virgin

ang unang tanong ni sexist at taklesang mang boy nung may nakasalubong siyang kaibigang buntis na huli niyang makita ay nung nag graduate sila ng high school: “ay, eh di hindi ka na pala virgin, ‘no?”

Happy Birthday Mylabopmayn

happy birthday, mylabopmayn.

alam ko, yung nakaraang taon ay medyo mahirap dahil sa lahat ng nangyari kaya ang hiling ko, sana mas maging masaya at bagong taon na ito para sa iyo. actually, kinaya mo naman lahat ng dumating at lumabas kang mas astig. reregaluhan sana kita ng bagong Wii kaya lang yung mga bwakanginang mga tindahan eh out of stock lahat. makilaro na lang tayo sa kapitbahay habang naghahanap ako. in any case, happy happy birthday.

with so much love,
jay

With a love so hard and filled with defeat

binalita ng mommy ko kahapon na lumayas daw yung kanyang long time assistant sa bahay kamakailan tangay ang dalawang libong piso na dapat ay pang tuition ng apo kong si TJ. may bago raw itong bopyren na may drug habit at kinailangan yung pero pambili ng kung ano man yung ginagamit ng kumag. gusto kong hangaan dahil payag siyang kalimutan lahat alang alang sa pag-ibig. sa isang banda ay gusto ko rin siyang kutusan dahil payag siyang kalimutan lahat alang alang sa pag-ibig.

ang perfect example ng love is blind ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”

Won’t you meet me out in the moonlight alone?

pag sanay ka na may katabi sa higaan ay medyo mahirap pag bigla itong nawala. iba ang tulog ko pag duty si jet ng pang gabi. nagigising ako parati sa madaling araw at hindi ako agad nakakatulog. minsan nanonood na lang ako ng mga late night soft porn sa cable TV o kaya ay nagbabasa ng burikak na bastos magazine. pero kadalasan ay pumipikit na lang ako at hinihintay ang pagbalik ng antok.

after 17 years kasi na pagsasama, hinahanap hanap mo na yung mahinang hilik at yung katawan na nakaakap sa iyo habang pareho kayong nakatalukbong sa kumot. hindi ko nga ma imagine kung ano ang nararamdaman ng isang taong biglang nawalan ng asawa.

TALES FROM BEHIND THE WALL, PART 3

nag graduate ako ng engineering nung summer ng 1988. buhay pa ang daddy ko nung time na yon and in fact, nag blowout siya ng dinner after the graduation ceremonies sa PICC. nagpunta kami sa isang seafood restaurant sa ermita, tapos nag order siya ng malaking sweet and sour na lapu-lapu. habang kumakain kami…

DADDY: oy, dahan dahan kayo sa pagkain ng isda, ha!

AKO: bakit po?

DADDY: eh baka matini.. [FUNNY NOISES, UBO, UBO]

AKO: ano pong nangyari sa inyo?

DADDY: natinik ako.

And tearful at the falling of a star

pag naririnig ko ngayon ang “circle game“, naalala ko ang daddy ko. matagal na siyang namatay pero naiisip ko pa rin siya parati. alam ko, iba ang pinapakahulugan ni joni mitchel nung ginawa niya ito pero everytime na naririnig ko ang kanta, parang gusto kong i-urong ang oras para maibalik yung panahon na magkasama pa kami. i could have done more for my dad now that i have a steady job but i can’t because he’s gone forever.


pakinggan ang batjay’s twisted pinoy version ng “circle game” na handog pa rin sa inyo ng “Tito Remy’s Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal” – subukan ang bagong pakbet flavor na gawa sa kupal ng supot na ilokano.

this is an audio post - click to play

Beyond the horizon it is easy to love

dear mommy,

kamusta ang pasko ninyo sa pilipinas? sayang, hindi kami nakatagal diyan. kung di lang dahil sa duty si jet nung pasko at sa bagong taon, sana nariyan pa kami. kung diyan kami nagpasko, mag re-request sana ako sa iyo na magluto ng paborito kong morcon. naalala ko nung araw, parating mayroong morcon kahit panay ang reklamo mo na napakabusisi nitong gawin. naiisip ko nga na kasama sa sarap ng pagkain ang reklamo sa hirap nitong gawin. bakit mo ba ito ginagawa taon-taon na lang kung mahirap itong gawin? ang naiisip ko lang na sagot ay dahil mahal mo kami.

Continue reading

I wonder as I wander out under the sky

isa sa mga benefit ng walang anak ang mobility. para sa amin ni jet, madaling makalipat from one place to another. kaya nga etong nakaraang 6 years, parati na lang kaming lipat ng lipat: from novaliches to antipolo, singapore to california. bawat lipat ay palaki ng palaki ang hakbang namin, palayo ng palayo sa pinanggalingan. siyempre, pangarap din naman namin na magkaroon ng final dwelling place one day. iba kasi ang may sariling tahanan – takbuhan mo ito pag gusto mong magpahinga. pag wala kang permanenteng address, vagabond pinoy ka na lang habang buhay, cursed to roam the earth for all eternity. uy, madramang salita yon.
Continue reading

ALIVE

dear kuya,

naalala mo ba nung bata ako, parati mo akong kinukwentuhan tungkol sa mga iba-ibang animals? nung nasa novaliches tayo, parati mo akong pinapasyal sa ilog para tingnan yung wildlife doon. kahapon kasi, nagpunta kami sa dana point para mag whale watching. ang layo na ng narating ko ano? thirty years ago, magkasama tayo sa tullahan river para panoorin yung mga gurami at isdang kanal na lumangoy doon. ngayon, eto na ako, nakasakay sa isang malaking bangka (‘dapor’ ang tawag natin dito nung araw. naalala mo ba?) para panoorin ang mga blue whale sa california coast. migration season nila ngayon at sinuwerte kami kahapon dahil naka ilang sighting kami.

Continue reading

DEATH BY POWERPOINT

halos isang linggo na akong nakakulong dito sa isang hotel sa southern california. annual company conference at mahigit limandaan kami ritong galing sa iba’t ibang parte ng mundo ang parang mga gagong nakikinig sa iba’t ibang mga presentation simula 7:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon. habang lumilipas ang mga araw, nakakaramdam na ako unti-unti ng pagod. ito ata ang tinatawag nilang death by powerpoint. pero ok lang, bilang kunsuelo de bobo kasi, binigyan kaming lahat ng bagong iPod nano. ok na sales tool ano? lahat ng mga recording ng mga topic ay nakaload sa iPod para pag uwi mo sa kung saang parte ng mundo ka man galing eh pwede mong balikan ang mga presentation na narinig mo during the conference.
Continue reading

OCCAM’S RAZOR

happy 15th anniversary mylabopmayn! yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala – the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una – ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa – pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.

Continue reading

And if I should fall behind

ang topic namin ngayon sa “The Rebels Without Because” ay tungkol sa poverty at ito ang contribution ko. this isn’t really a poverty post but it’s very close. this is about our struggling years as husband and wife. i’m sure you know the story by now, but i’ll tell it again because it’s a great story. i met jet when i was just out of college, oh maybe 18 years or so ago. i didn’t have any job at that time but i was confident (or maybe even stupid or naive to believe) that i’d immediately get work. our family also didn’t have much and was struggling. i didn’t have any money myself – all i had was my education and a lot of bullshit. well, i did get a job a month after graduating and it paid big: 2,000 pesos. just enough to give my mom some money and expenses to get to and from work.

Continue reading