Diyabetis Diaries

at Barnes & Noble, nursing a bad case of hypoglycemia, cursing the barista under my breath because she’s taking her sweet time explaining the wonders of steamed vanilla to the customer in front of me. i need my sugar fix gardenget, I whisper with silent rage, or i swear to god, i’ll pray to baby jesus to turn you into a pillar of salt.

ginisang monggo

“what’s that you’re eating?” ang tanong ng kaopisina ko, habang tinitingnan ang baon kong ginisang monggo.

“it’s called monggo”, ang sabi ko naman.

“like the pencil?” ang tanong niya.

“gago”, ang sagot ko.

kangaroo meat

ang isang lugar na napuntahan ko na masarap ang pagkain ay australia. gustong-gusto ko ang seafood at barbecue roon, lalo na sa sydney. ang di ko lang talaga ma-enjoy ay ang kangaroo meat dahil medyo mapanghi sa panlasa ko. speaking of panghi, sabi naman ng kuya tom ko, ang pinaka paborito raw niyang natikman sa australia ay duck billed platipussy.

“that’s the main reason”, kuya tom said, “why i went down under.”

sa mga halaman at mga bulaklak

naalimpungatan ako nang magising ngayong umaga dahil sa lakas ng ulan. nung una, akala ko eh nasa bayang magiliw ako kaya muntik na akong napasigaw ng “anna, magluto ka nga ng longganiza at itlog”

hindi nagtagal ng ako’y balikan ng malay. nasa southern california lang pala ako at kailangan nang bumangon dahil mayroon akong katipang mga bumbay na naghihintay sa conference call.

Isang Banig na Ticket sa Pelikula

Fun at Work: isang banig na ticket dahil subsidized ang panonood ng sine sa opis namin.

mang gagawa

tinatanong ng mga kasama ko rito sa opisina kung bakit walang taga asia-pacific na sumali sa conference call namin ngayong alas singko ng hapon. sabi ko, labor day ngayon sa labas ng amerika, mga hunghang.

ano raw yung hunghang? sabi ko, intsik na may malaking titi.

They aren’t talking about a Brazilian eat all you can deal, right?

akala ko may special offer na churrascaria dito eh huli na nang makita ko na hindi pala ito brazilian barbecue.

oo nga pala, tinanong ko sa may-ari kung pwedeng magpa brazilian ng buhok sa betlog. tiningnan ako ng masama.

Unidentified Flying Catsup Soysauce

himala, may toyong pinoy na sa grocery dito sa irvine. tanda lang na kahit pakonti-konti eh pumapasok na sa local na kultura ang kapinoyan.

hinihintay ko na lang ang panahon kung saan magbebenta na sila ng balut. mga bwakanginang amerikano kasi eh ito na lang parati ang tinatanong sa akin, i.e., kung kumakain daw ako ng balut.

middle age conundrum 101

sabay sa paglipas ng panahon ang malimit na panonood sa dahan-dahang pagputi ng aking buhok. kung ano-ano nang mga senaryo ang pumapasok sa isip ko. magpapatina ba ako para maitim pa rin siya? pababayaan na lang ba siyang pumuti? o tuluyan na lang kayang magpakalbo? kung magpakalbo ako, aahitin ko rin ba ang kilay ko?

yan ang mga walang kwentang problemang pilit nilulutas ng mga tulad kong malapit nang mag sinkwenta anyos.

Ta-dah! Paksiw na Tiyan ng Bangus

ang isang magandang nangyari sa akin, simula nang ako’y mapadpad dito sa estados unidos eh natuto akong magluto. nung nasa pilipinas pa kasi ako eh, ako yung tipikal na spoiled bunsong anak na lalaki – taga kain na lang parati.

pero iba na ngayon. nagbago ang pagtingin ko sa buhay, simula nang matuto akong magluto ng adobo, sinigang, bistek tagalog, ginisang munggo at binagoongan.

kahapon, sinubukan kong magluto ng paksiw na tiyan ng bangus. panalo.

libro sa waiting room ng mga hospital

ang mga libro sa waiting room ng mga hospital ang pinakamalungkot na libro sa buong mundo. itinapon sila rito dahil wala nang may gusto sa kanila, ipinimimigay ng libre pero wala namang may gustong pumulot.