CURRY FISH HEAD

one of the favorite dishes of singaporeans is “curry fish head”.

ulo ng isda, na may sabaw na curry at asam (in tagalog: sampalok). hinaluan ng iba-ibang gulay: talong, okra, string beans, lemon grass… para itong sinigang na isda na binuhusan ng curry powder. in many ways, equivalent sa ulo-ulo na nabibili natin sa manila. sa may likod ng veterans memorial hospital sa qc (kung saan “nakakulong” si erap) may singigang na ulo-ulo na dinadayo ng mga kung sino-sino (in short, the who-who go out of their way to eat the head-head soup – hehehe). anyway, kahit kasing init ng sabaw ng ulo-ulo ang araw eh tuloy pa rin ang dagsa ng mga tao…

ang ulo-ulo rin ni mareng marlene na asawa ni mon ay napakasarap! samahan mo ng bagoong na may suka as sawsawan. tapos sabayan mo na rin ng inihaw na liempo na may toyo, sili, at suka. hmmmm…. tamang-tama sa sunday lunch after the visit to the veterans driving range. hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ito: yung lasa ng ulam at yung saya ng pag-sasama…

balik tayo sa curry fish head. nung una, di ko ma-attemp itong tikman dahil iniisip ko kung ano ang lasa ng curry na hinaluan ng sampalok… yuck! pero pag natikman mo ito, lalo na sa turo-turo sa chinatown dito sa singapore na dinadayo rin ng kung sino-sino, mapapa-WOW ka sa sarap. the trick is to use a little curry and a little sampalok, para nag-aagaw ang lasa ng 2 spices at para hindi masyadong malakas ang dating. kailangan din ay sariwa ang isda. tulad ng sinigang na ulo-ulo natin sa pilipinas, the key to the soup is subtlety… that is, no arresting flavor and just let the sweet taste of the fish head do its work.

if there is a typical dish that represents singapore, this is one of them. ulam that fuses the three main cultures of the island: curry from the indians, sampalok from the malays and the chinese do the cooking.

fish head is such a typical asian delicacy. in fact, nandidiri ang mga puti rito. typical reaction: “you eat fish heads? yucccck!”. isip-isip ko, “sapakin kaya kitang hinayupak ka. this is not america, arsehole!”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *