BUTSEKIK

BokChoy-02

bok choy with garlic na sinamahan ng tokwa na may sawsawang suka at toyo. simple lang itong lutuin at magaan sa tiyan dahil walang karne. bagay na bagay bilang hapunan, lalo na kung nagpapapayat, high blood o kaya ay para sa tulad kong pogi pero diabetic.

nakakatuwa kasi sikat na rin ang gulay na ito rito sa california. who would have thought na magkakaroon ng appeal sa mga amerikano ang isang gulay na bok choy ang pangalan. i bet in most cases, malamang ay hindi nila ito ma-pronounce ng tama.

una kong nakilala ang bok choy sa singapore. pag tinatanong ko sa suki kong hawker kung ano ang masarap na gulay appetizer, ang parati niyang sinasabi sa akin ay “treibokchoygudlah”.

matagal bago ko naintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin.

23 thoughts on “BUTSEKIK

  1. ayos….di ko natikman yang “bok choy” nung nasa SG pa ako..mukhang masarap dahil ba sa luto mo pre?…joke……anyways pag nagkita tayo patikim ng mga luto….

  2. yung hinanda ni jet o si anna ba? na tokwa’t baboy sa bahay nyo sa antipolo 2-3 yrs ago, naubos ko lahat ng tokwa. ang natira puro baboy. nilagay kasi sa harap ko yung bowl eh. ang sarap ng tokwa!

  3. chinese pechay, mari. si anna banana ang naghanda ng tokwa. nasa US si jet nung nagkita kita tayo sa antipolo. sarap ano? pag umoorder nga ako sa restaurant, tokwa’t tokwa imbis na tokwa’t baboy.

    hi rho. karamihan ng mga luto ko ay dinner meals na hinahanda ng taong kakagaling lang sa opisina na medyo pagod na at ayaw maghand ng mabusising pagkain.

  4. hi sir! hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero napakagaling nyo po kayo kumuha ng picture ng mga pagkain! It seems that whenever you post an entry with any food in it, para syang pagkaing nakikita sa mga cookbook at food magazines! Mukha talagang masarap ang mga pagkain, i think this is what they call food art in photography. They’re amazing pics!

  5. pareng eder. pag nagawi kayo rito, pagluto mo kami ng kare-kare mo. miss ko na ang mga luto mo sir. miss ko na rin ang mga pasyal natin. kailan ba kayo dadalaw?

    hi melay. maraming salamat sa papuri mo. magaling din akong kumain ng pagkain. sana, isang araw ay makagawa rin ako ng libro sa pilipino na tungkol sa pagkain. hindi cookbook but about food.

  6. last time na niluto ko yung ‘toge recipe’ mo kuya, ay sobrang nagustuhan ng itang ko. (na matamis din ang dugo)

    sana ma try ko din po ‘tong lutuin para sa kanya.

    piktyur pa lang, katakam takam na.

  7. Hello po! Kanina pa ko tawa ng tawa sa pagbabasa dito…nagbloghopping lang ang napadpad dito hehe. Umabot na ko dito sa page na to ng di nagcocomment pero ok po itong blog nyo =D Salamat sa pagpapatawa =) Alam ko di po kayo comedian pero nakakatawa talga hihi. Ciao!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.