Coffee should be black as Hell, strong as death, and sweet as love

based daw sa bagong mga research, ang pag-inom raw ng kape ay hindi nakakapag pataas sa blood pressure. contrary ito sa dating paniniwala na masama sa katawan ang kape. in fact, mas delikado pa nga raw ang pag inom ng soft drinks kaya sa pag inom ng kape. naniniwala ako rito kasi mayroon akong kakilalang na aksidente habang umiinom ng sopdrink – tumungga raw niya ng coke in can habang nagmamaneho kaya hindi niya nakita na may paparating na sasakyan.


pero sabi ng mga scientist hindi raw conclusive ang pag-aaral na ito kaya hindi pa raw panahon upang tumakbo sa pinakamalapit na starbucks para bumili ng super duper grande.

para sa akin ay talagang dapat tayong mag-ingat. lalong lalo na kapag sinasamahan natin ng gatas ang ating mga kape. matagal ko na kasi itong naririnig sa mga kaibigan kong tambay sa novaliches. hindi naman sila mga doctor pero parang tama ang sinasabi nila.

ang gatas raw kasi ay pampalakas, tapos yung kape naman daw ay pampanerbiyos. kaya ang pinasamang gatas at kape eh pampalakas daw ng nerbiyos.

17 thoughts on “Coffee should be black as Hell, strong as death, and sweet as love

  1. masama rin daw pagsabayin ang pagbasa ng dyaryo at pag-inom ng kape… nakakabulag daw…
    yung kapitbahay kasi namin habang nagbabasa ng dyaryo uminom ng kape ayun natusok ang mata ng kutsaritang pinanghalo nya hehehe… korni no…

  2. Hi Batjay,

    kaya ako “MILO” na lang sa umaga “enery drink” daw eh… mataas din kasi nga blood pressure ko eh… palagay ko di dahil sa kape…Stress siguro….lol..

  3. Hi Batjay,

    Kaya ako MILO na lang sa umaga, “energy drink” daw eh.
    Mataas din ang blood pressure ko, pero di dahil sa kape…palagay ko “Stress” ang dahilan…lol

  4. milo sa umaga. miss ko na rin yan kasi walang milo rito. nung nasa singapore pa kami, mayroong nestle vending machine sa office na libre kaya unlimited milo at coffee. pero mas ok naman dito kasi may maganda kaming coffee maker na may sariling grinder kaya fresh parati everyday.

  5. ngyehehe… hi jon. musta na sa beloved kong davao? nahinto ako ng pag-inom ng coffee when i stopped smoking. trigger ko kasi ito sa pag yosi. ok naman – mahigit 1 year and a half na akong smoke free.

  6. hi miss buntis.

    that’s true. especially if the gatas is panis.

    one time a friend and i made a trip from the bay area to reno. we took off early and stopped by a not so well known coffee shop. we didn’t know that the milk there was panis until our drive up tahoe. both of us had LBM and had to stop every 5 minutes. unahan kami sa banyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.