cheap food… all time

all time list of the best el cheapo food/food outlets sa notre:

1. fishball sa macabagdal gate- naalala nyo pa ba yung lasa ng sauce doon? maanghang na manamis-namis na may konting alat… tapos fish balls na deep fried saw-saw sa bote, makikita mo mag-iiba ang kulay ng fishball kapag sinipsip nya ang sabaw ng sauce. ito walang joke: minsan napapanaginipan ko ang lasa ng fishball sa macabagdal.

2. lumpiang prito sa notre canteen – simple lang: lumpiang toge with sukang maanghang. nakaka 3 ata ako pag recess.

3. lumpiang sariwa sa labas ng Notre gate – alala nyo pa aba yung lumpiang sariwa na umiikot sa grace park? gulay na tinadtad, sauce at sangkatutak na sariwang bawang na dinikdik. wow!

4. sago’t gulaman sa 12th avenue gate – hanggang ngayon ata buhay pa ito eh – nakalimutan ko nang pangalan non. hehehe.. sino na nga ba yung tuma-timing ang lababsan para puno ng studyante ang pwesto – oorder ng samalamig di magbabayad tapos hihingi pa ng sukli.

speaking about yung pagkain ni bob – spaghetti sa tropical hut masarap. tapos pork pao nga sa kowloon, pero favorite ko yung jumbo pao – itlog na maalat, bolabola, asado na naka mix sa malaking siopao, tapos sideorder kang shark’s fin with coke – extra hot sauce please. tapos kain ka na sa labas ng west avenue habang nagpapatanggal ng antok. goodah – goto na may tokwa’t dila, isang order ng lumpia at sangkatutak na suka’t toyo.

shakey’s special na thin crust with extra cheese and garlic with one order of chicken and mojo’s with one pitcher of beer, special-cielo kebab, sizzling bulalo sa pepetons with inihaw na pusit na may special sauce, sinigang na ulo-ulo sa miso, sinigang na baboy na halong taba at laman na may patis at sili,

adobong tuyo na chicken at pork tapos yung mantika ibubuhhos mo sa garlic fried rice. ginisang monggo with pritong baboy, siomai sa labas ng sm supermarket na may halong garlic sauce at toyo. beef steak with steaming white rice nan medyo malata. tuyo ang sinangag. tapsilog with knorr sauce. pansit bihon na may kalamansi at toyo, barbeque na chicken bituka with maanghang na suka….

gutom na ako sa kaka-imagine!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *