kangaroo meat

ang isang lugar na napuntahan ko na masarap ang pagkain ay australia. gustong-gusto ko ang seafood at barbecue roon, lalo na sa sydney. ang di ko lang talaga ma-enjoy ay ang kangaroo meat dahil medyo mapanghi sa panlasa ko. speaking of panghi, sabi naman ng kuya tom ko, ang pinaka paborito raw niyang natikman sa australia ay duck billed platipussy.

“that’s the main reason”, kuya tom said, “why i went down under.”

Rizal Monument, Madrid Spain

tangina ka Ka Pepe, hindi mo sinabing puro bundok ang tatakbuhin para makita ang rebulto mo. pero ok lang yon – naglalambing lang naman ako. at least naka 6K ako ngayon sa paagtakbo at nakita ko pang rebulto mo.

oo nga virginia, pareho ito ng sa luneta. kaya lang pinagmamasdan ko itong maigi… mahigit 6 feet si rizal sa version dito sa madrid. akala ko ba 4’11 lang siya?

 

ka pepe sa madrid

bukas ng umaga, bago ako magsimulang magtrabaho ay dadalawin ko ang monumento ni rizal dito sa madrid. kulang kulang na 3K lang ito, one way sa hotel ko, kaya tatakbuhin ko na lang. pareho raw yung disenyo nung nasa luneta kaya interesado akong makita ito. isa pa, idol ko si ka pepe kasi matalino siya at magaling sa chicks kahit less than 5 feet.

siguro, malaki titi niya no?

penance for paella

linggo ngayon ng umagaa dito sa madrid kaya tumakbo ako ng mas malayo at mas matagal. tinakbo ko yung usual 3 miles tapos nilibot ko yung buong parque del retiro. the best way to spend a business trip is to live like a native. sa tingin ko, nagawa ko ito ngayon. pakiramdam ko, para na rin akong taga madrid.

memorable sa akin yung pagtakbo ko sa park kasi paborito pala ito ni rizal nung narito siya sa madrid. how cool is that? i ran in the same place where our national hero once walked. packing sheet!

Gamblers in the neon, clinging to guitars

mayroong romance sa pagbyahe dito sa america. ang kailangan mo lang ay mabilis na kotse, pera pambili ng gasolina at kaunting oras para bumyahe sa kung saan-saan. ang paborito ko itong mga nakaraang buwan ay ang interstate 5 na nagdudugtong sa southern california at san francisco. nasa bay area kasi tumambay ang mommy ko etong mga nakaraang buwan at doon ako parito’t paroon.

pag sinisuwerte, kaya ko itong imaneho ng mga anim na oras. pag minalas malas ka’t na traffic sa los angeles, aabutin ka ng walo.

i am horny


dalawa ang parating sinasabi ng mommy ko sa akin nung araw pag nabubwisit siya sa kakulitan ko: una, tinutubuan daw ako ng sungay at pangalawa, tumatanda raw ako ng paurong. hindi ko naintindihan yung ibig sabihin ng pangalawa at lubos ko itong ikinatakot. akala ko kasi, yung pagtanda ng paurong ay yung pagbalik mo sa pagka baby at pagtagal ay pagpasok na muli sa pwet ng nanay mo.

nung bata kasi ako, malimit kong tinatanong ang mommy ko kung saan ako nanggaling. “sa pwet ko” ang parati niyang sagot.

Say for me that I’m all right

nabanggit ko na ba kung gaano na lang ang inis ko sa air travel dito sa amerika? hindi ko maintindihan kung bakit ang hirap nilang itaas ang antas ng serbisyo (ayos ba sa tagalog? lalim no?) samantalang yung sa singapore, halimbawa: kulang na lang eh, halikan nila ang pwet mo sa sobrang pag asikaso sa iyo.

Continue reading