parang ang sarap tuloy maglaro ng golf araw-araw. bago ang cart ko eh. 4 wheel drive pa.
Category Archives: HINDI LANG PAMPAMILYA
do they give discounts to atheists?
why do they ask about religious beliefs when you’re going through physical therapy? do they give discounts to atheists?

sopbol
sumali ako sa softball team ng opis ngayong gabi. dalawang hits, dalawang outs, one walk at isang medyo nakakahiyang pagdapa sa home plate. first time kong maglaro nito, ever. matutuwa ang daddy ko, pag nabalitaan niya ito.
new year’s resolution
pag pasok ko sa shower room kanina, napansin ko na sobrang dami ng bath towels. probably twice as many as normal. bigla kong naalala na january pala ngayon – new year’s resolution ng karamihan ng mga narito sa opisina ang mag lose ng weight at standing room only na naman sa gym tuwing lunch time. pero ok lang. by february, wala nang lahat ang mga kupal na yan.
TNT – takbo ng takbo
2 hours 36 minutes – hindi na masama para sa jet lagged pansit eating diabetic mother fucker. kinakainis ko lang, parating binabaligtad nga mga taga rito ang first at last name ko.
gardenget.
4 seasons
tumakbo ako ng 8 miles habang may kargang 20 pounds na backpack kaninang umaga. ang galing nga, nagsimula ako ng may hamog, tapos naging mahangin at malamig, tapos naging malamig pero maaraw, tapos naging maaraw at mainit. pakiwari ko nga, nag winter, spring, summer and fall ako, all in one morning.
napansin ko rin: pagtapos ng 8 miles na pagtakbo, yung 20 pounds na packpack parang 100 pounds na ang timbang niya. mahirap palang maging kampanerang kuba.
reading audio books
unang pag bike ko ngayong linggo dahil maraming bisita sa opisina. tanghali na akong lumabas kaya prinito na naman betlog ko. re-reading puzo’s the last don on my iPod while on the way. pag audio book ba, reading pa rin tawag dito?
big tummy be damned
tumakbo ako ng 8 miles paakyat sa opisina. medyo mainit kaya pinag-isipan ko kung magiging demure at patuloy na isuot ang t-shirt o ipapasantabi ang kahihiyan at tatakbo ng topless. in the end, pinili ko yung kung ano ang magiging komportable para sa akin, big tummy be damned.
pagsubok ng kalakasan
nag triathlon ako ngayong sabado. tumakbo ako ng 8 miles paakyat ng opisina at nag bike pabalik sa bahay. in between, natulog ako sa gym ng 30 minutes. bukod kasi sa pagbike at pagtakbo, parang olympic sport sa akin ang pagtulog.
Las Vegas Rock and Roll Marathon
ang oras ko sa las vegas rock and roll half marathon ay 2:27:22 – ang sarap talagang tumawid sa finish line pagkatapos mong tumakbo ng mahigit dalawang oras. para kang nag orgasm ng labintatlong beses.
Past the arms of the familiar
nabanggit ko na ba na tatakbo ako sa mud run itong darating na october sa camp pendleton? taon-taon ay may karera sa putikan sa loob ng malaking marine base papuntang san diego. sobra na nga ang popularity nito na mayroon nang 4 na race na ginagawa all through the year and even then, parati itong sold out.
simple lang naman: tatakbo ka sa putikan ng 10 kilometro pero all throughout, mayroon kang dadaanang mga pampagana – “hills, tire obstacles, river crossings, two 5-foot walls with mud on both sides, tunnel crawl, slippery hill climb, and the final 30-foot mud pit”.
the years gone by like so many summer fields
tumakbo ako ng 8 miles (roughly 12.8 KM) papasok sa trabaho ngayon. ewan ko ba kung bakit patuloy kong pinarurusahan ang katawan ko. masarap naman kasi kahit masakit. mayroong exhilaration pag nakatapos ka ng mahabang takbo. runner’s high, they call it. pareho ito sa feeling ng well being na nararamdaman mo pagkatapos mong mag orgasm. and oh baby, you can’t fake a runner’s orgasm.
this month, nag celebrate ako ng 2nd year ko bilang isang runner. it’s been a great road trip so far. i’ve lost 40 pounds and gained back my health. not bad, considering na ang kapalit lang nito ay bagong running shoes every 3 months at kutis betlog na balat dahil sa sobrang pagkabilad ko sa araw.
Medalyang Surfboard
ok ang takbo ko kanina sa huntington beach. 2 hours 11 minutes and 4 seconds: a new personal best for the Surf City Half Marathon. hindi na masama para sa isang middle aged diabetic pero kyut na pinoy na tumakbo ng 13.1 miles.
Bib: 6553
Gender: M, Age: 43
Hometown: Irvine, CA
Total time: 2:11:04
Pace: 10 min/mile
Overall: 4596 out of 10743
M 40-44: 372 out of 585
Ilaw mo’y kay dami
simula ng pumasok ang late autumn, maaga nang dumilim dito sa california. alas singko pa lang ng hapon ay gabing gabi na kaya medyo nag iingat ako sa pag-uwi. naka bisikleta lang kasi ako at medyo mahaba ang byahe. mga 8 miles ito at mayroong stretches na downhill at pitch black kaya kailangan visible ka sa mga kotse. mas mabilis kasing magmaneho yung mga kupal dito sa gabi, siguro dahil gusto nilang makaluto at makakain ng mas maaga.
kaya nga nag decide ako na dagdagan ang mga burloloy ng bisikleta ko. last week, bumili ako ng isang katutak na ilaw. mayroon na ngayong mga limang flashing lights sa harap at likod ko. ang gara ko ngang tingnan sa kalye. kulang na lang, lagyan ng star ang ulo ko para mapagkamalan akong christmas tree.
A bushy bushy blonde hairdo
itong darating na thanksgiving sa thursday, imbis na kumain ng turkey ay tatakbo ako ng 10K sa dana point. excited na nga ako kasi yung course ay nasa beach na nakaharap sa pacific ocean. maraming makikita roon: mga seagull, pelican, seals, occasional whale, dolphins, surfers at mga sexy californian na naka bikini.
kung narito kayo sa southern california, daan kayo roon ng 7:00 ng umaga. pag mag nakita kayong asian looking, kutis betlog na lalaki, mga 5’10 ang height, medyo pogi na naka spiderman na t-shirt. pasahan ninyo siya ng tubig at bigyan ng palakpak dahil ako yon.




