ambidextrous

ang number 1 remark ng mga tao pag nakikita nila akong nagsusulat gamit ang kaliwang kamay ko: “kaliwete ka?” ang number 1 sagot ko naman sa mga taong nagsasabi nito ay “oo, pero kaliwa’t kanan ako kung mangulangot at magjakol”.

Bad sneakers and a Pina Colada my friend

you know it’s going to be a bad day when…

1. nagising ka isang umaga na puyat at dahil sa sobrang antok ay ginamit mong panghilamos sa mukha ang feminine wash ni misis.

2. ginamit mong panghilamos ang feminine wash ni misis at napansin mong gumanda ang kutis ng mukha mo.

3. ginamit mong panghilamos ang feminine wash ni misis at napansin mong gumanda ang kutis ng mukha mo pero bigla ka namang tinubuan ng kulot na bigote

4. hindi ka pa nag aalmusal ay puro na lang panglinis ng pekpek ang nasa isip mo

ang “you know it’s going to be a bad day” na ito ay handog sa inyo ng ruby blade feminine wash, ang brazilian wax treatment conditioner ng mga nag-aahit.


USELESS INFORMATION: 218 times binanggit ang salitang “FUCK” sa pelikulang scarface.

WHAT DO YOU MEAN “FLASH GORDON APPROACHING”?

isang araw, sa loob ng japanese embassy sa los angeles, california…

CONSULAR OFFICER: when are you going to japan?

BATJAY: this december, ma’am.

CONSULAR OFFICER: what are you going to do in japan?

BATJAY: i want to ride the bullet train, ma’am

CONSULAR OFFICER: do you know anybody in japan?

BATJAY: yes ma’am. kurusawa, shintaro the samurai, hayao miyazaki, voltes v, astro boy, mazinger z and daimos.

CONSULAR OFFICER: daimos?

BATJAY: yes ma’am. da famous robot – you know… “erika, richard, erika, richard”

CONSULAR OFFICER: who else besides fictional robots do you know?

BATJAY: O-sei-san, ma’am.

CONSULAR OFFICER: O-sei-san?

BATJAY: yes ma’am. da gelpren of ka pepe

CONSULAR OFFICER: ka pek-pek?

BATJAY: ay bastus. no ma’am. ka pepe – our national hero.

CONSULAR OFFICER: jose rizal?

BATJAY: yes ma’am. jose rizal, also known as pepe – so many gelprens. he’s the father of kalibugan in da philippines.


para sa mas kumpletong multi-media experience, pakinggan ninyo ang MP3 re-enactment ng interview drama sa japanese embassy in los angeles na buong karangalang inihandog sa inyo ng “Glade-Pantene with Essence of Avocado, Ang Shampoo ng mga Kalbo”.

A Cannibal is a person who walks into a restaurant and orders a waiter

sa isang paborito naming mexican restaurant sa southern california…

BJ: “can i have some extra salsa please”

WAITER: “no”

BJ: “why not?”

WAITER: “sorry – i was only kidding. i’ll get some for you”

kumuha naman yung waiter ng salsa…

WAITER: “here you are sir.”

BJ: “thank you very much.”

WAITER: “is there anything else you want?”

BJ: “yes, i’d like a 12 inch dick and a trip to hawaii.”

THE END

ang customer-waiter repartee na ito ay handog sa inyo ng RUBY BLADE POMADE, ang pomada ng mga nag-aahit.

“It doesn’t make a difference what temperature a room is, it’s always room temperature.” – stephen wright

HOW TO TELL THE TEMPERATURE IF YOU DON’T HAVE A THERMOMETER:

1. BERIBERI HOT TOO HOT – pag nagkamot ka ng betlog at pag amoy mo sa kamay mo eh amoy singkamas.

2. BERI HOT – pag nagpiga ka ng panyo eh may tumulong kulay libag na liquid

3. HOT – pag nagbakat ng pawis ang t-shirt mo sa bandang kili-kili

4. COLD – pag pinagsuot ka na ng asawa mo ng sweater dahil nilalamig siya

5. BERI COLD – pag lumabas ka ng bahay at tumigas ang utong mo

6. BERIBERI COLD TOO COLD – pag pinitik mo ang tenga ng gelpren mo at hindi siya pumalag

7. PUTANG-INA ANG LAMIG – pag umihi ka at hindi mo na makita ang titi mo dahil lumiit na siya sa sobrang lamig.

8. PACKINGSHEET ANG LAMIG – pag naging pekpek na ang titi mo at hindi mo na masabi ang “putang-ina ang lamig” dahil sa sobrang lamig

