BUKANG LIWAYWAY

CLICK TO ENLARGE. eto ang scenery pag alis ko sa bahay kaninang umaga. isang magandang sunrise lang na ganito, tanggal lahat ng inis mo sa mga nangyayari sa pilipinas maagang maaga akong umalis ng bahay kanina. ang ganda nga, pasikat pa lang ang araw at ang galing ng iba’t ibang kulay ng langit. saksak ko ang beatles na CD sa kotsa at lumarga na. dinala ko ang boss ko ngayon sa laguna. tapos diretso kami ng airport pagtapos ng meeting namin. buti na lang rocker din siya at nasasakyan niya ang music ko dahil ang sama ng traffic the whole day. i almost forgot how stressful it is to drive the streets of manila on a rainy friday. boy, what a reality check this day was.

nahuli pa ako ng pulis kaninang umaga. di ko naalala, color coding pala ang sasakyan ko. nag suggest ang pulis na sa kanya na lang daw ako magbayad ng multa at siya na raw ang bahalang magpunta sa MMDA office sa pasig para di na raw ako maabala. pwede palang proxy ang bayad. ang galing, napag isip isip ng aking gullible na beauty. eh di nagbayad ako, tapos may pinapirma sa akin. “asan na ho yung resibo ko?”, ang tanong ko. “ulul”, ang sagot ng mamang pulus. nagmura na lang ako ng pabulong pero pumayag na rin ako. ayoko kasing ma confiscate ang license ko dahil babalik ako ng singapore ng linggo. ayoko ring maabala dahil may lakad kami ng boss ko sa laguna, tapos ihahatid ko pa siya sa airport. that, ladies and gentlemen, is a classic example of a guy, trying to justify a bribe. gardemet. packingsheet. gago, gago, gago. ang gago ko talaga.

pero eto ang tanong: ipagpapalit ko ba ang ganda ng singapore na walang traffic, walang nanghihingi ng lagay, walang masyadong stress at mabuti ang pamumuhay para muling tumira as pilipinas na maraming problema, dalawa ang nagpapanggap na presidente, ma traffic at kailangang maglagay para makaligtas sa redtape? yes, i would. packingsheet, i would in a heartbeat.

pilosopo tasyo, asan na po yung delubyong pinagdarasal natin?

18 thoughts on “BUKANG LIWAYWAY

  1. Matagal na rin akong wala sa Pilipinas. Ganon pa rin, Wala pa ring ipinagbago ang iniwanan kong bayan natin. Waaah!!! bakit ganon, miss ko pa rin ang Pinas.

  2. Welcome home talaga, no? Pati pulis. Awa ng Diyos, di pa ko nahuli kahit wala akong patumanggang dumaan sa C5 kahit anong oras na color coding ako. Magkano nga ba binayad mo? La ba siyang personalized receipt man lang para disimulado naman. Sabihin mo di maniniwala misis mo kung saan napunta pera. hehehe

    Baka may time ka mamaya, noon ka ng Tuck and Patti. Nandon ako sa pinakamurang section 🙂 Galing maggitara non.

  3. Pingback: The Sassy Lawyer's Journal

  4. hello batjay!

    natimingan mo yatang di pa nag-aalmusal ang ating pulis, nakadelihensya tuloy sa yo. di na bale, sabi mo nga may lakad ka pa noong araw na yon di ba?
    ako takot talaga sa pulis. 2 beses na akong na-pullover. clueless na clueless na ang byuti ko. scared lang ako kasi parang eksena vaga sa “cops”. inay!

  5. tama ka dyan. batjay. kahit anong miss namin sa pinas, pag nababad kami sa matinding traffic, samahan mo pa ng kotong ng pulis, nagpapasalamat kami na nakakaiwas kami sa ganyan in our everyday lives here in SG. ingat sa inyo ni jet pagbalik dito. 🙂

  6. Nakakalungkot diba. Kung sino pa dapat ang tumutulong para maging payapa’t disiplinado ang bansa, sila mismo ang promotor ng kaguluhan at pandaraya.

    THEN AGAIN!!! ISN’T THAT THE STORY OF THE PHILIPPINES? Sigh. Kung wala lang pamilya ko rito ay umalis na rin ako.

