DALAGA NA SILA, LOLO NA AKO

ang aking mga pamangking dalaga kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other neice paola. ang aking mga pamangkin kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other niece paola. sayang at di nga nakasama ang kapatid nilang si angel. mukhang nag enjoy naman sila rito kahit mainit. nag blend nga sila sa crowd dahil mukha silang mga intsik mga magagandang intsik (pinapatay kasi ang mga pangit sa pamilya namin). masarap daw ang pagkain. pinatikim ko nga sila ng curry fish head…. “ay sheeet tito batjay, it’s so masarap” ang sabi nila. hehe.

sabi ni ate sassy lawyer, ang tanda ko na raw dahil puro dalaga nang mga pamangkin ko. hehe. di niya alam may mga apo na ako (sina tj at az, anak ng mga pamangkin kong sina donna at david). dahil maagang nag-landi nag-asawa ang ate kong si gigi at late na akong ipinanganak, mayron pa nga akong nephew (si denden) who is older than me by 4 months. bunso kasi ako at menopause baby pa. my mom had me when she was 42… yes viginia, i was an afterthought (at muntik nang di ipanganak).

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MY MAGAGANDANG PAMANGKIN – click here

13 thoughts on “DALAGA NA SILA, LOLO NA AKO

  1. Dami pa nga nilang hindi natikman e… yung laksa sa Katong, yung beef ramen ng Ajisan, yung dumplings and sweet sour fish soup sa Queenstown, yung cream puff ng Beard Papa, tsaka yung kainan natin nila Lau sa Chinatown, tsaka yung crispy pata sa Lucky Plaza… hehe 🙂

  2. hello mylabopmayn! kamusta ka na diyan sa bahay?

    di pa nga nila na kakamot ang surface ng food sa singapore. di bale mylab, pag nagpunta ulit ang mommy rito, dalhin mo siya sa mga sinasabi mo.

  3. Ang pretty ng mga pamangkin mo, Batjay. Napapaisip rin tuloy ako kung ilang taon ka na, hehe. *joke* Iba syempre ang ganda ng mga Pinay, di ba? Nakakatuwa at mukhang nag enjoy sila talaga dito. Sayang, katapat lang ng Sentosa ang bahay namin. Sana nakadaan kayo for a cup of green tea. 🙂

  4. hi tin.

    siyempre maganda ang mga pamangkin ko – matalino pa. hehehe. matanda na ako, pwede nang tawaging “uncle”. hehe. pero batang isip pa rin, kasi special child ako eh. bwahahahahaha.

    di bale, kami na lang ni jet ang pupunta sa bahay nyo. malapit lang pala kayo sa sentosa – sa inyo ba yung malaking mga condo doon sa shorline? ganda doon eh.

  5. hahahahahahaha… aray ko, ang balakang ko, sumakit tuloy.

    oo nga, mga mapuputi at magaganda ang mga pamangkin ko. samantalang ako’y kutis betlog.

    pero cute pa rin, sabi ng mommy ko at ng asawa ko.

  6. batjay, gaganda naman ng mga pamangks mo, sure kang related ka sa kanila? joke, joke, joke! Yung mama mo, young looking ha, di sya halatang 80 y/o! Parents ko punta rin dito next year, excited na ako!

  7. hi christine… ang left hander na tulad namin ni jet! musta na diyan sa kiwi land?

    siyempre magaganda ang mga pamangkin ko. pag pangit kasi sa amin, hinahagis sa ilog pagkapanganak.

    nakatakas lang ako.

  8. Mabuti naman dito ‘ka batjay. lumalamig na panahon. autumn na. isang buwan na lang winter na naman. Kayo dyan sa bansa ng mga singkit, oks pa ba kayo? mainit na lalo ano?

  9. sobrang init ngayon dito – probably the hottest time of the year for south east asia. ako pa naman eh winter kind of person. i can stand cold and extreme cold but i really an cranky when it’s hot.

    mas bagay ako sa mag bansang tulad ng adopted country mo. i have heard so many good things about kiwiland and the kiwis. perhaps, someday pwedeng bumisita diyan – nz and australia are part of my support job so it’s not farfetched.

  10. Sabi ng nanay ko, maganda daw sa Tate. Marami kang magagawa pagdating mo dito. Parati daw sila pumupunta sa beach, atsaka sa mall, atsaka sa parati sila kumakain sa restawrant, atsaka masmalaki ang kinikita nila sa tate kaysa sa dati nilang trabaho dito sa Pinas. Pero kahit anong sabihin nila gusto ko parin dito sa Pinas dahil sa masaya na ako dito. Sampo na ang anak ko dito, sampong beses na ako kinasal at sa tingin ko ay magiging saksespol tong merayge ko. Mahal na mahal ko ang aking mga anak at lahat sila ay mapapakinabangan sa buhay. Mahal na mahal ko rin ang pangsapo kong asawa at sa tingin ko ay hinding hidi ko siya maiiwan. Wala na akong kaylangan mabago sa aking buhay dahil masayang maya na ako sa piling ng boyfriend ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *