Dreamers may leave, but they’re here ever after

ang sarap ng ulam ko ngayong tangahali – daing na boneless bangus! medyo trivial lang sa iba pero big deal ito sa akin. paminsan-minsan na lang kasi akong nakakakain ng daing. bumili ako kahapon sa island pacific, isa itong pinoy supermarket sa west covina. doon ata tinambak lahat ng mga pilipino sa los angeles. pag pumunta ka nga roon, para kang nasa pilipinas. may max fried chicken, may goldilocks, ang daming mga turo-turo at kahit saan ka lumingon, ang dami mong makikitang tao na tulad kong kutis betlog na nagtatagalog.
Continue reading

LIONS, TIGERS AND BEARS

ang dami kong brush with wild animals last week. naglalaro kami ni pareng mon (siya yung nasa kanan ko sa picture) nung sabado ng umaga nang biglang may bumulaga sa amin na coyote. hindi yung gulay ha – sayote yon. ito yung parang maliit na fox. ano ba ang fox sa tagalog? hindi suntok – box yon eh. hindi rin kant*t – fuck yon eh. anyway, medyo natakot ako dahil naalala ko yung mga pinapanood kong cartoons nung araw. baka kasi mayroon siyang dalang ACME bazooka at tirahin kami. buti na lang wala si road runner. second brush ko na ito with coyotes. dami kasi nito dito sa southern california – in fact, mayroon akong nakikita sa gilid ng apartment namin. akala ko eh tapos na rito – after a short while, may deer naman na lumapit sa amin. it was a doe. yes virginia, doe a deer. a female deer. mukhang maamo ito kasi hindi na natatakot kahit maraming mga tao.
Continue reading

American cities are like badger holes ringed with trash

nakatanggap kami lahat sa trabaho ng email galing sa facilities department recently. sila yung mga nag aayos ng maintenance ng campus namin dito sa california, simula sa pagpalit ng mga light bulb hanggang sa pag ayos ng garden. medyo nakakatawa yung email kasi pina-alala sa amin na huwag daw gawing personal garbage dump yung opisina. apparently may nagtapon sa trash can namin ng refrigerator during the weekend.

refrigerator? packingsheet.

Continue reading

Strangers passing in the street

nakasalubong ko na naman yung bumbay na naka turban nung naglalakad ako kanina. sabay kami ng oras sa paglakad at kadalasan ay sa park kami nagkikita. matanda na siya, siguro mga 80 years old. mabait ang muhka at malayo pa lang ay nakangiti na. parati kaming nagpapalitan ng pleasantries.

kanina binati niya ako ng – “good morning, fine thank you”

sumagot naman ako ng – “good morning, how are you?”

tapos pareho kaming natigilan, biglang nagkatinginan at nagkatawanan. yan ang masarap sa paglalakad dito. may nakakaharap kang mga taong magpapasaya sa iyo.

BABYLON SISTERS SHAKE IT

nawala na yung usok galing sa wildfire na malapit sa amin. pawala na siguro yung sunog. mabuti naman. itong mga nakaraaang 2 days kasi, nakakatakot tingnan yung malaking column ng smoke na tanaw na tanaw sa bintana ng opisina. parang at any time, pwedeng tumawid ang apoy papunta rito. mga 2000 homes ang na evacuate dahil malaki yung sunog – mahigit 6000 acres daw. gaano ba kalaki ang 1 acre? di ko alam kasi sanay ako sa square meters. teka nga at ma research… eto, ang sabi sa google, 1 acre = 4 046.85642 square meters. imagine nyo na lang kung gaano kalaki ang sunog. beri-beri big too big, ano? dry na dry kasi ngayon dahil sa santa ana winds kaya isang spark lang, sunog agad. ang santa ana winds nga pala ay yung malakas na hangin na galing sa desert na umiinit habang tumatawid pababa ng bundok papunta sa pacific ocean. pag ganitong may santa ana, nagiging almost 0 humidity at tumataas ang temperature. in fact, today will be a hot day at ang forecast ay around 90 deg F. that’s a record breaking 32 degrees C. packingsheet, parang summer. kailangan na yatang maglagay ng underarm odor protection.

The only think I like better than talking about Food is eating

kagabi, for the first time since moving to california ay nag-ulam kami ng hipon. part pa rin ito ng on-going healthy living diet namin ni jet. napansin ko kasi na simula nang umalis kami ng singapore eh wala na akong allergy attacks dala ng pagkain ng mga shell fish. buti nga kasi i love to eat shrimps. ang sarap nga ng ginawang halabos ni jet, lalo na dahil may sawsawang suka na may toyo. ang napansin ko lang na medyo nakakainis dito sa california, at least yung nabibili namin sa mga grocery dito, eh wala nang ulo ang mga hipon. na miss ko tuloy sipsipin yung katas ng utak. nung araw nga, gagawin ko eh ibubuhos ko sa loob ng ulo ng hipon ang suka na may dinikdik na sili at ikakain ko sa steaming white rice. packingsheet, ang sarap. those were really the days of glorious food and great eating. miss ko na yung panahon na yon na kahit gaano karami ang nakain eh isang utot lang at kaunting lakad ay tanggal na agad yung kinain mo. ngayon kasi, pag kumain ako ng isang steak, mga dalawang buwan ata bago ko ito ma digest. tapos sa sobrang taba eh ang sagwa kong tingnan sa salamin pag naka side view. yung profile kasi ng katawan ko ay parang yung drawing ni exupery ng ahas na kumain ng elepante doon sa chapter 1 ng little prince.

“With more people, there are more voices to tune out.” – Susan Sontag

dalawang Podcast ko nga pala ang naka register sa iTunes ngayon – “Dear Unkyel Batjay” at “Mahalagang Balita“. kung gumagamit kayo ng iTunes, punta lang kayo sa music store, click sa “podcasts” then do a search – ipasok niyo lang “batjay” or “philippines” or “pinoy” as your search words at makikita na ninyo yung mga podcast ko. marami na kami ritong mga pinoy podcasters at matutuwa kayo sa variety na available dito. ang maganda sa iTunes based podcast ay pwede kang mag subscribe dito ng libre at kung mayroon kang iPod, automatically mo itong mai-do-download at pwede mong marinig kahit saan.

Continue reading

I bet living in a nudist colony takes all the fun out of Halloween

dear mommy,

Ang Mahiwagang Daigdig ni Darnita, ang Batang Darna. CLICK to Zoom kamusta na kayo diyan sa pilipinas? sana ay nasa mabuti kayong kalagayan – di ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang 81 year old but looking at you, it seems that you are having a great time. halloween na nga pala dito sa amin bukas. ito ang magiging una namin ni jet dito sa amerika at handa na kaming makikisali dito sa sikat na american tradition na ito. nakakatuwa nga ang mga kano, libo libo ang ginagastos para lang makapaglagay ng dekorsasyon sa mga bahay nila. kung titingnan mo, para silang mga sira ulo – bibili ng mga sapot ng gagamba, mga pusang nanlilisik ang mga mata, higanteng daga, mga paniki, at kung ano anong mga nakakatakot na mga maligno. tapos ididisplay ito sa labas ng bahay. tama ba naman yon? pero tama man o mali eh sali kami sa kabaliwan nilang ito! hehehe. napabili na nga kami ni jet ng mga candy para ipamigay sa mga bata, sakaling may maligaw na mag “trick or treat” sa apartment namin bukas.

Continue reading

And if the cloud bursts

ang isang malaking problema ko rito sa amerika, in particular dito sa california ay ang dry weather. parati kong binibiro na kutis betlog ako. nagiging tutuo na nga yata. one month pagkadating ko rito, napansin ko na nangingitim ang tuhod ko dahil sa sobrang tuyo ng aking balat. nilagyan ko agad ng lotion. pag tagal, nawala naman. after the second month, yung siko ko naman ang namumuti. dahil din siguro sa sobrang tuyo ng aking balat. nilagyan ko agad ng lotion at pag tagal nawala rin. naisip ko nga – what the fuck, nangingitim ang tuhod, namumuti ang siko. kulang na lang tubuan ako ng kulugo sa mukha.

Continue reading

All my dreams, pass before my eyes, a curiosity

kanina pang umaga ngumangawa ang world famous na santa ana winds dito sa orange county. matagal ko na itong naririnig na ikinukwento ng mga kaibigan namin na taga rito pero ngayon ko lang na experience. nakakatakot pala talaga. galing ang hangin sa desyerto, aakyat siya ng bundok where it builds up speed and raises its temperature, tapos tatakbo ito ng pababa papunta sa dagat. malakas siya at mabilis (over 110 kph in some areas), maingay at mainit. para ngang may nakatapat sa iyong super duper hair dryer. nakaka tindig balahibo lalo na pag nasa loob ka ng bahay. oo virginia, pati balihibo ko sa ilong at pwet, tumayo. pumipito kasi ang hangin pag tumama sa bintana. pag tumingin ka naman sa labas, kita mo yung mga puno – halos naka bend ng 90 degrees.

ngayon ko lang naiintindihan kung bakit maraming nasisiraan ng ulo at (di ko alam kung tutuo) tumataas din daw ang crime rate every time the santa ana wind blows. pero ang alam ko na talagang tutuo ay nagdudulot ito ng maraming mga sunog. just today may reports na ng brush fires and it might get worse as we get into winter.

Clouds come floating into my life

bumalik na ulit ang dati kong routine nung nasa singapore pa kami. nagkakamot ullit ng betlog sa umaga? hehehe. hindi naman. mag iisang linggo na akong nag e-excercise. palakad lakad ng 30 minutes around our apartment pagtapos ng trabaho. masarap maglakad dito sa amin. medyo malamig na kasi pag early evening kaya hindi masyadong nakakapagod. maraming mga tao ang health conscious dito kaya marami akong kasabay sa kalye. iba ibang age group – from super lola (hindi yung paputok, gagi) to middle age kyut pinoy (ako yon – ngyahaha). nagbabatian kami ng “gud ibning” at “hello” kaya pakiramdam ko eh para akong member ng isang malaking jogging federation. it feels good kahit minsan alam mong parang walang laman ang bati. para ngang eksena right out of a louis armstrong song. hindi “hello dolly” gago. yung “what a wonderful world” (i.e. “i see friends shaking hands saying how do you do”). bawat gabi pa ng paglalakad ko ay may kasabay akong magandang sunset. isa ito sa highlight ng aking araw. makulay kasi ang mga sunset dito sa orange county at minsan nga feeling ko eh wala akong karapatang makita ang tanawing ito dahil sa sobrang ganda. suwerte lang siguro.

Lover, there will be another one

nung sabado, nag hatid-sundo ako kay jet sa kanyang driving school sa san juan capistrano. memorable ang lugar na ito sa akin kasi nung araw, napapanood ko ito parati sa TV. sikat kasi ang capistrano dahil sa mga ibon na bumabalik balik dito during spring time. nung bata ako, akala ko eh manok yung mga ibon na iyon – oo virginia, akala ko nung una eh “the chickens of capistrano”. na imagine ko nga ang libo libong mga manok na lumilipad taon taon galing sa kanilang winter home sa south america. nawala lang ang image na ito nang tumada ako kasi malaman ko na: una, hindi lumilipad ang mga manok, at ikalawa – mga swallows pala ang tawag sa mga ibon na nagpasikat sa san juan capistrano. bakit ba swallows ang tawag sa mga ibon na ito? mahilig ba silang lumulon? hindi ko alam. wala akong kakilala na nakaka alam. ayon sa aking pagbabasa, ang mga swallows pala ng capistrano ay galing pa ng argentina! siguro mahilig sila sa carne norte (ngyahaha, ang corny ko). ang total distance from argentina to san juan capistrano ay 7,500 miles one way (samakatwid – 15,000 miles ang travel nila back and forth kasi 7,500 taymis 2 equals 15,000). ang galing ko sa math ano? hehe. engineer kasi ako eh. pero bwakanginangyan, ang haba ng byahe nila at bilib ako sa lakas ng resistensya nila – para silang mga lance armstrong ng mga ibon.

Continue reading