CENSORSHIP AND THE XBOX

isa sa mga kinhihiligan ko lately ay ang pagjakol paglaro ng XBOX. pinalagpas ko ang gameboy at playstations 1 and 2. but i finally succumed to the temptation dahil na-impress ako ng husto nang nakita kong naglalaro sina jet at leah a month ago. ibang klase na talaga ang mga games ngayon. ang layo na ng narating ng gaming console from my days playing “pacman” using our old beloved atari 2600 nung way back 19-something kopong kopong (tangina ang tanda ko na). even prior to that – na addict din ako sa mga lumang arcade games tulad ng “pong”, “space invaders” at “night driver”. dinadayo pa namin nung araw ang fiesta carnival sa cubao o kaya ay harrison plaza para lang makalaro. tapos nga pala – there was nintendo’s “game and watch”. hehe. paborito ko yung “parachute” at “octopus”. teka nga, nasesenti na naman ako. di na siguro alam ng mga nagbabasa nito kung anong mga pinagsasabi ko. hehe. anyway. back to the xbox…

dito sa singapore, number 1 na ang XBOX dahil sa over the top marketing campaign, malaking discounts at dahil na rin sa availability ng online gaming through “Xbox LIVE“. i love the great graphics ng XBOX. ok ang response at ibang klase ang dolby sound. ang mga paborito kong laro? “Tom Clancy’s Splinter Cell Pandora Tomorrow” and “Prince of Persia: The Sands of Time”. at the moment – i am also eagerly awaiting for the release of “Doom 3” and “Halo 2”. i am also looking for Rockstar Games’ “Grand Theft Auto” (gusto ko yung special edition na double pack – banned kasi rito sa singapore. tangina talaga) – so can anybody please tell me kung saan ang bilihan sa manila ng mga Xbox games?

isa lang ang ayoko sa XBOX – yung mga regional restrictions. kung sino man ang naka-isip ng ganitong standard sa gaming consoles ay sana tubuan siya ng betlog sa noo. dito sa singapore NTSC-J (for japan) ang ginagamit na standard. ibig sabihin i cannot use the games coming from the US (unless i have my box tweaked – which i will probably do once the warranty expires). at isa pang nagpapalimit ng gaming experience dito ay ang out of this world censorship laws ng singapore. para sa akin ay bordering on weird.

por eksampol: i can buy a game here where the objective is to shoot and murder as many people as you can without any problems. but, i cannot get “The Simpsons: Hit & Run” because some wiseguy got offended by homer simpson’s “damn you’s”. weird. ok na ang singapore ngayon in general – lately mas marami nang mga “freedoms”, in terms of films and tv shows. sana ma extend din ito sa gaming. ang pinaka-ayoko pa naman sa lahat ay mayrong isang committee na nagde-decide kung ano ang dapat kong panoorin at gawin.

19 thoughts on “CENSORSHIP AND THE XBOX

  1. hehe.. nakakatuwa when you said, “succumbed to temptation”.. kasi dito rin, napapalagi ang shopping ko (na hindi normal sa kin). pero believe me, puro hindi para sa kin but for Ronald and my family. hahabol ako sa final stretch for myself, hehe.

    younger bro ko sa pinas has xbox and ps2, pero ps2 lang nagagamit nya. sayang ang xbox.. 🙁

    ingat kayo ni jet! 🙂

  2. hi tin. kamusta nang bakasyon grande? binabasa ko parati ang site mo at naiinggit ako. hehehe. naalala ko tuloy ang mga masasayang oras namin ni jet diyan.

    malapit na pala ang dating ni ronald. huwag kang masyadong magpapagod magshopping para may energy ka pa pagdating niya.

    i’m , sure you know the “succomed to the temptation” feeling – lalo na diyan sa merika. daming masarap bilhin. diyan at nasira ang credit card ko eh. sobrang kaskas. mwahahahahaha.

  3. Ito lang ang theory ko dyan mylab. For one thing, the DVD/XBOX ganes are for private use. Di tulad ng mga sine na puwede nilang i-categorize ang films o piliin ang pwedeng panoorin ng mga tao.

    Pangalawa, yung culture kasi nila. We both agree, di ba, na karamihan ng mga bata dito e hindi nagkakaroon ng hands-on supervision ng mga parents. Katunayan na nga yung blinog mo tungkol sa babies na pinatitira mismo sa bahay ng mga nannies for the whole week at kinukuha lang during weekends. Tapos, sagana pa ang mga bata sa allowance so they can buy almost anything they want. With their parents away at work 70-85% of the time, the kids are left pretty much on their own and can do anything they want.

    Ayoko rin ng censorship pero with this in mind, nakikita ko ang punto. If we had a kid, I also wouldn’t want him growing up thinking that saying ‘damn you’ is cool.

    Pero sa isang banda, tama ka. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang violence e hindi nila sinecensore. Ang theory ko lang dyan e siguro they’ve stepped in too late on this one and found themselves unable to do anything about it.

    Either that, or censoreship here is basically subjective.

    Buti na lang ang SIMS, unintelligible and conversations… hehehe.

  4. wow mylab. ang haba ng comment mo. maraming salamat sa iyong opinion. tama ka rin and i know what you are talking about. and righly so, we should really be conscious about what we say in front of children. isa pang dahilan kaya dapat ipagbawal ang pag basa ng mga minor sa site ko ano? mwahaha.

    ang gusto ko lang naman ay mawalan ang mga restrictions para sa atin na supposedly ay mga mature adults. kung lalagyan nila ng restrictions – gawin nila by age. they should enforce the warning labels in the games and movies and ask for ID before they sell to people.

    yun lang – lab U!

  5. hi paulding.

    thanks for the info. i’m sure mayron na pero i don’t know if it’ll run in my XBOX. hindi pa siya tweaked. ayoko pa dahil sayang ang warranty. pero yung mga playstation 2 rito ay hacked na pag bili mo sa mga department store (unfair ano?).

    so legal siguro na “Grand Theft Auto” na special edition na double pack – Xbox game ang hinahanap ko at this time.

  6. Heh heh…bago ako nag-bloghop, pinanuod ko ang bago naming DVD ng “WarGames”, kaya feel ko ang blog na ito. Talk about the dark ages…we’ve really come a long way!

    One thing that hasn’t changed through the years is that it’s still a good movie. Ironically, the DVD we had on before that was “Godzilla”, also with Matthew Broderick. By the end of the evening I felt like I grew up with the guy. I can’t believe he was that young in “WarGames”!

  7. andres – mayron na akong “halo” at kasalukuyan kong nilalaro. kaya nga hinihintay ko ang “halo 2”. hehe. paborito ko rin siya. actually pinapaikot ko ang paglaro ko with “halo”, “splinter cell” and “sands of time”.

    kasama yung “halo” as a freebie nung binili ko ang xbox namin.

  8. pre, if u want to mod ur xbox meron sa burlington square (katabi ng simlim)… nagbibigay sila ng 1 yr warranty sa shop nila pag nagpa-modify k. me toggle switch din n ilalagay so puede ka pa ring maglaro ng xbox live. ang kagandahan ng modified bukod sa murang laro (10RM lang sa JB) ay puede kang magsave ng games sa 8GB hard disk nya siguro 2-3 games kaya. puede mo ring palitan ng 120GB para mas maraming space…

  9. fafaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!

    alam ba ni ateng jet na meron nang SIMS na pang-xbox? Yun ang meron ako. awa ng dyos nayamot na akong laruin kasi lagi na lang nagha-hang ang xbox namin. kaya ayun.. nakaka-inis.. di ko sya mapaglaruan 🙁

    baka naman meron sa mga readers mo ang nakakaalam kung bakit naghahang ang xbox kapag ginagamit or kung paanong hindi ito mangyayari habang naglalaro ka. nadidisappoint kasi kami ni andres eh to the point na hindi na tuloy kami naglalaro ngayon 🙁

  10. NINAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    aking sinangguni sa 2 expert gamers na nagcomment sa akin, tingnan natin ang reply nila. talaga – naghahang ang Xbox mo? strange… napatingin mo na ba sa repair shop, baka corrupted ang memory? madumi ang laser reader ng disc? etc. etc. sayang ano, ang galing pa naman ng mga available na bagong games ngayon. tapos itong next 3 months hanggang pasko, maraming mga bagong laro na lalabas… doom 3, halo 2, prince of persia 2.

    ay, at oo nga pala – may sims kami na Xbox. bumili ako ng “breaking out” para kay jet. di naman nilalaro. mas gusto niya yung PC version. lalo na ngayon at may bago siyang SIMS 2.

  11. Magandang araw po ulit mga kabayan..Sagutin ko lang yung katanungan nyo kung bakit nag hahang
    SIM game sa Xbox.

    Iba Iba po kasi ang DVD drive na nakalagay sa XBOX Thompson, Samsung at Philips. Minsan po may games na hirap basahin ng DVD Drive. Either marumi yung Disk or DVD drive.

    Paki check nalang po kung possible na ma test nyo yung game sa ibang XBOX para malaman natin kung yung Disk ng SIM or DVD drive ang may problema.

    Kung disk paki linis lang mo ng normal DVD Cleaner solution and try again..

    Kung DVD Drive.. hmmm di ko sure kung may XBOX dvd drive cleaner pero normal DVD Drive cleaner ng PC should work.

    Just my 2cents po.. Salamat!

    BTW miss ko na Singapore 3 years din ako dyan..
    I Love Pepper & Chili CRAB!! Sinlaki ng banihado ang mga yun hehe.. More Power SIR JAY!!

  12. mga kababayan, mangaabala sana ako. saan ho ba pwedeng pumunta dito sa singapore para magpa- modify ng xbox at magkakano ba? salamat po!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *