On the side ay may sabaw na malamig. Gaano kalamig? Malamig as in may yelo na lumulutang sa mismong sabaw. Siyempre, di mawawala ang paboritong inumin ng mga Koreano – Soju. All in all at much to my surprise – masarap. Mabait ang mga staff ng restaurant at masayang nakikipag-usap habang nagsisilbi sa iyo. Altough medyo nagiwi ng kaunti nang malaman niyang tatlong taga-Singapore ang pinagsisilbihan niya. Ang isa ay galing pa sa China. Hehehe… Hindi naman ako umaatras basta-basta sa mga exotic na pagkain. Pinapatulan ko kahit ano, simula sa mga barbeque scorpion at bulate sa Beijing hanggang sa mga mabangong pagkain ng India.

Bukas ay masaya. Sunduin kami ng 8:30 sa hotel para pumunta sa local Korean office namin. Darating din ang mga kaupisina ko galing ng China, Australia at Japan. Sama-sama kaming lahat para sa conference namin sa Biyernes. Sa gabi, papasyalan daw namin yung isang sea food place dito sa Seoul na ang specialty ay madulas at masarap na palos. Baka magpainom din ang bossing ko – mukhang in the mood to socialize eh. Good Omen… Good OmenTO sana rin!

Sige my lab, tulog na ako. Sandali lang naman itong trip na ito at sa Sabado ay iyong iyo na ulit ako. Ingat na lang diyan.

LabU. Jay

p.s. medyo nagloloko ang internet ko sa hotel kaya baka intermittent ang pag online ko. tingin ko yung local ISP ang may problema. imbestigahan ko muna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *