to see a world in a grain of sand,
and a heaven in a wild flower,
hold infinity in the palm of your hand,
and eternity in an hour
Category Archives: LITERATURE
balbon
matagal na niyang pinaghihinalaan na ang dahilan ng pagtubo ng buhok sa kanyang tenga ay sanhi ng masamang guhit ng tadhana. pag tahimik sa gabi at mayroon siyang pagkakataong magmuni-muni, parating pumapasok sa isip niya ang matagal ng sinasabi sa kanya ng kaibigan niyang si mario: “pwede mong piliin ang iyong mga kaibigan”, ani ni mario sa kanya, “pero iisa lang ang ina mo”.
sa dinami-rami naman kasi ng pwedeng maging nanay, ang natapat na maging nanay niya ay balbas sarado.
mahirap malunod
madiing sinabi ni ruben na ayaw niyang mamatay sa pagkalunod. oo nga, ang dagdag ni mario. kahit anong dahilan ng pagkamatay ay ok lang, halimbawa mabaril o makainom ng lason. huwag lang daw siyang mamatay na nalunod sa septic tank
hunger strike
day 6 na ng hunger strike ni benjie nang nakaramdam siya ng gutom dahil amoy adobo ang utot ng kasama niya sa kulungan. humingi agad siya ng garlic rice sa warden.
ang laman ng bayong
nagulat siya ng may babaeng dumalaw sa bahay na may dalang bayong. “nagbebenta kaya ito ng puto?”, naisip niya. nagulat na lang siya ng binuksan ng bisita ang bayong – puno ito ng pera at nagtatanong kung pwede raw bang bilhin ng cash ang bahay.
oo, sabi niya, basta raw may kasamang niyog.
breakfast moment
sampung minuto nang naglalakad ng pabalik balik si michael sa kusina, hindi pa rin niya naalala kung bakit siya nagpunta roon. kailangan ba niyang magtitipla ng kape o maghugas ng pinggan? sa huli, naglaga na lang siya ng kamote.
lindol sa california
nagkakamot siya ng singit nung lumindol, kaya wala siyang nagawa. puro sugat ang kaliwang betlog niya.
singkamas
nag gisa siya ng bagoong at nilagyan niya ito ng sili. nilabas na rin niya ang asin at barbeque stick. natuwa siya: hinog na ang singkamas.
doctor ng aso
sinabihan ko na si remy tungkol sa problema niya, hindi naman siya namansin. mahirap talaga para sa may sakit ang makinig sa beterinaryo.
ala-ala ng siko
sumilip siya sa bintana at nakita niyang umuulan. tumulo bigla ang kanyang luha dahil panahon ng hapon nung tamaan ng kidlat ang braso niya at siya’y na komang.
tikwas
shit, hindi na naman siya nakapag-ayos. bakit ba kasi ngayon pa siya kinuhanan ng litrato para sa passport? kung kailan tumikwas ang buhok niyang dati-rati nama’y hindi nagiging kachupoy.
pero hindi siya nadapa sa arina
dahan-dahang bumangon si tessie habang hinahaplos ang tuhod na kumaskas sa espalto. huli na ng malaman niyang may natapakan siyang natutulog na aso. putangina, isip-isip niya… mas masakit palang madapa kung maraming nakakita.
ang kuto ni mario
“wala akong kuto”, ang sigaw ni mario habang kasabay nito ang pagkamot niya ng ulo. naisip niya tuloy ang masayang pag-uusap nila ni myra.
tugnaw
malamig na tubig ang pinampaligo niya kaninang umaga. nasira kasi ang water heater. wala nang perang pampagawa, urong pang pagkalalaki. gusto na niyang magpatiwakal.
if you only have time
if you only have time to visit one site today, make sure you visit “the little prince”. it brings back memories of high school and the many times we were asked to read the compulsary books (and write the report afterwards, of course).
english teacher gives you the required reading at the start of the school year. tamad kasi kaya, you don’t pay attention to it until it’s the last day before submission. and so you read (with a whole lot of complaints…e.g. “pano ko babasahin ito eh wala namang pictures!”). and then slowly you like it..and then finally, you like it so much that you’re hooked.
twenty years later you ask yourself why the FU@#*^&!@$#@$NG hell did you spend $350 on books on a single shopping binge… and so, you blame “the little price” and “animal farm” and “the lord of the flies” and all the other books that were forced fed to you a long long time ago.
