my secret garden

my mom’s grotto has withstood storms, earthquakes, floods and godless vagabonds like me for over 45 years.

mangga sa talipapa

my mom’s mango tree.

hitik na hitik sa bunga pag summer. hilaw pa lamang eh pwede nang isawsaw sa bagoong. pag nahinog eh sobra ang tamis.

kasabay kong lumaki ang punong ito. para ko siyang bunsong kapatid.

perya

gusto kong sumakay ng tsubibo, gusto kong tumaya sa beto-beto, gusto kong mag bingo habang may nagsasayaw na baklang bastos. gusto kong makita si aniway na kumakain ng buhay na manok.

gusto kong maging 1977 ulit, nasa gitna ng perya sa barrio talipapa.

Oh, the streets of Rome are filled with rubble

work from home ako ngayon dahil may repairs na kailangang gawin sa bahay. apparently, may leak yung hot water line at tumutulo ang mainit na tubig sa ilalim ng sahig. ewan ko kung saan nagpupunta ang tubig – ang alam ko lang ay parang mini sauna yung pakiramdam ng dining room namin ngayon dahil mainit yung sahig.

naalala ko tuloy yung kwento ng mga kaibigan kong intsik: kaya raw masarap ang peking duck sa beijing ay dahil heated daw yung flooring ng kulungan ng mga pato. napipilitan tuloy gumalaw ng gumalaw ang mga ito dahil nga napapaso ang mga paa nila sa sobrang init ng sahig. ang resulta nito ay pecking duck na malasa dahil puro laman at walang taba kasi nga eh araw-araw ay mayroon silang exercise.

but i digress. nung makita ko kung magkano ang charge sa akin, bigla ko na namang binalak na maging tubero.

Sweet burn of sun and summer wind

ngayong umaga ay typical sa mga araw ng summer na hinihinling mo sa diyos ng mga bumbay na sana ay ma experience mo araw-araw. medyo malamig na simoy ng hangin galing sa pacific ocean, kaunting init pero hindi humid. ang sarap tuloy maglakad. mayroong mga maliliit na park in and around where we live na konektado ng mga running trail at ang typical sabado ko ay lakarin ito ng dalawang oras pagkatapos naming mag breakfast ni jet. sanity check ko na ito at pampababa ng blood sugar. exercise kasi ang isa sa pinaka importante para sa aming mga diabetic.

Continue reading

Just to let my soul free

OC REGISTER. For the fourth straight year, Irvine has retained its position as the safest big city in the country, local leaders announced today, with less violent crime per capita than any other American community with more than 100,000 residents.

how does it feel to live in the safest city in america? it feels great. walang papasok na magnanakaw kahit iwanan mong nakabukas ang pintuan sa gabi. kahit maglakad sa kalye ng madaling araw ay ok lang, basta huwag lang maglakad ng nakahubo.

ang nakakabwisit lang ay ang mataas na cost of living. nagpa gas nga ako kahapon, inabot na ng $4.50 ang isang gallon. bwakanginangyan. kaya kanina, kahit late na ako gumising ay nagbisikleta pa rin ako papasok sa opisina.

Where my thought’s escaping

sabi ni kuya bong, mayroon daw buyer na interesadong bumili sa bahay namin sa antipolo. binigyan ko ng price na medyo on the high side in the hope na hindi kakagatin. kinagat pa rin. from the looks of it, mukhang maipagbibili na ito. matagal na akong nagdadalawang isip kung ibibenta nga siya dahil ito ang una naming bahay ni jet. pero parang dumating na yung oras para talagang bitawan na siya.

heto na naman ako, unti-unti na namang nakakaramdam na nawawala ang kapit ng pilipinas. isa-isa na kasing inaalis yung mga bagay na nagdudugtong sa akin sa kanya. it’s as if mayroong deconstruction na nangyayari. we build new lives here in california habang nagiging ala-ala na lang ang naiwang tahanan. yeah baby, turn, turn, turn.

Where my music’s playing

hindi halatang 83 na ang mommy ko ano? maganda pa rin siya tulad ng kayang apo sa tuhod na si TJ. pinapatay kasi ang mga pangit sa lahi namin. at least yan parati ang dialog ng daddy ko nung araw pag may nagsasabing ang kukyut daw ng mga anak niya.

matalinong bata yang si TJ. talented din tulad ng mommy niyang singer at mga tito niyang rocker. baby pa lang, kumakanta na sa kung saan-saan. in fact, heto siya at 3 years old, singing bayang magiliw habang naglalaro ng salbabida. mahirap gawin yon!

nung umuwi ako sa pilipinas last month, sinama ko sila sa bahay namin sa antipolo para naman makapasyal ang mag lola. nag enjoy naman sila kahit papano. ako? makita ko lang mommy ko ay masaya na rin ako. yung lang naman ang dahilan kung bakit ako umuwi.

But oh, that magic feeling, nowhere to go

lumipat kami ng bahay three weeks ago, sakay ang lahat ng aming gamit sa isang 50 foot long container van. a far cry from when i started. nung umalis ako ng pilipinas papuntang singapore nung 2001, dalawang maleta lang ang dala ko. nung lumipat kami from west coast to pasir ris a year later, isang maliit na lorry (as in “yellow lorry slow, nowhere to go“) ang gamit namin. nung umalis kami ng singapore papunta rito sa california after four years, labintatlong bag at labintatlong kahon. habang patagal ng patagal, pabigat ng pabigat ang dala, parami ng parami ang kargada.

ganyan ata talaga, habang tumatanda ka ay dumarami ang excess baggage ng iyong bahay at ng iyong buhay.

THE NOISE NAZI

may kapitbahay kami rito sa bagong bahay na kumakatok sa amin everytime na may naririnig siyang kakaibang ingay. nung bagong lipat kami, nag complain na kumkalabog daw sa itaas. sabi ko, what do you expect, naglilipat nga kami. one time naman nung may kausap ako sa labas, sinabihan ako na huwag daw kaming maingay at hindi raw siya mapalagay. nung isang beses, nakabukas ang pinto sa likod at narinig niya si springsteen na kumakanta sa CD player, malakas daw masyado ang bass. sabi ko – hey lola, you can’t play born to run with the bass down but i’ll lower the volume just for you.

kung si seinfeld ay may soup nazi, kami naman ay may noise nazi.

welcome to condo living in southern california. dikit dikit ang mga bahay ninyo kaya malas mo na lang kung ang may-ari ng katabi mong unit ay mayroong nana sa tenga.