Declare the pennies on your eyes

deadline ngayon ng pag file ng buwis dito sa america. siguradong maiinit na naman ang ulo ng mga taong tulad ko na kailangang magbayad ng karagdagang buwis over and above yung withholding tax na binabawas sa sweldo every payday. nakakainis nga, wala kasi kaming tax shelter ni jet. hindi pa kami nakakabili ng bahay at wala rin kaming anak kaya todo-todo (kasama pati pamato’t panabla) ang buwis na pinatong sa amin ni unkyel sam. buti pa nga yung mga TNT rito dahil tax free ang mga suweldo ng mga ulul.

Never saw the sun shining so bright, Never saw things going so right

suswertehin siguro ako. nakapulot na naman ako ng 1 cent habang naglalakad kanina. itong linggo lang na ito, siguro mga 4 times na. kasabihan kasi rito na may darating na suwerte pag nakapulot ka ng penny kaya nga pumasok sa isip ko na may bubulagang goodluck sa akin. oo nga pala, contrary sa mga sinasabi ng mga kabarkada ko sa novaliches, penny ang tawag sa 1 cent coin, hindi penis.

Continue reading

PARA SA TAO

sa pamamagitan ng mahiwagang video na ito, pilit nating pinapasaya ang mga OFW na hindi makakuwi sa pilipinas itong kapaskuhan. actually, gumawa ako ng mga christmas video habang nagbabakasyon sa maynila. kung mayron kayong oras, imbis na magkutkot ng tutule eh panoorin ninyo ang mga ito. nasa youtube naman kaya madali lang ma-access.

Continue reading

BY CHANCE TWO SEPARATE GLANCES MEET

isang umaga, habang tumatakbo ako sa isang park sa southern california…

BATJAY: hello!

GROUP OF SENIOR CITIZENS: (with a thick pinoy accent) gud morning!

BATJAY: magandang umaga!

SENIOR CITIZEN#1: magandang uma… UY, PILIPINO!

SENIOR CITIZEN#2: oo nga. sa unang tingin, akala ko meksikanong intsik.

BATJAY: (pabulong) meksikanong intsik? WTF.

ang chance encounter na ito ng mga pinoy sa park ay handog sa inyo ng “MAGGI-SALOMPAS BULALO, ang instant noodle para sa may mga rayuma”.

DRIVE THROUGH YOUR SUBURBS INTO YOUR BLUES

nagpunta ako sa los angeles kaninang umaga para kumuha ng visa sa japanese embassy. hindi ako sasali sa US navy ng japan. may business trip lang kasi ako sa toyko itong darating na december kaya kailangan ko ng visa. yan ang isang hirap ng may pinoy passport: kailangan mo ng sangkatutak na visa sa iba’t ibang mga bansa. minsan hassle lalo na pag marami kang pupuntahan. itong coming trip ko, pupunta ako sa japan, korea, taiwan, china at singapore. halos lahat ay kailangan ng visa. buti na lang pwedeng through travel agent ang processing kaya hindi masyadong mahirap.
Continue reading

BABYLON SISTERS SHAKE IT

dear nes,

kamusta pre?

medyo matagal-tagal na rin tayong ‘di nag-uusap ano? ok naman kami rito ni jet. nag e-enjoy kahit papano. ang bilis talaga ng panahon. summer of ’05 kaming dumating dito last year at ‘eto, parang kisapmata, end of summer ’06 na.

hindi ko nga alam kung natutuwa ako o maiiyak sa pagpalit ng season. natutuwa ako dahil hindi na masyadong mainit. in fact, medyo malamig na nga lately. sa gabi at early mornings ay nagsusuot na ako ng light sweater pag tumatakbo. at hindi na gaanong pinagpapawisan ang betlog ko kaya paminsan minsan ko na lang itong kinakamot, pag walang nakatingin.
Continue reading

I RUN FOR LIFE

alt= bukas ng umaga, pupunta ako sa newport beach para sumali sa Susan G. Komen Breast Cancer Foundation “Race for the Cure” – naglakas ako ng loob para tumakbo sa 5k timed race. sumali ako hindi para makakita ng maraming magaganda at sexy runners na labas ang pusod (although marami doon bukas). gusto ko lang kasing ibalik yung mga natanggap kong benefits sa aking almost 10 month long exercise program to take care of my diabetes. may group akong sinalihan at sama-sama kami bukas na tatakbo. baka gusto ninyong mag donate. lahat ng pera ay mapupunta sa paghanap ng cure sa breast cancer. kung titingnan ninyo yung aming team page, ako ang may pinaka maliit na donation kaya kakapalan ko na ang mukha ko rito para makiusap: sige na naman, mag donate na kayo para naman medyo lumaki ang amount sa pangalan ko. bilang incentive, lahat ng mag bigay ay papadalhan ko ng picture ko na nakahubo. promise!

NOTE: pwede pang mag donate kahit tapos na ang race, kaya huwag na kayong mahiya.

oo nga pala, ang appeal na ito ay para lang sa mga overseas. kung nasa pilipinas kayo at gusto ninyong mag donate, ibigay ninyo na lang kay pyro. maraming salamat.


Continue reading

Set the controls for the heart of the sun

first year anniversary namin dito sa america last week. bilang celebration eh nanood kami ng concert ng CSNY sa verizon amphitheater. ang bilis ng panahon ano? parang kahapon lang eh kumain ako ng lumpia for dinner. ang sarap kasi ng ginawa ni jet na lumpia kaya bigla ko tuloy naalala ang pilipinas. pero mabalik ako: ang bilis nga ng panahon – parang kahapon lang ay dumating kami sa airport ng los angeles bitbit ang aming labindalawang bag para magsimula ng bagong buhay dito sa southern california. ang dami nang nangyari simula nung araw na iyon.
Continue reading

A Cannibal is a person who walks into a restaurant and orders a waiter

sa isang paborito naming mexican restaurant sa southern california…

BJ: “can i have some extra salsa please”

WAITER: “no”

BJ: “why not?”

WAITER: “sorry – i was only kidding. i’ll get some for you”

kumuha naman yung waiter ng salsa…

WAITER: “here you are sir.”

BJ: “thank you very much.”

WAITER: “is there anything else you want?”

BJ: “yes, i’d like a 12 inch dick and a trip to hawaii.”

THE END

ang customer-waiter repartee na ito ay handog sa inyo ng RUBY BLADE POMADE, ang pomada ng mga nag-aahit.

OCCAM’S RAZOR

happy 15th anniversary mylabopmayn! yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala – the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una – ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa – pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.

Continue reading