ngo-ngo si mang ben

nagising na tulala si mang ben sa hospital. bigla siyang napasigaw nang makita niyang wala na siyang suso: “mga mutangngina ngyo, ngagmuntna ango ngito sa ngospital mara sa ngasectomy ngahil mito nga ang nganak ko” ang sabi niya sa nurse. “makit ango walang moobs?”

kasalanan ni pikachu

dalawang araw na siyang hindi kumakain simula nang madukutan ng pitaka at maligaw sa central market. putangina kasing pikachu stuffed toy na yan na pinabibili ni helen. tapos narinig pa niya sa DZRH na nag quit na si kris aquino sa showbiz. magugunaw na ata ang mundo, isip-isip ni mang boy.

kamote

sinubukan ni mang boy na kumain ng kamote habang nakatali ang dalawang kamay sa poste ng kama. wala namang dahilan para gawin niya ito kaya tangina, nagtataka rin nga ako. ang problema niyan eh bukas, sino na ang magkumpuni ng tumutulong gripo?

pitakang ahas

balak regaluhan ni jenna si mang boy kaya tinanong nito kung mapili siya sa pitaka.

“kahit anong klaseng pitaka ay ok lang, basta huwag lang yung gawa sa titi ng cobra” ang sabi ni mang boy, “mahirap kasi dahil ang pitakang gawa sa titi ng cobra ay nagiging maleta pag aksidente itong nahawakan ng babae”

poso negro blues

naalimpungatan siya kaninang umaga sa tunog ng tubig. ‘tangina, pumutok na naman ata ang linya ng poso negro, isip-isip niya, sabay ang tayo sa pinaghigaang sofa. handa na niyang tawagan ang kapitbahay niyang si mang boy, isang magaling na tubero sa pilipinas pero taga lagay na lang ngayon nga mga groceries sa walmart, nang bigla siyang napatingin sa bintana.

ah, ulan lang pala. welcome to southern california, madapaka.

masabaw

ok lang na malapnos ang ngala-ngala niya, basta lamang makahigop siya ng mainit na sabaw. nangiti si steve habang tahimik na sinasabi niya sa sarili na oo nga, lalo na’t parating na ang kapaskuhan at medyo malamig na ang panahon, die hard talaga siya para sa royco chicken noodle soup.

A hole in the sky

“bakit po nagkabutas ang kalangitan?” ang tanong ni tony sa tatay niya.

“diyan lumalabas ang titi ni bathala, kapag gusto niyang umulan”, ang sagot ng tatay ni tony.


Pinatahimik na Karnabal

marami pa ring freak sa barrio talipapa pero wala na yung mga show. huminto na kasi ang karnabal. pinatahimik na siya ng makabagong aliw at nilibing na sa ala-ala ng masayang kabataan.

“miss ko na si aniway”, ang sabi ni mang lino, “naalala mo ba siya? yon yung mamang kumakain ng buhay na manok sa perya tuwing piyesta. ang balita ko eh nag migrate na siya sa canada.”

woe is me

tinanong ni mandy sa best friend niyang si paul kung bakit kahawig niya ang hardinero at mahilig siyang magbungkal ng lupa.

oo nga, sabi ni paul dahil gusto rin daw niyang malaman kung bakit kahawig niya ang family driver at bakit nung 2 years old pa lang siya eh kaya na niyang i-drive yung toyota corolla sa garahe.

mickey mouse blues

yung unang bukas ng balikbayan box na pinadala ng ate niya nung maliit siya, ang amoy ng amerika para sa kanya. natawa nga siya kasi, nung naisip niya ito, nasa goldilocks siya’t kumakain ng tapsilog, di kalayuan sa bahay ni mickey mouse. amoy na amoy ang bagoong galing sa katabi niyang table.