Because Kastila gid at Waray-Waray man

magbalik-tanaw tayong muli sa mga ala-ala na bigla na lang sumusulpot pag nangungulangot. ito’y pagpapatuloy sa ating radio drama series na pinamagatang “si magellan ay supot”

nung bata ako, akala ko yung “Magellan’s Terrifying Circumnavigation of the World” ay storya tungkol sa pagkamatay ni magellan sa cebu dahil nagkaroon ng infection ang titi niya nung tinuli siya ni lapu-lapu.

THE END. ang pagbabalik tanaw na ito ay handog sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit“.

Beyond the horizon it is easy to love

dear mommy,

kamusta ang pasko ninyo sa pilipinas? sayang, hindi kami nakatagal diyan. kung di lang dahil sa duty si jet nung pasko at sa bagong taon, sana nariyan pa kami. kung diyan kami nagpasko, mag re-request sana ako sa iyo na magluto ng paborito kong morcon. naalala ko nung araw, parating mayroong morcon kahit panay ang reklamo mo na napakabusisi nitong gawin. naiisip ko nga na kasama sa sarap ng pagkain ang reklamo sa hirap nitong gawin. bakit mo ba ito ginagawa taon-taon na lang kung mahirap itong gawin? ang naiisip ko lang na sagot ay dahil mahal mo kami.

Continue reading

PARA SA TAO

sa pamamagitan ng mahiwagang video na ito, pilit nating pinapasaya ang mga OFW na hindi makakuwi sa pilipinas itong kapaskuhan. actually, gumawa ako ng mga christmas video habang nagbabakasyon sa maynila. kung mayron kayong oras, imbis na magkutkot ng tutule eh panoorin ninyo ang mga ito. nasa youtube naman kaya madali lang ma-access.

Continue reading

ANG TUNAY NA DAMDAMIN

nung bata ako, isa sa paborito kong kanta yung “awiting pilipino” ni boss mike kahit di ko masyadong naintindihan ang mga lyrics. after 30 years and after moving to another country eh parang ngayon lang nagkaroon ng kahulugan ang kanta sa akin.

“hinahanap ko ngayon
ang tunay na damdamin
hinahanap ko ngayon
ang tunay na sariling atin”

Continue reading

PHILIPPINES 548 DAYS HENCE

isang taon at kalahati rin bago ulit kami nakauwi ni jet dito sa pilipinas. matagal tagal din pero parang walang nagbago. pag labas ko sa eroplano, may naghihintay pa rin na kombatsero band na tumutugtog nga mga pinoy folk songs sa mga bagong dating na balikbayan. yung isang guitarista pa nga ay bungi, bagay na lubos kong ikinagalak. pipila ka pa rin ng mahaba sa immigration kahit na may balikbayan fast lane. naroon pa rin ang maraming taong nag o-offer sa iyo ng taxi, libreng buhat ng bag na hindi naman libre. naroon pa rin ang mga bagong ligong mga asawa na naghihintay sa kanilang mga mister sa labas ng airport. siguro wala silang ibang naiisip kung hindi ang makapiling ang mga asawa nila dahil matagal tagal ding hindi sila nakapag sex. at siyempre, naroon malapit sa “letter D” ng arrival area naghihintay ang aking sundo. packingsheet, it’s so nice to be back home.

Continue reading

if a restiveness, like light and cloud shadow passes over your hands

isa sa mga paborito kong pinoy na salita ang…

bukang liwayway – sunrise. ano ba ang literal meaning ng salitang ito? “break of dawn”, siguro. bukang liwayway, bukang liwayway, bukang liwayway. banggitin mo ng banggitin at matutuwa ka dahil punong puno ito ng pangako at kahulugan. pero pag naririnig ko ang salitang ito, naalala ko si elias na namatay na di man lang nasinagan ang bukang liwayway. medyo corny nga for a dying man to say, but what the heck. here are his last words…
Continue reading

ALIVE

dear kuya,

naalala mo ba nung bata ako, parati mo akong kinukwentuhan tungkol sa mga iba-ibang animals? nung nasa novaliches tayo, parati mo akong pinapasyal sa ilog para tingnan yung wildlife doon. kahapon kasi, nagpunta kami sa dana point para mag whale watching. ang layo na ng narating ko ano? thirty years ago, magkasama tayo sa tullahan river para panoorin yung mga gurami at isdang kanal na lumangoy doon. ngayon, eto na ako, nakasakay sa isang malaking bangka (‘dapor’ ang tawag natin dito nung araw. naalala mo ba?) para panoorin ang mga blue whale sa california coast. migration season nila ngayon at sinuwerte kami kahapon dahil naka ilang sighting kami.

Continue reading

BORN TO BE WILD

ang buwan ng mayo ang isa sa pinakamasaya sa amin sa novaliches nung bata ako. summer vacation kasi at nakakapaglaro kami sa labas hanggang late at night. fiesta rin sa amin sa barrio talipapa at taon-taon na lang ay mayroong dumadayo sa amin na perya. bukod sa mga regular rides ay maraming mga tents kung saan makikita ang iba’t ibang freak show – may taong pagong, babaing pinaglihi sa octopus, mga duwende at kung ano ano pa. pero ang pinakasikat doon sa mga attractions ay si “ANIWAY, ang taong bundok”. mukha talaga itong wild man dahil naka damit tarzan, balbas sarado at mayroong kadena sa kanyang leeg para hindi makawala. gabi-gabi na lang ay nagbabayad kami ng 25 centavos para mapanood namin siyang sumigaw, umakyat sa poste na parang unggoy at ang finale niya na pinakahihintay ng lahat – kumakain siya ng buhay na manok. takot na takot nga kami sa kanya dahil akala namin ay talagang wild man from the jungle siya. sino ba naman kasing normal na tao ang kakain ng manok na buhay?
Continue reading

All happiness depends on a leisurely breakfast

eight months na pala kami rito sa america. ang bilis talaga ng panahon – parang kahapon lang ay umalis ako sa apartment namin para sunduin si jet sa hospital. teka muna – sinundo ko naman talaga si jet kahapon sa hospital. ngyehehe. pakiramdam ko kasi, parang naka assimilate na kami kahit papaano. ang isang indicator ko ay pagkain. kapag nakakain mo na ang mga kinakain ng mga native, para ka na ring native. parang nung nasa singapore kami, the moment na nagustuhan na namin ang laksa, prata at fish head curry was the moment we became integrated into the country. para kasi itong balut at burong talangka – acquired taste na sooner or later you’ll learn to love (or hate forever). dito sa america, ang cereal siguro ang pagkaing hindi ko akalain na magugustuhan. sino ba namang gago kasi ang nakaisip na gawing breakfast ang rice and wheat flakes na binabad sa gatas? pero aaminin ko, nagustuhan ko na rin ito pagtagal. magaan lang kasi sa tiyan, healthy pa.

pero paminsan minsan napapanaginipan ko na rin na kumakain ako ng aking paboritong breakfast: garlic rice, longganisang lucban na sinawsaw sa sukang iloko na may siling labuyo, crispy daing na espada, dalawang sunny side eggs na pinatakan ng tabasco, hot pandesal na may palamang kesong puti at liver spread. kahit papaano, sa kailaliman ng aking bituka eh pinoy pa rin ako siyempre.

And ev’ry stranger’s face I see

dear mommy,

merry christmas po sa inyo. by this time siguro papunta ka kayong lahat sa tagaytay para sa annual christmas party ng pamilya. first time namin na mami miss ito ni jet in 5 years. medyo nakakalungkot nga pero ano bang magagawa natin – kailangan kumayod para may pambili ng hopia.

sana next christmas ay magkakasama ulit tayong lahat.

kagabi, nanaginip ako na kumukuha raw ako ng dalawang hershey bar sa vending machine sa opisina namin. weird nga eh – hindi ko po alam kung mayroon itong connection sa pasko pero gusto ko lang ikuwento. actually, ok naman po ang christmas weekend namin. parang nasa pilipinas rin kami kasi mga kabayan din ang kasama namin. ang sarap panoorin kung paano mag celebrate ang mga pinoy ng holidays sa ibang bansa. pakiramdam ko, we miss home so much na pilit naming mga overseas pinoy na ipagdiwang ang pasko na parang nasa pilipinas din kami. it’s heroic in a way and i love it.

tuloy po muna kami mommy. punta kami ng san diego ni jet at doon makikipag pasko sa iba nating mga kamag-anak. ingat po kayo diyan at kamusta na lang sa lahat.

nagmamahal,
jay


pakinggan ang PODCAST ng Dear Mommy Letter

“I do think the patriotic thing to do is to critique my country. How else do you make a country better but by pointing out its flaws?” – Bill Maher

kung wala rin kayong magawa ngayon, atsaka na lang kayo mangulangot – pakinggan ninyo na lang ang ginawa kong chipmunk version ng “panatang makabayan“.

para sa mga tulad kong lumaki nung 1970’s, ang panatang makabayan ay nakaukit nang permanente sa kukote mo dahil binibigkas ito during every flag ceremony. it’s funny how much silly crap you retain in your long term memory samantalang yung mga importanteng dapat mong matandaan eh hindi mo halos maalala.

ang isang nakakainis pag ganitong papasok na ng 40 years old eh nagiging makakalimutin ka na. ni hindi ko na nga matandaan ang cell phone number ko. nakakahiya nga kasi pag may nagtatanong ng number, kailangan ko pang silipin ito bago ko maibigay. pero ang panatang makabayan? lyrics ng bagong lipunan song? student number ko nung college? i can probably recite these in my sleep.

There’s a battle outside and it is ragin’

mayroong isang grupo ng mga magugulang (ie, medyo mas matanda na kaysa mga bagets – inaderwords, mga 30 to 40 something) na bloggers na gumawa ng isang blogging community. para saan ba ito? wala lang. mahilig kasi ang mga members sa tsismis at isa itong paraan para makipagkwentuhan sa isa’t isa. ang pangalan ng group ay “The Rebels Without Because“. member ako rito at ang topic namin ngayon ay: “ano ang gagawin mo kung ikaw ang presidente ng pilipinas”. kung may oras kayo, dumayo naman kayo sa BLOGKADAHAN.COM para basahin ang mga posts ng mga siraulong katulad ko. toka ko ngayon at heto ang aking entry:

kung ako ang presidente ng pilipinas…

Continue reading

If you’re going to tell people the truth, be funny or they’ll kill you

dear unkyel batjay, two weeks ka na pala diyan sa maynila. gusto kong malaman kung ano ang feedback mo tungkol sa pilipinas. in terms of the political atmosphere and the current economic condition. what do you think about the volatile events happenning in manila? do you think that the opposition will have enough clout to take the presidency from mrs arroyo? i am interested in finding out your opinion because i know that you are very intelligent. at pahabol – ang ganda nga pala ng mga bulaklak mo, lalo na yung lavender na gumamela. yun lang!

dear gentle reader, hindi lang intelligent – pogi pa. bwahaha. thank you – maganda talaga ang mga bulaklak ko ngayon. hayan ang sample. napakalalim naman ng mga katanungan mo. pilitin nating sagutin. una, may problema talaga sa pilipinas ngayon. hindi effective ang mga programa ng gobyerno dahil maraming corrupt. isa pa eh bagsak ang entertainment industry kaya maraming mga artista ang sumasali sa politika. tapos, mayron din namang mga nasa politika na sa pagaakalang sila rin ay pogi eh gusto namang mag artista. heto pa ang isa kong napansin: nakaka aliw ang mga commercial sa TV. karamihan rito ay tungkol sa shampoo na nakakapagtanggal ng balakubak. marami ring tungkol sa sabong panlaba. at ang isa siguro na kapuna puna dahil dito ko lang ito napapanood sa pilipinas eh maraming commercial ang tungkol sa gamot sa pagtatae. naghihintay na lang nga ako para sa paglabas ng “pantene with diatabs – ang shampoo para sa mga nagtatae”.

kung ako ang gagawa ng commercial, kukunin ko si kris aquino na model at ipapakita kong gumagamit siya ng shampoo habang nakaupo sa inodoro.

VOICE OVER: “kris, are you using pantene with diatabs again?”

KRIS: “keee-wreck!!!”