π

happy π day. mayroon kaming klasmeyt sa notre dame, si pareng egay. kabisado niya ang value ng Pi hanggang sa 35th place. what for? becuase he can.

3.14159265358979323846264338327950288419716939937510
58209749445923078164062862089986280348253421170679
82148086513282306647093844609550582231725359408128
48111745028410270193852110555964462294895493038196
44288109756659334461284756482337867831652712019091
45648566923460348610454326648213393607260249141273
72458700660631558817488152092096282925409171536436
78925903600113305305488204665213841469519415116094
33057270365759591953092186117381932611793105118548
07446237996274956735188575272489122793818301194912
98336733624406566430860213949463952247371907021798
60943702770539217176293176752384674818467669405132
00056812714526356082778577134275778960917363717872
14684409012249534301465495853710507922796892589235
42019956112129021960864034418159813629774771309960
51870721134999999837297804995105973173281609631859
50244594553469083026425223082533446850352619311881
71010003137838752886587533208381420617177669147303
59825349042875546873115956286388235378759375195778
18577805321712268066130019278766111959092164201989

home

nakatanggap ako ng email nung weekend tungkol kay mr. gabertan, ang teacher ko sa history nung high school sa notre dame. mayroon siyang karamdaman at nawala siya sa domestic airport nung pauwi sila ng kanyang asawa sa cotabato.

pagtapos ng apat na araw, natagpuan siya sa campus ng notre dame sa kalookan.

school bukol

nung first year ko ng college sa mapua, 35 pesos per unit ang singil sa akin. wala pang isang libo per sem. hindi ito nagbago haggang nagtapos ako 5 years later. ngayon daw, apat na ang semester nila per year at hindi bababa sa 100,000 peses per sem ang ibabayad mo. tanginangyan, siguro ang nakakakapag aral lang ngayon doon ay yung mga anak ng mayayaman, drug lord, OFW, mga nagsanla ng lupa at mga magnanakaw.

consider this: yung binayad ko ng limang taon ng college ay 10% lang ng binabayad nila sa isang sem ngayon.

I remember the thirty-five sweet goodbyes

mura lang ang bilihin nung nag-aaral pa ako. ang baon ko nga nung 1988 ay 20 pesos a day. 10 pesos para sa dinner, 10 pesos na pamasahe sa jeep from novaliches to intramuros and back. dalawang sakay ako: talipapa hanggang blumentritt, tapos blumentritt hanggang city hall ng maynila. nilalakad ko na lang from city hall hanggang sa school. ayan, bigla tuloy akong nag senti mode at napatingin sa kalendaryo. putangina, halos 20 years na pala ang nakaraan simula ng mag graduate ako ng college.

Continue reading

TALES FROM BEHIND THE WALL, PART 3

nag graduate ako ng engineering nung summer ng 1988. buhay pa ang daddy ko nung time na yon and in fact, nag blowout siya ng dinner after the graduation ceremonies sa PICC. nagpunta kami sa isang seafood restaurant sa ermita, tapos nag order siya ng malaking sweet and sour na lapu-lapu. habang kumakain kami…

DADDY: oy, dahan dahan kayo sa pagkain ng isda, ha!

AKO: bakit po?

DADDY: eh baka matini.. [FUNNY NOISES, UBO, UBO]

AKO: ano pong nangyari sa inyo?

DADDY: natinik ako.

TALES FROM BEHIND THE WALL, PART 2

nung nagsimula akong mag college nung 1983, buhay pa si ninoy aquino at rolando galman. ang tuition ko ng isang sem ay 975 pesos. galante ang mapua nung araw at walang increase sa tuition fee from first year hanggang sa mag graduate ka. magkano ang ginastos ko para sa limang taong pag-aaral? teka at ma compute nga: 975 rounded off to 1,000 pesos taymis 2 sems per year equals 2,000 pesos taymis 5 years of engineering equals 10,000 pesos. sige, sabihin na nating additional 500 para sa summer classes every year, that’s still… teka at ma compute nga: 500 taymis 5 equals 2,500 plus 10,000 equals 12,500 pesoses. still cheap para sa isang engineering degree.

Continue reading

Be an opener of doors for such as come after thee

MR. AND MRS. CHAVES, MY TEACHERS nung umuwi kami ni jet sa pilipinas last december, nagkaroon ako ng opportunity para makita ulit ang dalawang tao na malaki ang influence sa buhay ko. mahigit 20 years ko na silang hindi nakikita. meet the husband and wife team of mr. and mrs. chaves, my high school principal/assistant director and kindergarten teacher, respectively. nagtataka nga ako kung bakit parang hindi sila tumanda. una ko silang nakilala, 5 years old ako at uhugin pa. 35 years later, kami ang tumanda samantalang hindi sila nag bago. in fact, nagmukha pa silang mas bata sa amin. may magic yata talaga ang pagtuturo. si mr. chaves nga, nung high school kami, wala nang buhok – aba ngayon, mas mahaba pa ang buhok sa akin. hehehe. joke lang sir. baka ibilad mo na naman ako sa araw.

Continue reading

TALES FROM BEHIND THE WALL, PART 1

si mr. bonus ang isa sa mga instructor ko sa mapua (na ginawang malayan colleges na binalik agad sa mapua dahil maraming nagreklamo) nung early 1980s – isang renaissance man sa mata ko. mayroon siyang double degree sa mechanical at civil engineering, physical education teacher, instructor ng algebra at trigonometry, swimming coach at official din ng philippine swimming team at parating nasa olympic games. bukod pa sa lahat ng ito, twisted din ang sense of humor niya and he never takes himself seriously. my kind of guy.
Continue reading

Remember in elementary school?

dito lang ata sa pilipinas pwedeng magbasa ng dyaryo habang nagmamaneho. ngyehehe. old bad habit ko ito nung dito pa kami nakatira. dahil sa packingsheet na traffic sa ortigas extension pag papasok ako from antipolo to work, i could actually finish reading entire articles bago gumalaw ang mga sasakyan. kanya kanyang pang aliw lang yan pag may traffic. alanangan naman na mag jakol ako. mas nakakahiya yon. ayoko naman mangulangot, kasi marami nang gumagawa niyan dito, lalo na ang mga driver ng mga truck. di ko alam kung bakit. siguro dahil salo nila lahat ng alikabok sa kalye at parating marumi ang mga ilong nila. but i digress… so, ayan nga dahil sa bad habit kong pagbabasa ng dyaryo habang nagmamaneho eh mainit ang ulo ko nang bumaba kanina dahil puro bad news sa pilipinas. puro calls for the president to step down. pati nga mga schools, involved na rin. ang sabi ng de la salle university – “gloria resign”. ang sabi ng up law school – “gloria resign”. ang sabi ng ateneo law school – “gloria should not resign. ang sabi ng ust law school – “gloria should resign but not so soon”. ang sabi ng malayan colleges – “papalitan na namin ang pangalan ng mapua institute of technology”. ngek.

ang sabi naman ng spokesman ng low school of saint andrew fields (mababang paaralan ng san andres bukid). oo siya yung nasa picture. ang sabi niya eh – “bwakanginanamanyan. mga ulul, pati ba naman kayo sumasali pa sa circus. don’t get into the current political shit and just be schools”.

Inside every older person is a younger person wondering what the hell happened

Inside every older person is a younger person wondering what the hell happened dumating ang kaibigan ko na si bong pogi rito sa singapore last monday at nilabas namin siya ni jet kagabi. bihira kasing dumalaw ang mga malapit na barkada kaya sabik din akong maipasyal namin siya. matagal ko nang kaibigan si bong pogi. we went to high school and college together. isang grupo kami sa malayan colleges mafwa na mga notre dame alumni (about 30 or so all in all), kaya parang itinuloy lang namin ang high school sa ibang skwelahan. sa tambayan ng mapua, kami pa rin ang magkakasama. we were really tight. mayron pa ngang time na we almost shared the same girlfriend. hehe. magkakasama kasi kami sa isang inuman sa makati after school: si bong pogi, gelpren niya, ako, si pareng vikoy at si momon. nang magpunta sa toilet si bong pogi, biglang lumapit ang gelpren niya, nag byutipul eyes at tinanong ang telepono ko. sabi ko, “sweetheart, hindi tayo talo. umihi lang ang boypren mo, kung ano ano nang ginagawa mo”. lumayo bigla at umuwi na kami after a while. a few weeks later, nabalitaan ko na lang na lumipat na kay pareng vikoy ang gelpren ni bong pogi. tawa ng tawa tuloy si momon. gusto daw atang tuhugin kaming lahat. THE END. actually, marami pa kaming pinag usapan – katulad ng pagtulo ng laway niya na parang gripo habang natutulog sa economics class namin nung 3rd year high school. kung paano naman nabagok ang ulo ko nang tumama ito sa lamesa dahil bigla akong nakatulog sa sobrang kalasingan. pinagusapan din namin yung time na malakas ang nakawan sa school during our senior year kaya tuloy naplilitang magbigay ang aming english teacher na si miss hojilla ng word power excercise kung saan itinuro niya sa amin ang 20 definitions ng pagnanakaw. dito namin natutunan ang mga salitang “purloin“, “filch“, “snatch“, “pilfer“, “shoplift“, “poach” at “pick” na siyang ginagamit pa rin namin hanggang ngayon pag pinag uusapan namin ang tungkol sa nakawan. e.g. “Uy, may na purloin palang bangko sa kalookan last week”. masaya talagang kasama ang mga matagal mo nang kaibigan. sa circle ko – mas higit pa sa kapatid ang turing ko sa kanila. salamat sa dalaw bong pogi, here’s to 35 years of friendship. hanggang sa muli.

ALMA MATER THE SONG OF THE BUILDER

madugo ang friday ko. gising ng 6 am at diretso sa airport after spending a night drinking with former buddies in cebu until 3 am. ok naman ang flight from cebu to manila. kasabay pa namin sa airport ang alaska basketball team – kita ko na naman si jojo lastimosa. hehehe. ay oo nga pala, may minor delay na naman. mayron daw on-board navigational intrumentation na ayaw gumana. isip-isip ko nga kung magloko kaya ang navigation intruments ng eroplano, maliligaw kaya ang pilot? hemingway, i still had a meeting in manila na naka schedule ng friday evening. so, to waste time nagpunta ako sa malayan colleges dati kong alma mater para kumuha ng transcript of records. nakakatawa nga ang exchange namin ng pleasantries sa mga taga roon sa school.

Continue reading

And we have just one world, But we live in different ones

NOTRE di pa na declare ang martial law, magkakasama na kami. a brotherhood that started in 1971, when we were in kindergarten – pakingsheet, we have been friends for 34 years. ang tagal na pala. from left to right: levi, tony, batjay, xoxo and raymund. nagkita kita kami one cold winer night in LA. kanina ko lang natanggap ang mga kodak at natuwa ako nang makita ito. si levi ang enforcer namin nung high school. very tight kasi ang batch namin at pag may umaaway sa amin na higher or lower years, siya ang umaareglo – kadalasan nagugulpi ang mga kinakausap niya. si tony naman, umalis nung 3rd year high school kami and i haven’t seen him since 1982. mayron na siyang pamilya ngayon sa LA, di pa rin nagbago ang katawan at ugali. si XOXO naman ang aming muse. gay to the bone at virgin pa raw sa kaliwang butas ng tenga. another one of my kindergarten classmates – we haven’t seen each other since our high school graduation. masarap yakapin dahil machong bakla at ang bango-bango. hehe. si raymund – one of my closest friends at brother in arms sa EDSA. we were together in malacanang the night marcos left. hetong isang magandang kwento tungkol kay raymund bilang pangwakas ko sa tribute na ito.

Continue reading