have you seen the little piggies crawling in the dirt?

tumakbo ako ngayong umaga sa una kong mud run sa camp pendleton. ito yung world famous 10K race na sinasalihan ng mga sira ulong tulad ko na gustong maligo sa putikan. actually, burak yung nilagay ng mga marines sa course. ito yung putik na hindi naligo ng isang linggo. amoy imburnal nga ako pagtapos ng race. pero nag enjoy ako ng husto ang malamang tatakbo ulit ako rito next year. masarap kasing mag liwaliw sa putikan. ngayon, alam ko na kung ano ang pakiramdam ng kalabaw.

ang race time ko ay 1:18:55 – 64th place in the 40-44 age bracket, 566th place overall (4200 ang tumakbo kanina). hindi na masama para sa isang matandang ututeng diabetic, no?

6 thoughts on “have you seen the little piggies crawling in the dirt?

  1. Congrats Sir!
    Galing naman…kelan kaya sila dito sa pinas magpapauso ng ganyang race hehehhe
    Nakakasawa na rin ang usual fun run na meron dito- sana may ganyan naman para maiba 😀

  2. Nung kinse anyos ako nagpunta kami nang mga kaibigan ko sa bukid nung isa sa amin. Patanim at madaming tsibog. First time kong makatapak sa pilapil, ang hirap pala.

    Sa madaling salita e nagkaputik-putik kaming magkakaibigan at ngayon ko lang na-realize na erotic siguro itsura namin. Anim na tinedyer, nag-gu-gulong-gulong sa putikan, naghahabulan at nag-hahagikgikan… Syoke!

    Anyway, my point is — ang hirap tumakbo nang may putik huh!
    Ang galing mo bossing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *