GINULAT MO AKO

kikita ulit kami ng mylab ko bukas. susunduin nya ako sa naia at diretso kaming POEA para ayusin yung papeles ko. putonginamoy, kagagaling ko lang doon 2 weeks ago, balik na naman para pumila. sana may online na lang na processing ng OEC para di na kailangang magpakita pa doon. disadvantage para sa mga OFW ang magtrabaho sa sariling bayan. magtatrabaho ka na nga, sasadya ka pa doon. malaking abala. kunswelo ko lang eh pagtapos ng POEA eh may date kami. hehehe. sarap sarap.

kanina nga pala eh nagkasalubong kami ng tagalinis ng floor namin sa isang corner ng building. isang matabang malay na babae. muntik nang magkapalit ang mga mukha namin eh. sa sobrang bilis nang lakad ko at dahil muntik nang magsalpakan ang mga nguso namin eh nagulat siya. muntik na ngang mahimatay eh. may sinabi siyang malay na salita habang humihingal siyang lumakad na papaalis. di ko naintindihan eh… siguro equivalent niya ng “susmaryosep”. either that or “bwakanginamong pinoy ka, ginulat mo ko”.

sige na nga aaminin ko na: nagulat din ako. akala ko kasi eh iismakin nya ako sa labi eh – lips to lips na malagkit baga. alam nyo naman eh (ehem), conservative ako at virgin pa sa ilong. teka nga, makapagsalamin. baka nga nagkapalit ang mukha namin. hindi ako makikilala ni jet pag sundo sakin bukas.

2 thoughts on “GINULAT MO AKO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *