Cheerful cheerful flashing a big smile

CLICK TO ZOOM. FROM LEFT TO RIGHT, FRONT TO BACK: (FRONT) SARA, RINA, CHRISTINE, (BACK)EDER, LEAH, JET, OWEN punong puno ng action ang friday ko. muntik na akong hindi nakasama sa bintan, indonesia para sa aming weekend getaway. nakalimutan ko kasi na yung passport ko ay nasa indian embassy. kumukuha ako ng visa dahil may trip ako sa curry land ng end of the month. alas singko ng hapon ay kumakaripas ako ng takbo sa opisina ng travel agent namin upang makuha ang passport ko. nakuha ko ng six. uwi ng bahay at diretso sa ferry terminal kasama sina leah, eder at jet ng seven o’ clock. photo finish. tapos nagsuka ako from start to end sa loob ng ferry. ang yabang yabang ko pa – kain ako ng kain ng tuna sandwich kahit maalon. nakikipag biruan pa’t pakanta kanta. one moment normal ako, the next moment para akong naglilihi. hindi pala maganda ang pakiramdam ng sumusuka sa toilet bowl habang hinahataw ang katawan mo left and right ng malakas na alon. pakiramdam ko eh parang akong na rape ng tatlong sumo wrestler. hah! akala ko ay malakas ang sikmura ko. hindi pala. pero yon lang naman ang masamang nangyari sa buong trip. the rest of the weekend was a blast. one word: PAKINGSHEET ANG SARAP. ay, three words pala. hehehe.

ang title dapat ng entry na ito ay “Contentment is a pearl of great price“. angkop kasi dahil talagang contento kami last weekend sa pag enjoy ng bintan island. ang biro ko pa nga ay ang pagkanta nung sikat na yano song: “nakakainis, ang ganitong buhay“. puro kasi kain, tulog at pasyal ang nangyari sa amin. hindi ko na ikukwento rito at pumunta na lang kayo sa site ni jet para mag tsismis tungkol sa trip.

nga pala, ito ang paborito ko sa lahat ng mga kuha ko during the weekend. bakas kasi ang saya sa mga mukha ng mga kasama ko. parang sinasabi ng litrato – “heto kaming mga pinoy, kahit na nakatira sa ibang bansa ay nagsasaya pa rin kahit papaano”. click the pic para mas blown up yung mga bakas ng kaligayahan.

tawa at saya – yan ang weekend namin kung kaya’t pinalitan ko tuloy ang title ng entry na ito. kinuha ko ang lyrics galing sa kanta ng R.E.M. para sa sesame street na “Furry Happy Monsters“, one of my favorite songs. happy birthday ulit mylab. i hope you had a great time as i had. salamat sa mga kaibigan natin na dumamay sa saya – kay leah, ronald, owen, sara, rena at mga co-birthday celebrants na sina eder at christine.

14 thoughts on “Cheerful cheerful flashing a big smile

  1. hi jay, bakas nga ang kasiyahan sa mga faces nilang lahat (i hope you too have that smiling face while taking their picture hehehe).. hindi ka ba nagka allergy sa seafoods doon?

    nga pala i remember a friend in our embassy in jakarta, sabi nya may isang community sa bintan na kung saan ang mga dalaga ay “inaasawa” ng mga singaporean and chinese executives, it seems legal for the indonesian women in that community na “magpabahay” in exchange for some monetary considerations..

  2. oo nga Ka BongK, enjoy talaga kami. nakangisi ako diyan kahit ako ang kumukuha ng pic.

    nabalitaan ko rin yan. may mga singaporean na nag-aasawa ng mga local para makabili sila ng lupa sa bintan. eh sa tutuo lang, parang singapore na rin ang bintan dahil puro galing ng singapore ang nagpupunta rito. singapore dollars din ang currency at ang management ng mge resort ay galing sa singapore. yung mga staff lang ata at yung mga immigration officials at polis ang indonesian.

  3. hi tin.

    hope you and ronald had a safe trip home from the ferry terminal. ayos ang gamot na ipinainom mo sa akin for the motion sickness. tuliro ako at antok na antok sa bintan pa lang. para akong lasing tuloy. nga pala – send mo rin ang mga pics via email para maipost ko rin dito sa website. piliin mo na lang ang mga magaganda.

  4. Sobrang saya. Sobra talagang saya, wala ako’ng masabi. Sobrang swak ang grupo, hanggang sa kahuli-hulihan. Sarap!

    Salamat sa inyong lahat. You are a great, cool group.

    Salamat mylab. Labyu! πŸ™‚

  5. walang anuman, kuya batjay. ako rin, sa monopoly pa lang hilong-hilo na ko. para kong lasing na ewan. mwehehe. buti na lang walang nag barfing stint sa atin pauwi.

    in a while share ko ang mga pics! πŸ™‚

  6. kuya batjay! sorry sa delay ha. had to attend to something important this morning and my goulash! almost 6 hours yata ako nag upload sa album ko. πŸ™

    Here itis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *