David Domagas, Notre Dame of Manila Batch 83

kaklase ko si david domagas simula pa nung kindergarten. sabay kaming lumaki at nagkaisip – marami kaming mga masasayang ala-ala dahil tunay siyang masayahin na tao.

davedomagas

di kami nagkita ng matagal pagtapos ng high school. sa katunayan, dito na kami ulit nagkita sa amerika at nung nagkita kami, mayroon na kaming mga kanya-kanyang hanapbuhay. isa siya sa mga sumalubong sa amin nung kami’y bagong dating. inasikaso niya kami ng husto, tinulungan na makapagsimula sa california. pero pagtapos ng mga unang pagkikita nung 2005, bigla na lang siyang nawala. na miss ko nga siya at parating tinatanong sa mga iba naming kamag-aral.

nung isang linggo, bigla na lang siyang nagparamdam. kinamusta niya ako at nag-ayang makipagkita ulit. natuwa nga ako dahil matagal ko nga siyang gustong makausap.

nabalitaan ko kaninang umaga na pumanaw na ang aking kamag-aral na si david domagas. nalungkot ako ng husto. nanghihinayang na hindi ko pinursige na makita siya man lang. sayang. sayang. tangina, sayang talaga.

Air BatJay

last working day of the year kaya napatalon ako sa saya. despedida rin ni ceci, kaopisina ko at kaibigan na siyang tumulong sa amin ni jet nung lumipat kami rito sa california. bittersweet pag may aalis na kaibigan sa opisina. happy ka dahil may asenso sa career nila pero malungkot dahil di mo na sila makakatrabaho.

Continue reading

The Kare-Kare Chronicles, Part 4

actually, naka dalawang luto si eder ng kare-kare nung one week na dalaw nila ni leah sa amerika. una, rito sa california at ikalawa sa las vegas nung dinalaw namin ang kaibigan nilang si pareng egay. twice in one week – record ata ito sa akin para sa pagkain ng ox tail.

wala naman akong magawa kasi hindi ako nakakatanggi pag may nakaharap sa aking kare-kare at bagoong, kanin at malamig na sopdrink (preferably diet pepsi with lime) na may yelo. tao lang naman ako na may puso, damdamin at tiyan ng isang pinoy na sabik para sa pagkaing nakalakihan niya sa perlas ng silanganan.

The Kare-Kare Chronicles, Part 2

para makaluto ng kare-kare si eder, sinadya namin ang mga asian store dito sa irvine. hindi naman kasi typical ang mga rekado nito. buti na lang mayroon nang ready made na kare-kare mix na nabibili ngayon dito. pero nilalagyan pa rin niya ng peanut butter dahil kulang daw ang dating kung mix lang ang ilalagay. bumili rin kami ng pechay, barrio fiesta na bagoong at ox tail.

iba na ngayon sa amerika. mayroon nang tinitinda na mga animal parts na dati-rati ay hindi pinapansin ng mga amerikano. dahil sa paglaki ng asian population dito, natututo na rin silang kumain ng ulo ng isda, utak ng baboy at in the case of the kare-kare, buntot ng baka.

The Kare-Kare Chronicles

nung nagpunta sina eder at leah rito last week, ang isa sa mga wish ni jet ay magluto si eder ng kare-kare. wala kasi sa aming dalawa ang marunong magluto nito. ayaw naman naming matuto dahil baka magluto kami nito parati at magka highblood ng tuluyan.

masarap magluto si eder. typical na makikita sa pinoy na gumagalaw sa isang environment na kailangang marunong kang magluto para makakain. kadalasan nakikita ko ito sa mga OFW at mga taong nasa construction industry or in the case of eder, both.

suwerte rin si leah dahil mayroong nagluluto para sa kanya ng pagkaing pinoy. napaka importante nito, lalong lalo na sa mga tulad nating mga wala sa bayang magiliw na pilit inaabot ang pilipinas kahit sa panlasa man lang.

Grand Canyon

sa isang undisclosed location sa isang sulok ng southern california.

batjay: i’m going to arizona with my wife and a couple of old friends from singapore

kaopisina: where in arizona?

batjay: the grand canyon

kaopisina: why are you going there? there’s nothing to see but a big fucking hole in the ground.

we went anyway. maraming maraming salamat sa dalaw ninyo, eder at leah. bigla tuloy naming naalala kung ano ang pinaka na miss namin sa singapore: bukod sa fish head curry ay ang inyong friendship.

Keys that jingle in your pocket

nung una kaming nagkita-kita ay mga 6 year old kindergarten students kami sa notre dame nung 1971. si marcos pa ang presidente at wala pang martial law. magkabarkada at sanggang dikit hanggang mag graduate sa high school nung 1983.

Continue reading

Memento

lamang lang si junnie sa akin ng dalawang paligo pero pareho kaming guwapo. pitong na taon na kaming magkakilala pero ngayon lang kami nagkita. yan ang magic ng pagkakaibigan sa pamamagitan ng internet. hindi mo na kailangan ngayon mag brush ng teeth para may makilala online at patuloy ka nilang kakaibiganin kahit hindi ka pa naligo.

Continue reading

When the change is due to come

marami akong kinalikot dito lately. nagpalit ako ng domain name, nagtransfer ng blogging software, nagiba ng “look and feel”, naglipat ng patong-patong na katarantaduhan sa kung saan-saan. ang dami ko ngang nakita na mga lumang litratong nakatago sa mga sulok-sulok ng aking sinaunang website. yung iba nakakalungkot, yung iba nakakatawa, at yung iba naman ay nakakataba ng puso.

Continue reading