So you think you’re a romeo, playing a part in a picture-show

nagpalit na ng daylight savings time dito last sunday kaya alas siyete ng gabi ay mataas pa rin ang araw. medyo umiinit na rin. in fact, parang summer na nga ang feel dahil nung weekend ay umabot na sa 100 degrees farenheit ang temperature sa southern california. ‘tanginangyan, mukhang nakakalimutan ko na ata ang metric system. ano na nga ba formula? teka… 100 degrees maynus 32 equals 68 dibaydibay 1.8 equals 37.78 degrees C. piso na lang, impyerno na.

sa sobrang init nga ay nagkaroon ng malaking sunog dito. galing kami nina jet sa las vegas at nadaanan namin yung brush fire sa anahein hills. malaki ang sunog kaya sinara nila yung toll road na papasok sa city namin at kinailangan ko pang umikot para makauwi. pero ok lang, sabi nga ng supertramp – “take the long way home.”

pinanood namin si clapton sa MGM Grand nung sabado. one more dream come true para sa aming dalawa ni jet. supot pa kasi ako eh pinakikinggan ko na siya. lumaki ako sa musika ni slowhand and there was a time when i too called him god. very distinct ang style niya sa pag gitara at bigyan mo ako ng bagong kanta eh sa intro pa lang ay alam ko na if he’s playing.

simple lang siya sa concert. hindi masyadong nagsasalita except to say “thank you” after every song. iniisip ko nga siguro mahiyain din siyang tulad ko. pero magaling talaga ang boses niya’t pag gitara. hindi na masama para sa isang malapit nang maging senior citizen.

ang isa pa naming nagustuhan kay clapton ay binibigyan niya ng chance na mag shine ang mga kasama niya sa banda. hindi lang siya ang bida – in fact, dito sa concert niya ko unang napansin ang galing ni derek trucks. cover si derek ng rolling stone magazine last month at putangina, ang galing niya sa slide guitar.

the band was tight that night and they were rocking. para sa isang fan na tulad ko, sulit yung hassle ng mahabang biyahe para lang makita silang tumugtog. kaya nga natulog akong masaya nung weekend, lalo na’t dahil narinig kong live ang paborito kong “layla“.

16 thoughts on “So you think you’re a romeo, playing a part in a picture-show

  1. galing ng concert niya ninang. medyo bitin nga ako. sana mapanood namin siya ulit. dadaan ata siya sa east coast kaya lang wala ata siyang schedule sa inyo. pero baka hindi yung complete schedule ang nakita ko.

    ingat!

  2. nanood yung mga kapatid ko. ang alam ko ay asar na asar si clapton dahil nagkaroon ng malaking away during ng concert at nagbatuhan ng silya ang audience. i’m sure he won’t come back.

    punta ka na lang dito, nood tayo!

  3. batjay,

    wala akong masabi tungkol kay clapton kc ubos na ang aking tears in heaven.

    anyway, gandaaaaa ng blog nameplate mo. Ngayon ko napagtantong ikaw ay may “heroic” face. šŸ˜€

  4. jay :

    akala ko matgal ka na walang blog…mabuti na rediscover ko ito. BTW i watched also clapton in HK. Is Derek Trudcks part of Clapton’s entourage in Vegas? Ang galing nooong bata . Tapos karamihan Dereka nd the fominoes ang binanatan. May live recording ako noong HK concert.

    allan

  5. yes i missed that last portion….hahahaha when i saw your blog na napanood mo si clapton , i immediately remembered derek trucks kaya nag jump kaagad ako sa comments portion……… sayang wala pa siyang CD dito sa manila….but hopefully i can find one in California…

  6. we can find some derek trucks CDs in the mall. hopefully may bukas pang mga record store that sell their work. tower records closed down permanently and most of the CDs are now in target or walmart and they don’t sell the really good stuff.

  7. That was really one great concert Pa. Buti at napanood natin and thanks to you, another dream come true.

    Bruce Springsteen na lang talaga, kumpleto na… hehehe.

    Labyu!

  8. makisali nga bro,bukod kay The Boss,sali nyo na yung fleetwood mac at The Who then finale nyo yung Rolling Stone.That would be great.Nga pala,galing ng blog mo tol,saludo ako.Thanks.

  9. salamat. napanood na namin ang stones sa singapore but i wouldn’t mind watching fleetwood mac and the who. last year sana kasi narito ang who sa socal. hopefully sometime before roger and pete die.

  10. saw an article about you yesterday sa pdi and immediately checked your entries.astig. nagmigrate din sa tate (cali at ny) family ko at naiwan ako dito sa pinas magisa.nainspire tuloy ako magblog..after the bar exams siguro…i laughed my heart out at some of your stories…galeng…

  11. thank you for writing. good luck sa bar exams. if i were you, i’d start my blog during the review so you can use it to relieve stress. it doesn’t have to be long posts – i love to read blogs that are 3 to 5 sentences long.

    take care,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *