Home for the holidays

“celebrate me home” ni kenny loggins…ang version niyang live sa “outside: from the redwoods” eh maganda. in fact most of the songs in that concert are really good. nandon din ang duet nila ni michael mcdonald na “this is it”” and my personal favorite – “now and then”. incidentally, both songs are included in the studio recorded lp…”keep the fire”, which in my book would be his best album. ok, balik tayo sa celebrate me home…dedicated sa lahat ng mga pinoy ofw (na tulad kong) uuwi sa pilipinas ngayong pasko.

one last payo bago tayo kumanta… pag uuwi na kayo sa pilipinas, dala kayo ng copya nito sa CD or MP3. two hours before the landing, patugtugin nyo ito ng paulit-ulit hanggang lumapag sa maynila. tiyak kong maiiyak ka sa kasabikan, tuwa, saya, apprehension (mixed emotions talaga). kung di ka naman maluha dito eh daig mo pang ilokanong bato. sige, kanta na tayo…

Home for the holidays,
I believe I’ve missed each and every face.
Come on and play one easy,
Let’s turn on the love lights in the place.
It’s time I found myself,
Totally surrounded in your circles.
Oh my friends

Please celebrate me home…

malapit ko nang kantahin ito dahil bukas ay uuwi na kami ni jet from singapore to manila. matagal tagal din naman kaming di naka-uwi at ito ang una kong tutoong bakasyon simula nang umalis ng pilipinas. siyempre, sabik kami. gaano kasabik? sobrang sabik na kahit magastos ang pamasahe eh tuloy pa rin! mapapa-pakingsheet ka man sa bitaw ng pera – wala ka namang magawa. kahon pa rin!

dadagdagan ko ng sandamukal na pasalubong ang gastos mo… kuwarta o kahon? kahon! (pakingsheet!)

dadagdagan ko ng perang pang-regalo sa mga inaanak… kuwarta o kahon? kahon pa rin! (shit da pwet na malagkit!)

dadagdagan ko ng pang-handa sa ibat-ibang christmas party… kuwarta o kahon? kahon! (bwakananginangyan!)

isang buwang suweldo ang mauubos… kuwarta o kahon?

hoy! ang kulit-kulit mo, sinabi nang kahon eh… kahon-kahon-kahon-kahon-kahon! limang kahon ang dadalhing pauwi! kahit ano pang sabihin mo, uuwi pa rin kami! di mo ba alam, pagod na si jet sa kaka-linis ng bahay at pag-alaga sa akin? kailangan nya ng break! di mo ba alam, pagod na pagod na rin ako sa tangnang trabahong ito? gusto ko na ring umuwi! wala nang “if’s” and “but’s” – bukas na bukas din, kung ayaw nyong umuwi, KAMI ANG UUWI! (ha, pasigaw pa!)

si jet nga parating pinagmamasdan ang mga pasalubong namin… natutuwa kasi siya dahil maraming mas matutuwa kapag natanggap na nila ng mga bigay namin. mas masarap talagang mag-bigay kaysa ma-bigyan. ang isang magandang dahilan kung bakit uuwi – ang makita ang mga kamag-anak mo’t kaibigan na natutuwa dahil nakita ka nilang muli… tapos may bitbit ka pang regalo. di lang yakap at halik ang makukuha mo sa kanila. hehehe…malamang, yakap at halik na labas pang dila.

malakas magpataba ng puso ang pagsalubong. kaya siguro uwi ng uwi ang mga pinoy eh dahil ibang magmahal ang mga kapwa nila pinoy. kaya, tulad ng sabi ng kasama namin sa bahay sa antipolo na si anna banana: “sige, fine – uwi ka na ate, sama mo si kuya”.

pero teka, friday the 13th bukas baka….. tangna, walang superstition pag gustong gusto mo nang umuwi. black cat my pwet! friday the 13th mong may asin! besides, si “stevie wonder-ful tonight” lang ang kumakanta tungkol sa “superstition”… kaya ate glo, please lang, celebrate me home.

para sa mga kabayang mag-titiis na mag-isa sa ibang bansa ngayon pasko (tulad ng kaibigan kong si roland na nasa saudi, isang magaling na engineer at guro), kantahin nyo na lang yung “pagbabalik” ng asin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *