D’ SUBTLE WHORING THAT COSTS TOO MUCH TO BE FREE

kung nasa marcos highway kayo nung martes ng mga ala una ng madaling araw, at may nakita kayong lalaking medyo kyut na nagpapalit ng flat tire malapit sa isang junk shop – ako yon. parang isang pang-inis na pansalubong sa akin ng tadhana. habang nagpapalit ako ng gulong, may mga grupo ng kalalakihan na nasa tabi ko. kinabahan ako nung una kasi akala ko gugulpihin nila ako (kaya ganon na lang ang hawak ko sa jack). pero pagtagal nabuwusit ako kasi ni hindi man lang sila nag offer na tumulong sa akin. mga kupal talaga – hekshuli, pinagtawanan pa nila yung aking misfortune. sana tubuan sila ng betlog sa noo. to add injury to the insult: habang inaayos ko ang aking flat, tinugtog sa radio ang i’ve never been to me, isa sa aking most hated songs. siguro na senti ang isa sa mga kupal at nilakasan pa ang volume kaya dinig na dinig ko… “ive been to paradise but i’ve never been to me” – aaaargh! dapat bitayin ng sampung beses ang composer ng kantang ito.

pero masaya pa rin ako kahit naflatan ako ng gulong sa marcos highway. nagkita kasi kami ng mga classmates ko. kasama namin ang aming beloved math teacher na si mr. guerra. i have not seen him in 21 years pero parang kahapon lang ng magkahiwalay kami. ang saya ng mga kwento niya. we drank and told the same old stories until midnight. for that alone, ok lang sa akin na ma-flat tire ng kahit limang beses.

but much to our suprise, our teacher did more. at the end of our party, bigla na lang niyang kinalembang ang baso niyo gamit ang tinidor at bigla ba namang nag rap. oo mga brader and sister. ni rap niya yung paborito kong “Adrew Ford Medina” ni andrew E sa loob ng pepetons sa quezon city, much to the delight of the waiters and the other guests.

kumanta ba naman at mag rap ang teacher mo sa isang restaurant, kung di ka ba naman matuwa. thank you mr. guerra. thank you sir. you made this tiring trip worthwhile. until next time and with much love… from your students who adore you to this day.

41 thoughts on “D’ SUBTLE WHORING THAT COSTS TOO MUCH TO BE FREE

  1. sana sinabayan mo ng macarena ng di nagdigulong sa sahig sa kakatawa (ROTFL or LOL in english) pati ang mga aso sa labas ng resto.

    had a great breakfast this morning (siyempre umaga yun eh)… btw, ubos na yung bakwa… na wipe out ng mga alaga ko… di ko nga napansin eh… sa uulitin!!!

  2. hassle yun lalo na kung nag-iisa ka. Lalo pa’t gabi. Glad you’re okay. Sana tinawagan mo ko para napuntahan kita. kaya lang baka naghihilik na ko nun. πŸ™‚

  3. hi joan. taga antipolo ka rin ba? natakot nga ako especially when i was repairing the flat dahil within reach. tapos may dumating pa na isang group ng kaibigan nila na naka kotse. lalo akong natakot. nasira pa ang bwisit na jack. asar. ingat

    hey tito rolly. hassle. big big hassle. nung natapos ako, i was really dirty and sweating like a pig. hehe. yung pantalon ko, puro alikabok. yung kamay ko puno ng grease. di na ako nag-abala dahil madaling araw. pero i was really tempted to call somebody.

    Hi dindin. dapat pala ay isang kilo ang binili ko. ngyehehe. buti na lang, your kids loved it. you should try the gourmet bakwa. it should be available in the BCH shop in HK. if it is, you should try it because it’s really tasty.

    RUTH! yup, we were discussing this topic last monday night. yung mga teachers namin sa elementary and high school were the coolest people on earth. we adored most of them. what’s really nice eh yung mga cool at sira ulong mga teachers na hanggang ngayon, nakikita pa namin. now, everything has come full circle…. yung dating tinitingala namin have become our friends. that’s the best thing there is.

    hi jessie. pwede sanang mag conspiracy ano? hehe. di bale pag dating na lang namin ni jet sa pasko. ingat sa malamig na lugar. inggit ako.

    hi auee. i just got an email from paul the unlawyer telling me na personally kilala niya ang pamilya casus. he’s a cool guy and a great trumpet player. i loved your bulog story. hehe. maraming mga tao ngayon, di na nila alam kung ano ang “bulog”.

    ate sassy! ang galing mo talaga sa name that tune. tama ka – Guessing game ulit. “I’ve never been to me” originally performed by Charlene Duncan, one of my most hated songs! hehehe.

  4. Uuuuy talaga andito ka sa Pilipinas? Email mo naman ako, may gusto sana akong padala na gift sa asawa mo (Sa ‘yo, sorry wala eh. Hehehe).

    At tungkol sa kanta… gusto ko ‘yang song na ‘yan eh. Masarap kantahin sa videoke. πŸ˜€

  5. aliw talaga ako sa mga posts mo…maliit pa ako naririnig ko na ang kantang yan. college na ako nung maintindihan ko ang meaning. di ba kanat ng pokpok yun?

  6. Nangyari na rin sa akin yan sa Quirino Ave. sa Sta. Ana. May mga lumapit sa akin, akala ko magmimiron lang sila pero buti na lang mga barangay tanod sila at tinulungan nila ako. Binigyan pa ako ng souvenir – isang tubo para may lever ako in the future.

    Enjoy your homecoming.

  7. mr. guerra was my class adviser and math teacher hehehe… naalala ko tuloy… sometimes he’ll do standup comedy every now and then… green sometimes hehehe

    πŸ˜€

  8. Heh heh…naalala ko tuloy yung Tagaytay story na ine-mail ni Sara sa PamilyaSereno!

    Perskasin!!! Siguro nilasing niyo ng todo si Mr. Guerra for him to let go of his ethos just like that!

    At hello…kinakanta ko yung kantang yon ha? he he…guilty as charged! Napakadali kasing kantahin eh, kaya it’s easy to sound good. Pero I draw the line sa spoken words. Even those are too cheesy for me! (heh heh)

    Don’t worry…I’ll make sure to pass it up next time we sing karaoke. I know it’s a sacrifice, pero kantahan mo lang ako ng “Pitong Gatang”, solb na sa ‘kin ‘yon!

  9. FAFAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!

    kamusta na ang pilipinas? mag-iingat ka dyan mabuti. paki-hi mo na lang ako sa mga makakasama mong mga blogger friends natin na nasa maynila.

  10. at oo nga pala, bigla akong kambyo… ako peborit ko yung kantang yan kasi… kasi… teka bakit ko nga ba paborito yun????

    kinakanta ko rin yan nung bata ako tapos nung lumaki na ako (kung lumaki nga ako) dun ko lang na-realize kung ano ibig sabihin nung kanta. Pero ok lang.. i’ve been “to me” na naman eh. I’ve been to makati pa, atsaka quezon city, cebu, iloilo, davao, surigao, siquijor, jongking, jameyrika at kaneyda pa.

    hehehe…

  11. Hesusmaryopes naman, sa lahat pa ng lugar na mabutas ang gulong mo doon pa. Haay naku, ano na nga ba ang nangyari sa pinoy? Imbis na tulungan ang kapwa pinagtawanan ka pa. Kung naroon ako, binuhat ko na ang sasakyan mo para madali ang pagpalit ng gulong.
    Talagang WELKAM TU DA PILIFINS!
    Ganito man ang nangyayari sa bayan natin, MAHAL KO PA RIN BAYAN KO!

  12. hi batjay! buti na lang hindi ka pinag-tripan nung grupo ng lalaki. naiimagine mo ba kung hinoldap nilang lahat ng suot mo tapos ang naiwan na lang eh yung pantakip mo ng nipples mo? hehehe!

    kidding aside, i’m glad you enjoyed your reunion with your classmates and teacher. siguro pag matanda ka na, ikaw naman ang mag-ra-rap ng “stupid luv” para sa mga bata πŸ˜€

  13. hi soloflite.

    but like all bad songs, over time they kind of grow on you. especially when they are used in movies. case in point is this song. “i’ve never been to me” was used as opening song of the movie “the adventures of priscilla queen of the desert”. this launched the careers of “time machine” and “la confidential” star guy pierce, and of course who can forget hugo weaving, yung contrabida sa matrix at elf king sa lord of the rings ay isang drag queen dito sa movie na ito.

  14. nung araw nga pala ninang, ang akala ko eh ang tamang lyrics sa kanta ay:

    “…i’ve been to paradise, but i’ve never been to greece”

  15. hi bossing boyetB.

    sorry for the exttremely late reply. maraming salamat sa iyong welcome. napanood ko ata yang episode na yan na binuhat yung sasakyan na flat – i think it was “superman 1”. i can’t forget the scene, it was the one where the baby superman lifted his foster parent’s car dahil na flat nga.then there’s this funny scene sa “groundhog day” where bill murray repairs the flat tire of a group of 3 old ladies.

    i’m rambling. all i ever wanted to say was – thank you for your comment.

  16. Kaka download q pa lng ng kantang to’ akala q nga dti nung npapakinggan q sa radyo.ive been to paradise ang title.to be honest paulit2x q tlgang pinapakinggan ang kntang yn dhl msarap kcng pakinggan w/o kn0wing about the lyrics.kaya ang gnawa q hbng pnapakinggan q xa nagsearch aq ng lyrics nito.xmpre naguluhan tlga aq.sbi q sa sarili q bkt ganun sa ganda ng pgkakanta e2 pla yung lyrics,ang lalim na parang msama pakinggan sa nkakaintndi ng husto.m0re likely para ngang pang Gro.kaya lng hnd q tlga alm qng anung gus2ng ipahiwatig ng composer nito.by d way wla n aqng paki sa lyrics ng kntang to ang mhlaga.gus2 q 2.hnd dhl sa meaning.kundi dhl sa pgkakanta ni charlene.the bckground music & the voice of singer ay nagpapaalala sakn nung panahun na bata pa aq.(pinakinggan q ulit wyl commentin>ung part na sinasbi nya lng yung kanta parang pinapahiwatig nya na marami na xang pina abort na bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *