DAVAO ON MY MIND

sa lahat ng mga lugar sa pilipinas, isa ang davao sa paborito ko. una, mababait ang mga davaoeno. pangalawa, ang davao city ay isang malaking siyudad na may hometown feel. di tulad ng cebu o maynila na sobrang gulo at dami ng tao. ikatlo, maraming pupuntahan sa davao. both sa city proper at sa outskirts – may tatalo pa ba sa mt. apo? ikaapat, masarap ang pagkain sa davao. from seafood to fruits – ang davao ay walang katulad.

mahal ko ang davao. kung ilang taon akong pabalik balik dito para sa mga project. simula sa pag gawa ng planta ng san miguel beer hanggang sa erection ng geothermal power plant sa mt. apo. sa aking professional life, wala na sigurong papantay sa mga experience ko sa davao. marami akong nakilalang bagong kaibigan dahil sa kanya na hanggang ngayon ay kaibigan ko pa rin. sa aming pagsasama sa trabaho, dito ko naramdaman na mayron akong konting halaga sa mundo. nung araw nga, iniisip ko na sa davao na lang manirahan. isasama ko ang pamilya ko roon at doon na mananahimik. hanggang ngayon, whenever i think of davao, i smile and recall the many happy times i’ve spent there, always thinking that perhaps someday, i may live there in peace.

peace bay, peace inday, peace kanimong tanan… yawa, kanang mga terorista, mga bangag sa lubot.

2 thoughts on “DAVAO ON MY MIND

  1. lagi! ako 3mons lang nadestino sa davao for work per sobrang relate na ko sa kwen2 mo. now that im back in manila, sumasagi madalas sa isip ko na mamalagi na doon kahit until retirement (dili yun atik!). daily expenses are not so expensive, people are so nice at mas safe pa ang environment compare d2 sa city.

    Mabuhay ang davao! ….sanay higit pa sa matinding alaala =)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *