I’m not there

naglalakad ako sa montreal nung makita ko ang sign na ito. may “Jay” kasi kaya naintriga ako pero di ko agad naintindihan kung ano ang ibinebenta. mayroon kasing suggestive picture ng isang babaeng may hawak na saging kaya nung una akala ko condom o sex toy ang tinitinda. rolling paper lang pala. naalala ko tuloy nung bata ako, ang isa sa mga paborito kong libangan ay dilaan yung rolling paper na tinatago ng kuya ko sa kuwarto niya. matamis kasi. matagal pa bago ko naintindihan kung saan ang gamit nito.

The pier lights our carnival life forever

isa sa mga paborito kong kanta ang “karanasan” ng maria cafra. perfect example ito ng mahusay na pag balasa ng lead guitar at drums na makikita mo paminsan minsan sa mga gawang pinoy. 1978 nung lumabas ito at kahit walang subtlety sa lyrics ay nagustuhan ko agad ang kantang ito. subtlety? yeah, right. sino ba namang 12 year old ang maghahanap ng subtlety sa isang kanta.

Continue reading

Marlon Brando, Pocahontas and me

nakikinig ako ngayon sa “rust never sleeps” ni neil young. all of a sudden i’m 13 years old and its 1979 again. music is a fucking time machine. it’s funny how memory works – naalala ko pa rin ang mga lyrics ng kanta, even if i haven’t heard it in 29 years. huli ko itong pinakinggan, first year high school ako at malapit nang maghiwalay ang mga parents ko. sanay na sanay na rin akong magjakol nung panahong ‘yon at nagsisimula nang magkaroon ng interest ang opposite sex sa akin. i remember everything.

Continue reading

Close your eyes and follow your dreams down

nagsimula akong maging OFW nung layasan ko ang pilipinas para magtrabaho sa kasalukuyan kong kumpanya nung 2001. sa singapore ako unang based at apat na taon din akong nadestino roon. nung 2005, nagkaroon ng opening sa main office sa california at kinuha nila ako para dito naman magkalat ng katarantaduhan. malapit na kaming mag tatlong taon dito ni jet at seven years nang wala sa pilipinas.

Continue reading

Thunder on the mountain, fires on the moon

kanina ko pa iniisip yung pinaka unang recollection ko ng pasko. hindi na masyadong malinaw dahil 40 years na ang nakakaraan at pag ginugunita ko ngayon ay para na siyang black and white video na out of focus: 1967, sa isang bahay na bato sa pasay city, nakahiga ako sa kahoy na sahig at kinakalikot ang laruang truck na niregalo sa akin habang sa paligid ko ay masayang nag-uusap ang buong pamilya. nung panahong iyon, 42 years old na ang mommy at daddy ko. exactly my age now. imagine that.

I remember the thirty-five sweet goodbyes

mura lang ang bilihin nung nag-aaral pa ako. ang baon ko nga nung 1988 ay 20 pesos a day. 10 pesos para sa dinner, 10 pesos na pamasahe sa jeep from novaliches to intramuros and back. dalawang sakay ako: talipapa hanggang blumentritt, tapos blumentritt hanggang city hall ng maynila. nilalakad ko na lang from city hall hanggang sa school. ayan, bigla tuloy akong nag senti mode at napatingin sa kalendaryo. putangina, halos 20 years na pala ang nakaraan simula ng mag graduate ako ng college.

Continue reading

Flying away on a wing and a prayer

habang nanonood ng “lipad, darna, lipad” sa black and white TV ng tambayan sa talipapa, novaliches:

miron: buti na lang si narda ang nakalunok ng mahiwagang bato, no?

batjay: bakit naman?

miron: eh kung si ding ang lumulon ng bato, ang magiging pangalan niya bilang superhero ay “Ganid”

ang pagbabalik-tanaw ng kaputa-putahang corny joke na ito ay hatid sa inyo ng Tito Remy’s Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal. subukan ang bagong sayote flavor na gawa sa kupal ng supot na taga baguio.

Your nuclear boots and your drip dry glove

tinubuan ako ng sungay during the 80s. nung pumasok ang 1980, 15 years old ako at uhugin. when the decade ended in 1990, i was 25 and irrevocably changed. kaka graduate ko lang at may trabahong maganda. in a year or so, i would be happily married.

i hated the 1980s. di ko kasi gusto ang style ng damit: baston na maong na may zipper sa laylayan, technicolor crayon shoes, spikes, ang buhok ng mga babae ay korteng pagodang di mo malaman.

i loved the 1980s. lahat ng dapat kong malaman sa buhay ay dito ko natutunan. love, loss, lifelong friendships formed, virginity lost, found god, lost god, got education, exciting job, found true love.

My spirits to attend this double voice accorded

muli na naman tayong magbalik-tanaw sa mga ala-ala na bigla na lang sumusulpot pag nangungulangot. ito’y pagpapatuloy sa ating drama series na pinamagatang “The Corny Jokes of Childhood”.

summer of 1977, isang gabi sa tambayan ng mga jeproks sa barrio talipapa, novaliches:

CORNY JOKER: pare, ano sa english ang “Ibigay mo ang lata kay Tan?”

MIRON: ano?

CORNY JOKER: give the can to Tan

THE END. ang pagbabalik tanaw na ito ay handog sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit“.

Because Kastila gid at Waray-Waray man

magbalik-tanaw tayong muli sa mga ala-ala na bigla na lang sumusulpot pag nangungulangot. ito’y pagpapatuloy sa ating radio drama series na pinamagatang “si magellan ay supot”

nung bata ako, akala ko yung “Magellan’s Terrifying Circumnavigation of the World” ay storya tungkol sa pagkamatay ni magellan sa cebu dahil nagkaroon ng infection ang titi niya nung tinuli siya ni lapu-lapu.

THE END. ang pagbabalik tanaw na ito ay handog sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit“.

CONFESSIONS OF A DANGEROUS MIND

CONFESSIONS OF A DANGEROUS MIND, FART 1 muli na naman tayong magbalik-tanaw sa true confessions ng mga baliw. ito’y bahagi ng ating radio drama series na pinamagatang “true confessions of a dangerous mind”:

sabi ng kaibigan kong si ting: “kung kaya lang daw niyang chupain ang sarili niya, hindi na niya kailangan pang mag-asawa“. bago nga siya ikinasal ay nag-aral muna siyang maging isang contortionist.

THE END. ang “true confessions” na ito ay handog sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit”.

BALIK-TANAW: THE DAY I DISCOVERED THE TRUTH ABOUT SANTA

muli na naman tayong magbalik-tanaw sa mga childhood ala-ala na bigla na lang sumusulpot pag nangungulangot. ito’y pagpapatuloy sa ating radio drama series na pinamagatang “sAnTa cLaUs bLuEs”.

christmas morning, 1972:

batjay: “mommy, tutuo ba si santa claus?”
mommy ni batjay: “siyempre naman anak!”
batjay: “mommy, di ba taga north pole si santa claus?”
mommy ni batjay: “siyempre naman anak!”
batjay: “eh bakit puro ‘MADE IN THE PHILIPPINES’ itong mga laruan at candy ko sa socks?”
mommy ni batjay: (a VERY long pause) “…ah, eh, gusto mo ng bibinka, anak?”

THE END. ang pagbabalik tanaw na ito ay handog sa inyo ng RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit.