Angela, the 88 year old Angry Bird Pig

happy 88th birthday, mommy.

thank you very much for giving me baon when i was younger (so much younger than today). naalala ko tuloy nung bata ako ay tinanong ko ang mommy ko kung saan galing ang mga baby. sabi niya sa loob ng tiyan daw.

sabi ko naman – “pati ako?”.

oo, pati raw ako ay sa loob ng tiyan galing.

“eh saan ako lumabas” ang follow up question ko.

sa pwet raw niya. hehehe.

i love you so much, mom. i wish i was there celebrating with you.
jay

Auntie Nana

si auntie nana ay nakakatandang kapatid ng mommy ko. idol ko siya kasi ang buong buhay niya ay inilaan niya sa pamilya. hindi siya nakapag-asawa at wala siyang anak pero ilang henerasyon ng angkan namin ang inalaagan niya’t inaruga. hindi siya nagtataas ng boses, parating nakangiti. parating iniisip ang ibang tao, bago siya.

nung lumalaki ako, siya ang takbuhan ko pag kailangan ko ng pera. di siya nagdadalawang isip, kahit gipit siya. pag kulang ako sa pansin, siya parating umaamo sa akin. nung nasa college ako, pupunta lang ako sa bahay niya sa pasay from mapua para makitulog at makikain. pag uwi ko, may iaabot pa siya sa akin na pamasahe. mahal na mahal ko ang auntie ko.

simula ng pinanganak ako hanggang ngayon, malaking bagay siya sa buhay ko. siya ang insirasyon ko kung paano mamuhay ng simple. mahirap itong gawin pero ginawa niya itong career. ang buong buhay niya ay puno ng kabaitan, kagandahang-loob at walang pag-iimbot.  isa siyang tunay na mandirigma ng kabutihan and was a class by herself.

huli kaming nagkita nung umuwi ako last september. tuwang-tuwa siya pag nakikta ako kasi parati ko siyang pinapatawa. medyo nahirapan na nga akong pasayahin siya kasi medyo bingi na

pumanaw si auntie kanina. she was 91.

 

rain

nung dumalaw ang mommy ko dito sa california para magbakasyon, tamang tama na may bagyo, kaya siyempre pinagyabang ko na may bagyo sa california.

“bagyo?” ang sabi niya na medyo sarcastic ang dating, “parang ihi lang ng sanggol yang ambon na yang tinatawag ninyong bagyo.”

the 3 years of christmas

nung five yrs old ako, tinanong ko sa mommy ko kung bakit made in the philippines ang candy na bigay ni santa samantalang sa north pole naman siya nakatira. baka out of stock daw ang candy sa alaska, ang sabi niya.

nung six years old naman ako, tinanong ko sa daddy ko kung kaano ano ba ni jesus si santa claus. tanginang tanong yan, ang sabi niya.

nung seven years old ako, tinanong ko sa pamilya habang kumakain ng noche buena, kung saan dumadaan si santa eh wala namang chimney ang bahay namin sa pinas, impak nabanggit ko, wala namang chimney ang mga bahay sa barrio talipapa. “sa poso negro” ang sabi ng kuya ko.

You say you’ve seen seven wonders

pagbigyan na ninyo ako kung magyayabang ako ng kaunti, si paula yung naririnig ninyong magaling kumanta diyan sa video. she’s my niece and she’s really good. yung still picture na nasa video? hindi si paula yon. that’s corinne bailey rae, yung singer na kumanta ng like a star na ginawan ni paula ng cover.

maraming magaling kumanta sa angkan ni david. bawal kasi ang sintunado sa lahi namin. according to family lore, pagkalabas pa lang daw ng baby at nakita ng hilot o doctor na medyo wala sa hulog ang iyak, ibinabalik daw sa pekpek.

and these romantic dreams in my head

huli kaming nagkita, mga 1994 pa siguro. 15 years ago. tangina, ang bilis ng panahon ano? eto ang pamangkin kong si duane. panganay na anak ni howlin’ dave. named by his dad after the late great allman brothers guitarist, of course. pag pinagmamasdam ko siya, napapansin ko na marami kami in common, from body tics, skin tone to musical talent. hindi maipapagkaila na miyembro siya ng angkan ni david. dito pa kami magkikita sa california. cool, huh?

Do not go gentle into that good night

bumalik na si mommy sa pilipinas kaninang tanghali. ang laki sigurong adjustment para sa kanya. una, yung panahon. winter dito ngayon kaya malamig. pag dating niya sa pilipinas, height ng “summer” at super duper humidy ang dadatnan niya. iniisip ko pa lang, pinag papawisan na ako. hindi naman kasi ako hot and humid kind of person. parati ko ngang sinasabi na pinanganak ako sa maling parte ng mundo. probably eskimo ako in a former life. oo, as in es-es-ki-ki-mo.

pero siguro ma e-enjoy naman ng mommy yung change ng klima. nahirapan din kasi siya dito sa lamig. mayroon ngang mga okasyon na ayaw niyang lumabas ng bahay at ang gusto niya lang gawin ay panoorin si oprah. niloloko ko nga siya – “ano ba naman kayo, mommy: pumunta kayo ng amerika para lang manood ng TV”.

sana makabalik siya agad dito.

The Adobo King

narito kami ng mommy ko sa bahay ng ate kong si ester sa sarasota, florida, para sa isang mini reunion. well actually, a big reunion. 1987 pa kasi nung huli silang magkita. nagpunta kasi sa amerika ang ate ko pagtapos niyang kinasal at hindi pa siya nakakabalik sa pilipinas since then. mayroon kasi siyang fear of flying. matinding phobia, in fact. nabigyan ng visa ang mommy ko last year kaya siya na mismo ang dumalaw sa ate ko. masaya silang dalawa.

Continue reading

Christmas in Milpitas


mahigit atang 15 years na hindi nagkita ang mommy ko at ang kanyang bunsong kapatid. si tiong anas – anastacio, sa mga kaibigan niya. pag sa biglang tingin, akala mo si sean connery. major chick boy pero retired na raw siya ngayon. matulis pa rin. si maricel yung nasa gitna, anak niya at pinsan ko. mom is on the left – 85 years old na pero may asim pa rin.