like a clock whose hands are sweeping

Untitled

ang buhay ay parang chubibo, sabi ni mang boy. kung minsan, nasa itaas ka, kung minsan naman ay nasa ibaba. walang patid ang pag-ikot hanggang sa matapos ang sakay at masulit yung ibinayad mo sa takilya. mas maganda kung ikaw yung may hawak ng kambyo ng makinang nagpapa-ikot sa chubibo, ang dag-dag pa ni mang boy. ikaw ang may kapangyarihan kung sino ang nasa ibaba at kung sino ang nasa itaas, ikaw rin ang mamamahala kung anong bilis ang takbo ng gulong.

World War Two Memories

dear mang boy,
 
nakakita ako ng maraming mga bandila sa harap ng mga opisina at kabahayan ngayong umaga. di ko alam nung una kung bakit nang maalala kong bigla ang petsa – ika pito ng disyembre. pearl harbor commemoration.
 
bilang pag-gunita sa araw na ito, lumabas ako kanina sa bahay at sumigaw ng pagkalakas-lakas: “mga kababayan, magsilikas kayo – nariyan na ang mga hapon!”
 
nagmamahal,
unkyel batjay
 

Dilaw na Magaling Sumisid

dear mang boy,

di ko maalala kung ano ang pinakauna kong kanta ng beatles na narinig kasi walang patid ang pagpapatugtog ng pamilya namin sa musika nila simula nung ako’y musmos pa lamang.

19900570129_03bcb23465_o

ang naalala ko ay ang pinakauna kong paboritong kanta ng beatles at siyempre galing ito kay ringo, opolpeepol

20079315742_3775a51206_o

19466232103_4903b0c739_o

“so we sailed into the sun, till we found the see of green” – the Beatles

20079292342_9dd7c977b1_o

nagmamahal,
unkyel batjay

mahal ng diyos ang lamok at surot

dear mang boy,

aaminin ko na nagpalit na ako ng paniniwala simula nung di masagot ni pastor ben ang tanong ko tungkol sa lumang tipan. tinanong ko kasi kung bakit sa dinami-dami ng mga hayup na pwedeng isakay sa arko ni noah, bakit pinayagan ng diyos na isali ang mga lamok at surot.

nagmamahal,
unkyel batjay