COMMON SENSE WILL TELL YOU NA MAGANDA AKO

topic ng lunch time conversation namin kanina ng mga kaopisina ko yung disipina sa mga schools dito sa singapore. usap usapan dito dahil headline sa mga dyaryo kahapon: isang school principal ang nag step down after admitting to hitting a female student with a soft cover book. ARAY! masakit yon.

iniisip ko rin nung time ko ng elementary and highschool during the 70’s and 80’s… sa sobrang tagal nga, halos di ko na maisip. mayron ding physical punishment. mangilan-ngilan sa mga teachers ko ang nanghahatao ng class record at nambabato ng eraser. yung isa ko ngang teacher ay notorious. bukod sa kanyang sikat na one liner describing herself (i.e. “common sense will tell you na maganda ako“) ay talagang asintado siya. hehe. lahat ng ibato niya at ipalo ay right on target.

bihira ang mga katulad niya though, most of the punishment sa students was more towards embarrasing you than to physically hurt you (which i still believe is a much more effective form – mas masakit mapahiya kaysa mapalo). ang pinakasikat na form of punishment during my time ay yung patayuin ka sa gitna ng init ng araw, o kaya sa labas ng classroom, or much worse, sa labas ng faculty room.

ang reaction ng mga officemates kong singaporean ay basically ito: iba nang takbo ng school system ng singapore ngayon. nagiging malambot na raw ang mga estudyante dahil nawawala na yung striktong disiplina na may kasamang physical punishment. in effect, kampi sila doon sa school principal sa paghataw ng libro doon sa estudyante. nung time raw nila, common practice ito (sama mo na yung pagpalo, pagkurot at pagsabunot sa buhok).

kung sa anak raw nila iyon nangyari, sasabihin pa nila sa teacher na ituloy lang ang pag disiplina sa kanilang anak. nung time raw nila, yung mga nanay pa raw nila ang nagsasabi sa mga teacher nila na kapag di sumusunod ang mga anak nila sa school eh banatan nila ang mga ito. free reign kumbaga – you have the right to hurt my child in the way that you see fit.

kung sa anak nyo ito nangyari, anong gagawin ninyo?

20 thoughts on “COMMON SENSE WILL TELL YOU NA MAGANDA AKO

  1. Bow Batjay!matagal na matagal ng recommended ng aking fren na si MissP tong site mo.ngayon lang tal’ga ako nagkaroon ng chance(freshly baked mom kc) kaya laging bz.anyway,mukhang mapanay panay ko tong site mo!!kaaliw!!regards at kay misis mo na rin:-)

  2. Hi tiptoes… ganda ng pangalan mo, napaka-gentle… hehe.

    Mylab, hinding hindi ako papayag. E kaya lang naman ata ganyan sila dito kasi nga wala silang panahon magpalaki ng anak kaya pati pagdisiplina, iniaasa sa mga teacher.

    Para saken, bago pa man pumasok sa eskwela ang mga bata, dapat may sense of discipline na kahit papano… and this is to only to be nurtured and followed-up in the schools, and if necessary, make recommendations to parents, not take things into their own hands.

    Who’s to say kung ano’ng mga consequences on leaving the teachers with a free reign in disciplining children? Pano mo madidisiplina ang bata with the kid’s best interest at heart kung ang scenario ay:

    1. Unang-una, career ito para sa kanila, although siguro dapat tawaging vocation ang pagiging teacher dahil sa laki ng effect nila sa mga bata, who are basically, at school-age, very impressionable individuals… as opposed to parents who, first and foremost, are supposed to treat their children with love and nurturance.

    2. Sa dami ng students na hinahandle ng teachers, they can’t help but to have a structured and generalized approach sa pagdisiplina sa mga bata, and we know that every individual is unique. So pag nainis ang teacher, hataw na lang basta, without taking into account each kids’ individual needs, state of mind, emotional state and whatever.

    3. Kung ang pagdisiplina sa mga bata ay magiging responsibility ng teachers, and their manner renders the students wary and scared of them, how can they teach the academics effectively? Pag natakot na ang bata, maaappreciate pa ba niya ang mga tinuturo sa kaniya?

  3. punishment #1: pingot sa tenga – effect: nagiging mala makopa

    punishment #2: paluhod sa monggo – effect: kung parating napapaluhod eh tutubuan ka ng toge sa tuhod

    punishment #3: bato ng eraser- effect: libreng pulbos na may kasamang an-an

    punishment #4: hampas ng stick sa kamay – effect: sawing palad ni maria

  4. kami naniniwala na dapat sa bahay ang disiplina, sa school natututo. kasi kung naturuan ng tama ang bata sa bahay, di maglilikot sa school.

    ate ko nun pinalo sa likod ng stick sa school. syempre up in arms ang buong pamilya hanggang sa matanggal yung teacher. dahil baka nga naman ma-damage yung ate ko. di naman lumaki na suwail ang ate ko nung di na siya pinapalo sa school.

    tama si jet. swerte ka talaga manong jay. hehehe.

  5. hmm… naalala ko tuloy yung mga teachers ko nung elementary at highschool, di ko nga alam kung pano ko sila pasasalamatan. Sabi sa librong ABNKKBSNPAko ,ang pagtuturo ay isa sa pinakamarangal na trabaho at sumasangayon ako dito. ano nga kaya ang feeling ng teacher pag nakita nila yung estudyante nila na nagtagumpay sa buhay? isa ng presidente o sikat na basketball player. Sila ang kumukupkop sa musmos nating mga pangarap,di man natin naiintindihan noon,karapat dapat parin silang pasalamatan ngayon(teka,di ata lahat hehe),di man natin napansin,sila pa rin ang humubog sa pagkatao natin ngayon. mabuhay sila!

  6. kawawa din sila no? pumasok sa isang propesyon na hindi nila ikayayaman(pero maranggal naman),ok nga lang kung,di sila nakakatanggap ng sahod,nanganganib ang buhay sa eleksyon o kaya napupugutan ng ulo paminsan minsan. kaso kailangan e,maski tumawid pa sila ng bundok para lang pumunta sa eskwelahan sa liblib na lugar. kailangan ng mga bata ng edukasyon,at yan ang sakrispisyong sinusuong nila sa araw araw.

  7. ako, kahit nagsawa ako ng kadadapa sa lamesita namin, at least tatay ko ang pumapalo. at saka, may kasamang mahaaaaabang sermon bago pa muna pumalo. pero sa anak ko, kahit na gigil na gigil na ako, the worst that i’ve done eh isampal sa pader ang kamay ko (ako pa ang nasaktan!). tingin kasi namin, kadalasan pwede namang makuha sa paliwanag. either hindi nya ako naiintindihan, or hindi ko sya naiintindihan kung bakit ganun behavior nya. sometimes, it helps if you place yourself sa POV nung bata. at saka, takot kasi kami na ang matutunang lesson nung bata is that kapag galit ka or offended, ang tamang reaction ay violence. masamang ehemplo lalo na kung sa teachers nya matutunan, di ga?

  8. Konting dagdag lang sa comment ko kagabi mylab. Ako kasi, wala akong masasabing extraordinarily enriching experience sa mga naging teacher ko, mula nursery hanggang college. Karamihan sa mga teacher ko mga cold and unsympathetic, o kaya naman e overly driven na halos makalimutan nila na nag-aaral pa lang kaming mga estudyante nila at hindi pa graduate, and not one have made a lasting impression on me.

    Pero on the other hand, ilan na bang mga kwento ang narinig natin na mga teacher ang naging advocate ng mga bata, and how many instances have there been that teachers have saved their students from the parents?

    Naisip ko lang, pag kaya talagang inalok sa mga teacher na no holds barred sa pagdisiplina sa mga estudyante nila, mananakit naman kaya sila? Palagay ko, mas madalas na hindi.

  9. ako jay, nagturo na sa hgihschool pati na sa pre-school. naniniwala ako sa displina sa dekorum sa klase. para daw akong drill sgt. kung minsan. pero hindi ako naniniwala sa pananakit ng bata para madisiplina sila. lalo na dito sa US, di mo sila pwedeng hawakan.alam mo naman lawsuit-happy ang mga tao dito.
    tama, discipline should start at home. sadly ako ang disciplinarian ng mga tutees ko. as in yung mga magulang pa nga ang nagrequest na parusahan ang mga anak nila, grabe talaga.

  10. Nung grade 5 ako… i got hit by a ruler several times sa palms ko… lam nyo yun, the teacher would ask you to hold out your hands, palms up.. and then hit you with her ruler several times… yun yung usual punishment when you’ve landed on the noisy list… or if you were one of the cleaners who missed out a post in the classroom..

    tas one time… she got angry with this classmate of mine… eh she was powdering her face… she threw this small Johnson’s baby powder to that girl.. but the plastic bottle hit someone else on the cheek…

    o devah? awa ng Diyos, asa Canada na ata sya

    anyway, am not averse to the idea of someday having to hit my kids to discipline my kids…

    but i will be totally against other people doing that…

    just because teachers are second-parents to kids when they’re in school doesn’t give any of them the right to hit and humiliate my kids… i would rather they talk to me… and punish the child some other way… like extra homework maybe, or detention… but no slapping, pulling hair, spanking, whatever…

    they’re only allowed to slap any child of mine and shake the heathens out of him/her if he/she is having hysterics…

  11. I don’t spank my kids. Hindi sa pagyayabang but they are good kids. The don’t pick fights in school or anywhere else. In fact, when they were confronted with bullies, I had to teach them that self-defense was not a bad thing. That it was good to be able to take care of oneself. Wag lang sila ang pag-umpisahan ng away.

    If any teacher lays a hand on either of them, I’ll send him/her to prison. With no chance of ever teaching again.

    Discipline does not depend on fear or the fear of physical pain. Yung ganung klase ng disiplina ay mababaw at maraming hidden repercussions sa personality ng tao. Modern psychology na ang uso ngayon.

  12. Hi,

    Ang saya ng blogspot mo. Natiempuhan ko lang ito sa kaka basa ng mga blog. Anyway, I am a teacher and I have been thinking about corporal punishment. Hmm, let me share with you a text message i got from a friend. Isang nanay ang dumating at kinausap yung titser ng anak niya. “Mabait po yang anak ko. Madali pong matuto yan. Pag nagmisbehave, sapakin nyo kagad ung katabi niya, magtatanda na po yan.

    Thanks for the good laugh.

    rolly

  13. hi tiptoes. maraming salamat sa comment mo. marami ring salamat sa dalaw. balik-balik lang. ni ling na rin kita.

    hi boss ibet. nasa maynila ka pa rin? hehehe… sawimpalad si maria. ayos yon.

    hi jessie. kuha ko ang point mo. at saka swerte talaga ako kay manang jet.

    hi kahlua. salamat din sa oras na binigay mo sa comment. that’s one of the reasons why i love teachers. lalo na sa mga pinoy teachers. they give more than what they take.

    hi junnie. hmmm…. palo palo ka rin pala. hehe. matagal na akong di namalo sa mga pamangkin. puro sigaw na lang ngayon. o kaya tingin – nakukuga naman sila sa tingin.

    hi ruthie. nasa pilipinas ka na siguro ngayon. kuha ko rin ang point mo.

    hi AnP. salbahe ka siguro. hehe. pag natuloy ang conference namin sa milan. gawa ako ng paraan para makasama si jet at mabisita kayo sa frankfurt.

    hi ka durga. alam ko feel na feel mo ito dahil teacher ka rin. hehe… mataray ka ba sa classroom?

    hi mec. hehe. isa ka pang salbahe. sabagay kung maganda ang pagpapalaki mo sa bahay, di sila mapaparusahan sa school.

    hi sassy. thank you ulit sa comment mo. kikita ko nga ang modern discipline sa karamihan ng mga parents na kaibigan ko. it works if the parents do a really good job.

    hi rolly. salamat sa dalaw. na link ko na rin ang website mo. i’ve also sent you a separate email. teacher ka rin pala. saludo ako sa iyo.

  14. hello mylabopmayn. maraming salamat sa comment mo. i know how passionate you are about this subject. thanks for taking the time to think about this issue.

    i agree with what you wrote.

    ingat. lab U!

  15. at sa inyong lahat, salamat.

    i try to reply to all of you who posted comments. pasensya na lang kung huli. i know what i write isn’t worth that much kaya answering your comments is the least i can do for the time you spent reading and commenting.

  16. Most of us who went through school in the 70’s and 80’s will testify that some solid discipline will produce good results, both academic and character. But times have changed and children these days are more pampered.

  17. had a teacher in highschool who threw a piece of chalk at me…i threw it back =)

    he was our religion teacher.

    tsk.

  18. hi bayibhyap. sayang, if you can only speak more pinoy. but thanks for dropping by, i hope you got what i’ve said.

    hi rochelle. nakikipagbatuhan ka pala ng chalk sa teacher mo. mwehehe. tinamaan mo ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *