Change is inevitable, except from vending machines

question and answer portion pa rin dear brader en sister. maraming salamat nga pala sa mga sumulat sa akin at nagtanong. heto na po ang partial reply.

T: ano ang ginagawa mo ngayon unkyel batjay?
S: nagsisimula ng bagong hobby – collection actually.

T: collection ng alin, comics ni neil gaiman?
S: hindi. kinukulekta ko lahat ng kulangot ko simula nung miyerkules, tapos nilalagay ko sa kahon ng posporo.

T: ano gagawin mo kung maging presidente si jinggoy estrada?
S: pupunta na lang ako sa mindanao para sumali sa bagong republika ni mayor duterte sa davao.

T: ano itatawag ninyo sa bagong country na itatayo ninyo sa mindanao?
S: durian republic

T: eh kung si JV Ejercito ang maging presidente?
S: itutuloy pa rin ang durian republic, tapos papalitan ko ang time zone para maiba ang oras namin sa luzon. oo, galit galit muna tayo.

T: tutuo ba na muntik mo nang matamaan si mike arroyo ng golf ball sa ulo?
S: oo, na miss ko lang ang ulo niya by a few feet. nangyari ito sa wack wack nung late 90’s. VP pa lang si GMA. kung tinamaan ko sana si mike, malamang patay yon (at the very least, masisiraan ng ulo). it makes you wonder how a simple swing of a golf club could have changed history. kung tinamaan ko ang ulo ni mike, eh di sana wala nang problema si GMA ngayon.

19 thoughts on “Change is inevitable, except from vending machines

  1. Tanong: Bakit hindi sumunod si Gloria kay Tita Cory?

    Sagot: Kung si Kris, hindi sumusunod kay Cory, si Gloria pa kaya!

    (At least si Gloria hindi nagtago “under the bed.”)

  2. I dont listen to am/fm radio…i got it from CNN.hehehheh.(Seriously, i just thought about that…pasaway kasi si Cory)

  3. Kung tatamaan mo din lang mylab, dapat puro na. Or pwede din kung sa frontal lobe mo siya tatamaan, baka magkaroon siya ng personality change at bumait. Remember ‘Regarding Henry’? hehehe

  4. Batjay, I like the Durian Republic idea. Sama ako! Hahaha… except that I don’t like Durian that is.

    Sayang, di mo natamaan si Big Mike. You could have changed history!

  5. oo nga yasmin. yan din ang sabi ng boss ko every time we talk about it. he was with me when it happened. ok yung durian republic idea ano? pwede rin namang tacloban republic. ang tawag sa inyo ay mga taklob. hehe. joke lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *