Clouds come floating into my life

bumalik na ulit ang dati kong routine nung nasa singapore pa kami. nagkakamot ullit ng betlog sa umaga? hehehe. hindi naman. mag iisang linggo na akong nag e-excercise. palakad lakad ng 30 minutes around our apartment pagtapos ng trabaho. masarap maglakad dito sa amin. medyo malamig na kasi pag early evening kaya hindi masyadong nakakapagod. maraming mga tao ang health conscious dito kaya marami akong kasabay sa kalye. iba ibang age group – from super lola (hindi yung paputok, gagi) to middle age kyut pinoy (ako yon – ngyahaha). nagbabatian kami ng “gud ibning” at “hello” kaya pakiramdam ko eh para akong member ng isang malaking jogging federation. it feels good kahit minsan alam mong parang walang laman ang bati. para ngang eksena right out of a louis armstrong song. hindi “hello dolly” gago. yung “what a wonderful world” (i.e. “i see friends shaking hands saying how do you do”). bawat gabi pa ng paglalakad ko ay may kasabay akong magandang sunset. isa ito sa highlight ng aking araw. makulay kasi ang mga sunset dito sa orange county at minsan nga feeling ko eh wala akong karapatang makita ang tanawing ito dahil sa sobrang ganda. suwerte lang siguro.

16 thoughts on “Clouds come floating into my life

  1. Bakit nga ba mahilig magkamot ng balls mga pinoy? At bakit minsan kapag natutulog eh hawak pa rin si manoy?

    Mawalang galang na po Sir Batjay,ako po talaga ang totoong cute na pinoy!Click my MarchOne and you’ll see…
    Pero you’re my idol naman…Pinoy Blog Idol!

  2. That’s the way to do it, bosing. Count your blessings. Ang dami mo na ngang binibilang e no?

    Ba’t si Jet ba, hindi naglalakad? What about your bike? Don’t you have plans of biking again? Sali ka sa extreme sports. 🙂

  3. Hi BatJay,

    Wala ka na pala sa singapore..ako nandito pa rin at nabuburo na.. Pero salamat at patuloy pa rin ang blogs mo dyaan sa California.
    Nawa eh patuloy pa rin ito dahil nakaka aliw ang mga articles mo at the same time talagang beneficial.
    Dyaan ko din gusto mag settle in the future so ano ba ang maipapayo mo para makarating din ako dyaan.. ang linya ko is IT-client server analyst programmer at 5 taon na ako sa singapore.

  4. hello venus. nakaka inggit ka naman kasi nariyan ka sa singapore. maganda, malinis at malapit sa pilipinas. kung ako sa iyo – diyan na lang ako papasok as a PR. pero kung gusto mo talagang magpunta sa amerika, ang pinakamabilis na paraan ay either mag-asawa ng amerikano or mag-apply ka sa current office mo diyan sa singapore ng transfer to the US office. bibigyan ka nila ng L1 visa at makaka alis ka agad. kung walang opisina dito sa US ang current opis mo, find a multinational company that does work in the US.

  5. oo nga tito rolly, ultimong sunset at pag bukas ng gumamela sa patio namin eh i-pinasasalamat ko. mas mabuti na yung ganoon para meek and humble ang dating.

    maglalakad na rin yata si jet soon. i don’t know when that soon will come but i hope it does come, para may kasabay naman ako. i’ve sold my bike in singapore to a friend before we left. baka bumili rin ako in a month or two. i plan to bike to work dahil may extra company monetary bonus if we ride a bike to work. in effect eh pag nag excercise ka, babayaran ka ng company. galing ano?

    may sinasalihan na akong extreme sports – “eating hard boiled eggs while using the keyboard”

  6. Hi Batjay,

    oo nga ang mga kano mahilig mag-bati … bumati pala

    may TFC ka ba? nood ka pinoy big brother yan ang pinag-aabalahan namin dito sa pinas ngayon

  7. Hi Demonyito in Ca,

    Well, PR na ako dito sa singapore pero i think mas maganda kung mag settle ako sa California sandiego, florida. tama ba ako? kase ayaw ko naman na sa singapore lumaki ang magiging mga anak ko at maging singlish at maka pang asawa ng indian or intsik beho, etc.. at mas ok sa amerika sa tingin ko dahil magkaka roon ka ng property mo na landed na mura lang, hindi katulad sa singapore patong patong mga bahay at sobra sikip na.. sa tingin mo ok ba na mag pursue pa ako na mangarap maka rating sa California? iniisip ko kase either mag settle dyaan or babalik na lang ako ng pinas kesa dito ako mag buro sa singapore. email mo na lang ako sa bronsonbradley@yahoo.com para maka pag kwento naman tayo ng mahaba.. babae ako, single, naisip ko lang yang yahoo account na yan kase wala ako maisip na iba dati…hanggang sa muli..

  8. you can get a tourist visa first and come over to the US and find out what opportunities you may have. get a feel of what’s here before making a move. madali lang kumuha ng US Visa sa singapore kung wala ka pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *