#8 Dream

nung high school ako, ang isa sa mga malimit kong nightmare ay anatomical. parati na lang sa mga panaginip ko, ang scenario ay gumigising daw ako isang umaga at pagharap ko sa salamin, bigla kong makikita na may malaking titi ako sa noo.

conundrum

bola-bola with sweet sauce o bola-bola with spicy sauce? singkamas na may bagoong o manggang hilaw na may bagoong? lumpiang sariwa o lumpiang prito? banana cue o kamote cue?

yan ang mga pinakamahirap na mga desisyon na kailangan kong pag-isipan nung 8 years old ako.

puno ng duhat

hindi niya maalala kung kailan niya napatunayang hindi tutuong may tutubong halaman sa loob ng tiyan kapag nilulon mo yung buto, pero simula noon ay wala na siyang binubuga pag kumakain siya ng duhat.

kumakain ng apoy

5 years old siya nung una niyang maisipang kumain ng apoy. naalala niya ito na parang kahapon lang nangyari: magpapasko noong ininom niya yung laman ng bote ng 7-up na nakapatong sa dining room table. walang nagsabi sa kanya na gaas pala ang laman nito. hindi naman siya namatay (thank god) pero nag ngi-ngitngit pa rin siya hanggang ngayon kasi, hindi pa rin niya nalaman kung sinong gago ang maglalagay ng gaas sa bote ng 7-up.

Ang Tatlong Magkakapatid


naalala ko nung kinunan ito. nagpunta ako photo-me ata sa SM city dahil kailangan ko ng litrato para sa school ID. naka white t-shirt ako at white yung background, tapos hindi siguro balanse yung camera kaya ulo ko lang tuloy ang lumabas sa litrato.

asar na asar ako roon sa kumuha sa akin dahil sinisingil pa rin ako kahit floating head ang lumabas. BWAHAHA. pero natawa pa rin ako sa hitsura ko kaya binayaran ko na rin ang pangit kong kuha knowing that someday, mayroon itong pakinabang.

You’re comin’ thru to me in black and white

yung mga parents ko, hindi rin nila pinili para sa akin kung ano ang dapat kong maging propesyon. maswerte ako dahil hindi sila conventional na pinoy na magulang at the time na halos ipilit nila sa mga anak kung ano ang dapat na kuning course sa college.  di ba nga, yung mga ibang mag-asawa, mag-aanak ng anim para mayroon silang doctor, engineer, nurse, abogado, accountant at pari. tapos pa nga, yung mga nasa probinsya, gagawa ng sangkatutak na karatula para i-display nila ito sa labas ng bahay yung mga natapos ng kanilang mga anak. halimbawa, kung gusto ng mga magulang ko na mag paskil ng karatula sa labas ng bahay namin, pwede nilang ilagay:

Nicanor S. David, Jr.
Computer Engineer
(tumatanggap din ng labada pag linggo)

Continue reading

In the blinking stardust of a pale blue light

half day ng buong buwan ng enero nung senior year ng high school ko ay devoted sa career orientation. nag iimbita yung guidance counselor namin na si miss yap ng mga alumni galing sa iba’t ibang mga propesyon para magsalita tungkol sa kanilang mga career. ang objective ng activity na ito ay para malaman mo kung ano talaga ang gusto mong maging, pag laki mo.

Continue reading

I’m not there

naglalakad ako sa montreal nung makita ko ang sign na ito. may “Jay” kasi kaya naintriga ako pero di ko agad naintindihan kung ano ang ibinebenta. mayroon kasing suggestive picture ng isang babaeng may hawak na saging kaya nung una akala ko condom o sex toy ang tinitinda. rolling paper lang pala. naalala ko tuloy nung bata ako, ang isa sa mga paborito kong libangan ay dilaan yung rolling paper na tinatago ng kuya ko sa kuwarto niya. matamis kasi. matagal pa bago ko naintindihan kung saan ang gamit nito.

The pier lights our carnival life forever

isa sa mga paborito kong kanta ang “karanasan” ng maria cafra. perfect example ito ng mahusay na pag balasa ng lead guitar at drums na makikita mo paminsan minsan sa mga gawang pinoy. 1978 nung lumabas ito at kahit walang subtlety sa lyrics ay nagustuhan ko agad ang kantang ito. subtlety? yeah, right. sino ba namang 12 year old ang maghahanap ng subtlety sa isang kanta.

Continue reading

Marlon Brando, Pocahontas and me

nakikinig ako ngayon sa “rust never sleeps” ni neil young. all of a sudden i’m 13 years old and its 1979 again. music is a fucking time machine. it’s funny how memory works – naalala ko pa rin ang mga lyrics ng kanta, even if i haven’t heard it in 29 years. huli ko itong pinakinggan, first year high school ako at malapit nang maghiwalay ang mga parents ko. sanay na sanay na rin akong magjakol nung panahong ‘yon at nagsisimula nang magkaroon ng interest ang opposite sex sa akin. i remember everything.

Continue reading

Close your eyes and follow your dreams down

nagsimula akong maging OFW nung layasan ko ang pilipinas para magtrabaho sa kasalukuyan kong kumpanya nung 2001. sa singapore ako unang based at apat na taon din akong nadestino roon. nung 2005, nagkaroon ng opening sa main office sa california at kinuha nila ako para dito naman magkalat ng katarantaduhan. malapit na kaming mag tatlong taon dito ni jet at seven years nang wala sa pilipinas.

Continue reading