CIRCUMSTANTIAL CIRCUMCISION

nung isang gabi nagpunta ako sa doctor para magpatuli.

hehehe…

hindi. joke lang. sinumpong na naman kasi ako ng allergy ko. kaya hanggang ngayon, supot pa rin ako.

hehehe…

siguro may nakain na naman ako sa labas na pagkaing may halong hipon. di ko maalala kung saan. pag lunch kasi, lumalabas kami at kumakain sa mga ibat-ibang turo-turo dito sa singapore. ginagawa ko namang lahat para siguraduhin na wala akong kinakain na shrimp, crabs at pusit. minsan may nakakalusot pa rin, lalo na sa mga pagkaing may sabaw. yung mga ibang pagkain kasi, shrimp based ang stock ng soup kaya kahit umorder ka ng beef noodles minsan, may halo itong hipon. kaya yan… “hipon coming back” ako sa doctor because i “pusit to the limit”. “isda best” kasi eh!

dito lang ako nagkaroon ng allergy sa shrimp. nakakainis nga. di na tuloy ako makakain ng halabos, tempura at lahat ng nga iba’t ibang hipon dishes na peborit ko. di na rin ako pwedeng kumain ng peborit kong pepper crab, chili drab and the very rare and tasty hairy crab from shanghai. bwakanginangyan. binigyan na naman ako ng injection ng doctor sa clinic malapit dito sa amin. tapos additional na gamot… isang klase sa umaga para hindi katihin sa opis. isang klase sa gabi para di ako katihin sa pagtulog.

ok yung gamot sa panggabi, pag kainom ko eh para akong nag downers. super antok at diretso ako sa kama agad. which is just as well dahil nakakabwisit talaga ang kati ng allergy. palipat lipat ang kati sa iba’t ibang parte ng katawan, palaki ng palaki ang pantal. kamot ka ng kamot na parang may galis. dati tinitiis ko ito dahil ayokong magpunta sa doctor. ngayon, ayoko na man. pag nakaramdam na ako ng allergy attack, takbo na ako agad sa clinic.

next time siguro, pwede ko nang isabay ang tule sa next appointment ko sa doctor. hehehe… hahahaha!

3 thoughts on “CIRCUMSTANTIAL CIRCUMCISION

  1. Hehhe…kaibigan d ka dapat mahiya….d2 sa abroad ang mgaputi ay supot….hehehe..walang jok 2 ha…mister ko supot pero super pagdating sa..alam mo na at me ank na kami….talking about allergy..yup noong bata pa ako me allergy ako like yours…kaya bawal sa akin ang sipon lallo na yung sugpo!
    Dito binalewala ko yang allergy…kain ako pagdating ng gabi walang tulugan…sige kamot ng kamot…pero alam mo after couples a year medyo nawala…ngayon di na ako namamantal, kamot to death na lang! hehehe…bumili na nga ako ng stick na pangkamot sa spain kasi maganda ang pangkamot doon…para talagang kamay at matibay…masarap pangkamot sa likod! hmmmmmmmm

    Good luck na lang sa allergy mo! Sarap pa naman na dried pusit at tuyo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *