Roti Pratah sa Umaga. Tangina, sarap


on my way back to manila from california via singapore.

kakalanding ko lang sa changi at diniretso na agad ako ni eder at leah sa 24 hour roti pratah. ang sarap, bwakangina. it feels like i’ve died and went straight to heaven. ewan ko ba, singapore pulls me, tugs at my heart. perhaps because it feels like my second home. and now i’m on my way back to the place where i was born. apat na taon din akong hindi nakauwi. parati ngang nasa isip ko lately ang concept ng tahanan.

ano ba ang tahanan? ito ba yung lugar kung saan ka pinanganak o ito ba yung lugar na kung saan ka nakatira? hopefully masasagot ko ito habang nasa manila ako ng 2 weeks, but in the meantime…

here i am in singapore and i am loving the food, my friends and everything in between.

Fuckin’ up the scenery, breakin’ my mind

kinuhanan ko ang picture na ito sa ibaba ng flat namin two years or so ago. oo virginia, marami talagang bawal sa singapore:

  1. bawal ang sapatos na may gulong
  2. bawal maglakad ng patagilid na may bola (habang nakataas ang kaliwang kamay)
  3. bawal mag motorsiklo na walang driver
  4. bawal pumulot ng papel ang putol na kamay

In the chill of night at the scene of a crime

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE SINGAPORE. lumusob si spiderman sa singapore kamakailan upang mag apply bilang isang tourist guide. habang umaakyat si spidey sa isang hotel ay may nakita siyang lalaking nakatambay sa balcony. kanya itong ginulat at muntik nang maihi sa takot ang kawawang lalaki. buti na lang at walang nakatingin.

ang balitang ito at ang exclusive video story clip ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas na may gata.


Continue reading

SEE THE CRAZY GYPSY IN MY SOUL

hello mylab.

kamusta ka na? miss na kita. sana narito ka rin sa singapore dahil mas masaya sana kung kasama kita rito. nakita ko ulit ang mga kaibigan natin nung isang gabi. kumain kami sa kiong siak ng fish head curry at yung paborito nating shrimp paste fried chicken.

tapos the other day, pumunta kami si office at napadaan sa dati nating tinitirahan. nakita ko yung neighborhood at yung mga kalyeng nilalakaran natin nung dito pa tayo nakatira. nakita ko rin yung blue mosque sa likod ng bahay natin, yung school sa tapat nito at yung loyang point na madalas nating binibilhan ng grocery. bigla lang akong nalungkot. ewan ko ba. pakiramdam ko kasi, bisita na lang ako rito – wala nang claim of ownership sa lugar na itong minahal natin ng husto.

tawag na lang ulit ako mamaya. pahinga ka na.

lab U!
jay

p.s. nag email nga pala sa akin si emman na taga philippine daily inquirer – lalabas daw bukas sa global pinoy section yung interview niya sa akin tungkol sa libro at pagiging OFW. magpapabili ako ng copy sa mommy. sabihan mo rin ang mga taga jordan na bumili ng sunday inquirer bukas.

MAJULAH SINGAPURA!

hello mylabopmayn.

umuulan ngayon dito sa singapore. “press gad”, ika nga ni brader mike. nung nasa eroplano kasi ako kanina, dinadasal ko na sana ay umulan para naman ma experience ko ulit ang amoy, tunog at pakiramdam ng rainshower. ayun – umulan nga. ngayon dinadasal ko na huminto na sana kasi magkikita kami nina eder mamayang gabi para mag dinner. pupunta raw kami doon sa kinakainan natin na fish head curry sa kiong siak road. gusto ko kasing kunin yung paborito nating table doon sa may kalye kaya sana huminto na ang ulan na ito.

dumating kami ng mga 6:30 ng umaga kanina pagtapos ng 18 hours ang byahe non stop galing ng los angeles. nakakapanibago na ang matagal na travel. hindi na ata ako sanay kasi pag labas sa changi airport eh pakiramdam ko, para akong sinapak ni manny paquiao. buti na lang singapore airlines ang sinakyan namin – ang laki ng leg room at masarap ang pagkain. swerte rin ako sa flight na ito kasi for the first time ata ay wala akong nakatabi na malakas pa sa kanyon ang putok.
Continue reading

One step up and two steps back

balak kong ipauso rito sa california ang maglakad ng paatras bilang form of exercise. wala kasi akong nakikita rito na mga joggers na tumatakbo ng paatras. sikat ang exercise na ito sa mga taga singapore. impak, tumambay lang kayo sa mga park doon ng umaga at sigurado kayong makakakita ng mga naglalakad ng pabalik. karamihan dito ay mga matatanda. senile ba kamo sila? hindi naman siguro. pero para silang mga sira ulo. na interview sa tv ang nagpasikat sa exercise na ito at sabi niya hindi raw natin nagagamit lahat ng mga muscles sa paa dahil parati raw tayong naglalakad ng paabante kaya paminsan minsan daw dapat paatras ang lakad natin. sa tingin ko ay talagang sira ulo siya pero what the heck, ang daming mga naniwala sa sinabi niya. siguro para maiba naman, ang ipapauso ko na lang dito ay ang maglakad ng patagilid na parang talangka. iniisip ko nga, sa pilipinas siguro ay sisikat din ito kasi marami roon ang may crab mentality.

I like flowers, I also like children

bigote atsaka balbas simula nang umakyat ako sa mount apo two weeks ago, hindi na ako nag ahit. pang good luck ko ito pag may ginagawang project. normally, i don’t shave until the project’s complete. hindi pa rin ako nag ahit hanggang sa pagdating dito sa singapore kaya medyo mahaba haba na rin. laking gulat nga ng mga kasama ko sa opisina nang mag drop by ako kahapon to get my mail. bigla ngang may sumigaw na kaopisina kong singapaporean na “ABU SAYYAF”. eh di siyempre, narinig nila ang standard reply ko sa ganitong typical bastos na cliche, isang malakas na – “SO, YOU WANT ME TO CUT YOUR FUCKING HEAD OFF”. ayun, natahimik din ang kupal kahit papaano.

We could learn a lot from crayons

our good friends in singapore sa PICTURE #1 above: from left to right, top to bottom - amor, jenn ang miss canada ng singapore, tin ang marikit, mylabopmayn jet, leah potpot, eder, growen at ron (click nyo na lang para lumaki ang pic) sa amin ni jet, talagang importante ang mga kaibigan. bukod sa pwede mong mautangan eh masarap talaga silang kasama sa mga lakad. masarap kakwentuhan, lalo na pag may problema at hindi sila tatakbo kahit malakas kang humilik. pero siyempre aalaskahin ka nila (e.g “putanginang hilik yan daig pang tambutso ng palyadong motorsiklo”). parte na yan ng buhay at isa sa mga nagbibigay ng kulay sa pakikpagkaibigan. pag alis namin sa singapore sa sunday, ang isang magpapasakit sa puso ko ay ang malayo sa mga kaibigan na nakilala namin sa singapore. kung iiyak ako pagsakay sa eroplano eh dahil mami miss ko ang magagandang babaeng kita pusod masarap na pagkaing maanghang ang mga kaibigan namin. mayroon ding mga maanghang na babae rito pero hindi ko sila mami miss. ngyehehe.

our good friends in singapore sa PICTURE #1 above: from left to right, top to bottom – amor, jenn ang miss canada ng singapore, tin ang marikit, mylabopmayn jet, leah potpot, eder, growen at ron (click nyo na lang para lumaki ang pic).

Continue reading

The story of life is quicker then the blink of an eye

last day ko na sa opisina kanina. isa isa kong binalik ang mga gamit ko – susi, computer, cell phone at kung ano-ano pa. pang huli kong sinauli yung ID ko na may security access na siyang ginagamit ko sa pag pasok sa opis araw-araw. ito na ang final link ko sa trabaho. alam ko kasi pagka surrender ko nito, hindi na ako makakapasok sa opisina. malungkot din pala. apat na taon din ang itinagal ko rito. kahit papaano, napalapit din ako sa mga kasama ko. kahit na hindi pa ako umaalis ay pinag aagawan na nila ang mga gamit ko. hehehe, mga kupal talaga. bilang “mi ultimo adios” eh nag bigay ng farewell lunch ang boss ko – kumain kami sa isang chinese restaurant malapit sa opis at dimsum ang nasa menu.

natural na sa mga farewell lunch ang magbigay ng speech na puno ng mga importanteng lessons para sa mga iiwanan. para sa farewell speech ko eh, itinuro ko sa kaopisina ko na “adidas” ang tawag sa pilipinas doon sa chicken feet na kinakain namin doon sa dimsum lunch. kasi, ang explanation ko, yung paa ng manok ay nahahawig sa logo ng adidas. ayun, by the end of the meal, adidas na rin ang tawag nila rito. pakiramdam ko tuloy para akong nasa recto at kasama ang mga barkadang kumakain sa bangketa dahil panay ang dinig ko kanina ng “please pass the adidas”. yan na siguro ang legacy ko rito.

good bye singapore opis. bagong mundo na naman in three weeks time.

The beginning of wisdom is to call things by their right names

MASARAP ANG FOO KEE SA SINGAPORE nung sabado ng gabi, nag dinner kami sa changi village. masarap daw kasi roon ang “Nasi Lemak“. eh kaso, naligaw kami, kaya nauwi tuloy sa Foo Kee. masarap pala ang pagkain sa foo kee kahit amoy isda. ang main specialty rito ay ang “tau foo” at “tau pok”. gawa ang mga ito sa tokwa na may fish filling sa loob, deep fried hanggang crispy. sa tingin ko ay magiging hit ito sa pilipinas kasi masarap at mura lang. hindi ko nga lang alam kung papayagan ang pangalan ng mga board of censors. based doon sa poster na nakapaskil sa harap ng pwesto, ang foo kee ay isang critically acclaimed eating place. and take it from me, masarap talaga rito. in fact, dalawang beses akong umorder. once to satisfy my curiority dahil nga kakaiba ang pangalan ng tindahan. umulit ako ng pangalawang beses dahil talagang masarap. naisip ko nga – bwakanginangyan, yung mga kainang may nakakatawang pangalan ang may masarap na pagkain. if ever you are in changi village, try to sample the food there – HIGHLY RECOMMENDED.

Through early morning fog I see

simula pa nung malaman naming aalis kami, isa lang ang gusto kong gawin parati: ang ma re-experience lahat ng mga bagay-bagay na nagustuhan ko sa singa bloody pore. ngayong gabi, kumain kami sa peborit naming thai restaurant – ang lemon grass sa downtown east. kasama namin ni jet si antonia, isa sa mga naging kaibigan namin dito. siya ang nagturo sa amin tungkol sa mga do’s and don’ts, saan masarap kumain, saan bibili ng this and that nung una kaming dumating. wala rin siyang tinatago kaya masarap siyang kausap tungkol sa singapore life. si antonia rin yung nagsabi sa amin na karamihan daw sa mga singaporean na lalaki ay boring at puro trabaho lang ang inaatupag. kulang na lang sabihin na wala silang kalibog libog sa buhay. hehehe… hay buhay. ang isa pa sa mga pinag usapan namin kanina ay tungkol sa suicide. paano ba namin naging topic ito? ah, i forgot.

Continue reading

LIVING ON BORROWED TIME

washing machine for sale

this coming august, four years na kami ni jet dito sa singapore. nakakalungkot nga kasi hindi na namin ito aabutin. aalis na kaming mag asawa in a few weeks time. nilipat kasi ako sa opisina namin sa southern california starting this july. good news, bad news… the good news is that mapupunta ako sa lugar na matagal ko nang gustong tirhan. i love southern california. i love the weather, i love what it offers. una ko pa lang ito nakita, humiling na ako na sana one day tumira kaming mag asawa rito. ngayon matutupad na ito. the bad news is, malalayo kami sa lugar na napamahal na sa amin. i love singapore. i love the food, i love the fact that it’s only 3 hours away from manila, i love the security and the cleanliness and most of all i love our dear friends whom we’ve had the opportunity of spending time with these past few years. marami pa akong ikukwento about our big move to the united states pero siguro sa ibang araw na lang.

Continue reading

It is now quite lawful for a Catholic woman to avoid pregnancy

malakas ang ulan kahapon kaya namasahe ako imbes na magbisikleta papunta sa opisina. muntik pa akong mapa away sa train. may pilit kasi akong pinaupo na babae dahil akala ko buntis. hindi pala. na offend ata at ang sama ng tingin sa akin – akala ko hahampasin ako ng payong. kung minsan ano, mahirap mag magandang loob. siguro kaya maraming nag tutulog tulugan na mga lalaki sa train. ayaw na nilang ma involve at baka mapasama pa sila.