When a man’s stomach is full

ang advantages at disadvantages ng malaki ang tiyan

ADVANTAGES:

1. pwedeng patungan ng tasa pag umiinom ng kape
2. mas masarap kamutin pagkatapos kumain
3. mas madaling lumutang pag nag swimming sa dagat
4. hindi mo na kailangan ng arm rest pag nanood ng sine
5. pag sumakay ka ng jeep, hindi ka pagbabayarin ng driver

DISADVANTAGES:

1. pag nagpunta ka sa beerhouse, sisigaw ang mga bouncer ng “RAID”
2. mahirap lumuhod sa loob ng simbahan
3. mahirap lumuhod sa labas ng simbahan
4. nawawalan ka ng oxygen sa utak pag nagtali ka ng sapatos
5. hindi mo makita ang titi mo pag umihi ka

THE PROPER WAY TO EAT BALUT

kapag tinatanong ako ng mga kaibigan kong singaporean nung araw kung kumakain ako ng balut, ang parati kong sinasabi ay – “siyempre naman. it makes my pototoy harder“. pag naririnig nila na kumakain ako eh parang nandidiri sila dahil alam nila na may duck embyro na puno ng anmiotic fluid sa loob ng itlog. apparently maraming mga documentary na ipinalabas doon na ipinapakita ang actual ng pagkain nito. minsan, gusto ko ngang sabihin sa kanila – “eh bwakangina naman, kung kayo nga, kinakain ninyo yung pinatuyong titi ng tigre, balut lang nandidiri kayo”.

Continue reading

GROW APPLE TREES

one sure sign na ang kakilala ninyo ay lumaki during the 1970’s pag nagsabi siya ng:

1. “toga” imbes na “sapatos”

2. “yoyo” imbes na “relos”

3. “bread” imbes na “pera”

4. “stir” imbes na “pinapaikot mo lang ata ako eh”

5. “farout” imbes na “wow, ang galing!”

6. “magkano ang score mo diyan” instead na “magkano ang bili mo riyan”

7. “toma” instead na “inom”

8. “sindihan na yan” imbes na… ano bang current name para dito.

Change is inevitable, except from vending machines

question and answer portion pa rin dear brader en sister. maraming salamat nga pala sa mga sumulat sa akin at nagtanong. heto na po ang partial reply.

T: ano ang ginagawa mo ngayon unkyel batjay?
S: nagsisimula ng bagong hobby – collection actually.

T: collection ng alin, comics ni neil gaiman?
S: hindi. kinukulekta ko lahat ng kulangot ko simula nung miyerkules, tapos nilalagay ko sa kahon ng posporo.

T: ano gagawin mo kung maging presidente si jinggoy estrada?
S: pupunta na lang ako sa mindanao para sumali sa bagong republika ni mayor duterte sa davao.

T: ano itatawag ninyo sa bagong country na itatayo ninyo sa mindanao?
S: durian republic

T: eh kung si JV Ejercito ang maging presidente?
S: itutuloy pa rin ang durian republic, tapos papalitan ko ang time zone para maiba ang oras namin sa luzon. oo, galit galit muna tayo.

T: tutuo ba na muntik mo nang matamaan si mike arroyo ng golf ball sa ulo?
S: oo, na miss ko lang ang ulo niya by a few feet. nangyari ito sa wack wack nung late 90’s. VP pa lang si GMA. kung tinamaan ko sana si mike, malamang patay yon (at the very least, masisiraan ng ulo). it makes you wonder how a simple swing of a golf club could have changed history. kung tinamaan ko ang ulo ni mike, eh di sana wala nang problema si GMA ngayon.