CATCH-22

BATJAY: gusto ko pong magbukas ng dollar savings account, miss.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: no problem sir. kailangan po ninyong ibigay sa amin ang mga sumusunod…2 ID cards at 1×1 photo. minimun deposit po natin ay US$100.

BATJAY: naku tamang tama. OFW po ako at mayroon akong singapore dollars dito.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: sir di kami tumatanggap ng singapore dollars para sa dollar account.

BATJAY: eh di palitan nyo na lang from singapore to US dollars.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: hindi po kami nagpapalit ng singapore to US dollars.

BATJAY: o di bibili na lang ako ng US dollars.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: hindi po kami nagbebenta ng US$ kung wala kayong savings account sa amin.

BATJAY: paano ako magkakaroon ng savings account kung hindi naman ninyo ako binibigyan ng pagkakataon na makapagbukas ng account sa inyo. nabasa mo na ba ang Catch-22?

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: sorry sir, bank policy ito.

BATJAY: ARGH!

22 thoughts on “CATCH-22

  1. Let me get this straight. You were presenting 100 Singapore dollars, right? Mali ang sagot na teller. US$1 is worth Php56.14 while S$1 is only about 34.20 or something. Dapat ang sagot sayo ng bank teller, “Sir, kulang po ang pera nyo sa minimum requirement na US$100.” πŸ™‚

  2. nalito na lang siguro tito rolly.

    bakit ba ganyan kahirap ang magbukas ng account sa pilipinas. walang warmth ang staff. wala man lang accomodation sa mga requests. magpapasok ako ng pera para sa operation ng kapatid ko. na frustrate tuloy ako, ayaw nila akong tulungan.

    tanginangmgayan.

  3. Happy Birthday Batjay!

    Mababa masyado exchange rate ng bangko wag ka na lang dun magpapalit.

    Relate ako sa iyo, nung nagbukas ako ng account sa isang bank pinahirapan rin ako kahit na may previous account ako dun.

    Sinuot mo ba ang iyong Darna suit? Baka naman di ka nila namukhaan hehe

  4. $100 lang daw? Anong bangko yan? Bakit sa amin $500 ang minimum?

    Galing ng mga bangko ano? Di mo maiintindihan kung ano gustong palabasin sa mga policies nila.

    Pero di bale.

    HAPPY BIRTHDAY SA IYO!

  5. Naku Kuya Batjay, ganyang-ganyan ang experience ko nung last uwi ko para iayos ang aming account. Nakakapanibago dahil kung paano napaka efficient ng Singapore banking system, napaka backward naman ng sa Pinas. Sorry to lambast our own system pero totoo, nakakainit tuloy ng ulo magmaintain ng account sa atin. Haay.

    Sa Banco de Oro AnP, pwede ang 100USD. BPI, Metro and the rest, 500USD.

  6. para magpalit ng Singapore to USD kailangan sa Head Office ka magpa palit kasi usually sa branches USD or JPY lang (sa CTBK nga USD lang),may special request pa kasi sa head office pag ipapadala doon (head office lang ang meron access sa 3rd-nth currency) may bayad kasi bawat daan ng armored car (depende sa location ng branch)…tapos hindi rin pwede bumili ng dollar tapos i-deposit sa account kasi bawal yun sa AMLA…form yun ng speculation…kaya bumili ka ng USD sa ibang bangko tapos deposit mo sa kabilang bangko, or ibang araw mo na lang i-deposit ulit…meron pang karugtong yan, di mo yan pwede kunin in 7 days, otherwise may charges…oo nga pala, alalahanin mo din na kapag bumili ka ng dollar, siyasatin mong mabuti na walang punit at hindi madumi, kasi pwede yang tanggihan…at kung mag deposit ka ng series na 1996 meron ding ibang bankong hindi tumatanggap nun (ex.BDO) kasi yung 1996 na series ang pinaka maraming peke at yun yung series na binayad na ransom sa Abu Sayyaf…pero hindi nila dapat tanggihan kasi merong ruling ang BSP na dapat ito ay tanggapin…at para malaman kung totoo ang dolyar, sa kwelyo ni jefferson (siya nga ba?) meron naka sulat United States of America at ang naka sulat na numero dapat green and gray pag ginagalaw…

  7. mahigpit talaga kasi isang katerba ang mandurugas sa Pilipinas.di katulad sa mga off-shore banks meron insurance ang staff incase may fraud.sa domestic banks wala, so kung ano man ang mangyari sa trxn babayaran yun ng staff.may interest pa kamo!

  8. bosing,
    maligayang kaarawan, belated nga lang. kayo ba ni jet ay anjan sa atin? inggit naman ako. ikumusta nyo na lang ako sa ating mga fellow pinoy bloggers. kelan ang balik nyo sa singapore? o kaya pwede ko kayong tawagan sa pinas, text nyo lang sa kin yung numero.
    anong gimmik mo nung birthday mo?
    o siya sige, saka na ang kwentuhan bosing… happi happi uli!

  9. Happy Birthday lolo! Hahah, j/k. πŸ™‚ Love your blogs, love your humor. Stay young, healthy and pogi. And make sure someone captures your table-top dancing on film or camera.

  10. I had similar experiences with banks here. Hindi user-friendly. Sa USA I was able to open an account with minimal fuzz, even though I was only there temporarily.

    Dito masyadong estrikto. Akala mo naman, kung walang kalokohan ginagawa mga higher -ups nila. Hypocrites. This is the same banking system that authorized the creation of Jose Velarde accounts. It is the common tao that ends up suffering.

  11. anak ng batjay!!! birthday mo pala… i tried calling your cellphone but can’t get through…

    anyway, hope you had a great great birthday… kahit di ako nakabati on time…

    don’t worry… since wala nang malasway masyadong photos sa site mo, i can freely read your site na again…

    kaya eto… hataw reading backlog ko sa site mo…

    maligayang bati ulit!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *