flu shit

Flushit-002

flu shot. di naman nila alam na ako si batjay pero si joker ang band aid na pinangtakip sa injection ko.

are you pregnant now or in the near future, ang tanong sa flu shot questionnaire. maybe, ang sagot ko. tawanan sa clinic.

mga pamangkin ni donald duck

ayon sa balita kahapon, ang lewy dementia raw ang ikatlong pinaka sikat na type ng dementia, at yung mga may sleep disorder daw ang may malaking chance na magkaroon nito. sabi rin sa report, ang pinakasikat daw na dementia ay ang huey dementia at sinusundan ito ng dewey dementia.

sintunado

alam mo nang panahon na mag gupit ng kuko kapag nag type ka sa keyboard at iba na ang tunog ng pagtama ng daliri sa mga keys.

ano ang tunog, unkyel batjay?

sintunado.

2nd opinion

sabi ng doktor ko sa mata, kailangan ko raw palitan yung lenses ng salamin ko kasi lumabo raw ng kaunti ang mata ko over the span of a year. sabi ko how much will it cost?

“250 dollars”, ang sagot ng doktor ko.

“i want a second opinion” ang sabi ko.

“you have bad breath” and balik niya.

eye for an eye

eye exam ko ngayon kaya nag tooth brush ako ng husto, nag ahit at nagtanggal ng buhok sa ilong. kulang na lang nga, magbunot ako ng buhok sa kilay.

nahihiya kasi ako sa doctor ko kasi nakatututok siya sa mukha ko habang tinitingan ang aking beautiful eyes. hindi nga ako humihinga kasi baka sabihin niya, malabo na nga mata ko, bad breath pa ako.

die! die! die!

dear mommy,

pwede ko ba ipagdasal kay lord na mamatay na lang sana sa lung cancer yung kapitbahay kong naninigarilyo? pumapasok kasi sa bahay namin yung usok pag nagyoyosi siya sa patio. iniwan kong bukas yung sliding door hababng naliligo ako kasi madyo mainit. pag labas ko sa banyo, amoy usok na yung buong bahay.

kung hindi ka pa siguro nagbalik-loob kay lord, malamang sasabihin mo sa kanya ay “puntang inang yan, kaputa putahan siya ng ina niya”. sa tutuo lang, yan ang sentimyento ko ngayon.

ingat na lang diyan sa maynila. love you,

jay

bawal dumighay sa eye exam

sa kalagitnaan ng eye exam at pinatay na ng doktor ko yung ilaw at pinababasa niya sa akin yung mga maliliit na letra sa pader habang pinagmammasdan niya yung mata ko an inch away from my face: minsan piipilit ko na lang hindi huminga kasi baka ako madighay at malaman niyang kumain ako kagabi ng mexican food.

pagtapos ng lahat, tinanong ko sa eye doctor kanina kung ano ang tawag doon sa paglabo ng mata dahil sa sobrang dami ng muta. sabi niya “astigmakupal” daw. natawa ako.

Mang Kulas

natalsikan ng kumukulong mantika ang paa ko nung sabado. nagluluto kasi ko nung bago kong natutunang daing na bangus eh tanginang mantika yan, bigla na lang tumalsik ang nag landing sa paa ko. lapnos ang balat at masakit hanggang ngayon.

yan ang hirap sa mayroong diabetes. pag nagkaroon ka ng sugat, napakahirap pagalingin. pag nagkaroon ka ng sugat sa paa, tapos nang kumanta yung fat lady, hindi pa rin ito gumagaling. naka tsinelas nga ako ngayon sa opisina para nahanginan. ok nga eh. pag may nangulit sa akin ngayon, tsi-tsinelasin ko sa pwet.

Para hindi magkaroon ng Swine Flu

may kumakalat daw ngayon na swine flu galing ng mexico kaya inilabas ko na naman yung protective face mask na ginamit ko nung may SARS sa singapore nung 2003.

sabi kasi sa opis namin sa singapore nung araw, mag suot daw kami ng mask para hindi mahawa kaya gumawa ako. effective naman ito dahil hindi ako nagka SARS. ang masama lang eh kung may ilang beses din akong napagkamalang si zorro sa loob ng train.