  7. ganyan talaga,baka may hinuhulugan syang condominium, saka pantustos yun sa pag-aaral ng mga anak nya,isipin mo na lang kung ilan ang pinag-aaral nun,at isipin mo kung ilang asawa,tsk kaya walang sistema dito sa pinas at nasisira ang imahe ng kapulisan dahil sa mga katulad nyan.

  8. hi manz, SM, rolly, JOP, kahlua, tin, toni ang balihayp. maraming salamat sa mga comments ninyo.

    400 pesos ang binayad ko sa pulis. 500 ang binigay ko at sinuklian pa ako. gagong yon. hehe. which is why akala ko talaga legal during the first few seconds when we were doing the song and dance routine of briber and bribee.

    in my heart of hearts, albeit in a twisted way, i enjoyed the experience. i was willing to go through the motions of pretending it was a legal transaction. siguro, i just missed being home so much that it was a welcome thing.

    at least, it was subtle – not as brash and in your face as the bribe offer i got from the immigration official from indonesia: i.e. – “if you don’t give me $50, i will send you back home to singapore”.

    back in singapore already. jet is still in manila. sigh…

  9. mag-usap kayo ng friend ko ni ana dyan hehehehe! pero lolo batjay, pag kasama nyo si lola jet, for sure ngiti lang yun solb na yun parak!

  10. hi :o) got here through blog-hopping. really enjoy your posts!

    nangyari rin po yan sa akin around 2 months ago! arg! at first, the MMDA guy even had me write an authorization letter (that I am allowing him to make the payment on behalf of me)– on a piece of cardboard paper that he produced from his pants’ back pocket. hello?! when i blatantly refused, he yelled at me and my friend. sabi ko, bahala na maski hassle, sa LTO ko na lang i-cla-claim ang liscense. at least, hindi mapupunta sa kanya ang pera! *evil laugh*

    at buti na lang, P400 lang kinuha sa inyo. he wanted P850 from us. may butal pa e no. :o)

    anyway, we went to the LTO and one of the guys there said that you can file a complaint against the MMDA officer if he has been, in any way, rude to you. Because, the guy said, no matter what your traffic violation is, it is still MMDA’s priority to provide good, quality service. Ewan ko lang kung totoo. :o)

  11. ay, ganyang ganyan ang nagyari sa asawa ko. kunsabagay, mali rin naman si asawa at coding nga naman. feeling righteous, pupunta na lang daw sya sa MMDA office. sakay naman ng kotse si officer at sasamahan daw nya. sus, ayun, sa loob ng sasakyan pala makikipag-negotiate dahil malakas ang ulan. malas nya at walang dalang pera si asawa kundi 20 pesos. susme, pati bente pesos, kinuha pa rin!

  12. thank you for your comment ms. chinita. hehe… kung sa manila lang ako based, binigay ko na ang license ko. kaya lang, nakaschedule na akong lumipad papuntang singapore and i was a willing victim. dang.

    balikbalik lang.

  13. gusto ko lang makisawsaw. tatlong araw ko nang binabasa itong kwentong istambay at naaaliw ako. malapit na din kasi akong malipat ng singapore. binabasa ko pa lang to, naho homesick na ko. nobayan!

    sabi ng lolo ko, pag kumidlat, unang tatamaan ang mga taga MMDA. kaya pag nahuli ka, ipanalangin mong kumidlat.

  14. gandang umaga sa iyo kaibigan. maraming salamat sa iyong comment. buti naman at naaaliw ka sa pagbasa.

    lilipat ka na ba rito sa singapore? ayos yan. masarap tumira rito. malapit lang sa pilipinas kaya mura lang ang pamasaheng umuwi. mababa ang crime rate at malinis.

  15. ewan kung makuha mo pa ito- pero I just have to share this with you which i think u’ll find amusing-
    Nahuli ako minsan ng pulis dahil madaming karga ang aming sasakyan- ‘overloaded’ DAW. galing kami ng masinloc pero pagdating sa bulacan ini-stop na ako- tawag sa isang tabi- sinabi sakin and problema. tapos humihingi sakin ng 200 at (like you were told) sila na nga mag-aayos. Nang ibigay ko sa kanila ang lisensya ko ang sabi ay “aha, balikbayan ka pala! O sige, instead na 200, gawin mong 500.” Sabi ko sa kanya, wala akong pera. They kept my license at sabi niya, sige kumuha ka ng pera, ibalik mo dito at intayin ka namin dito sa restawran.
    That was 1986 or 1987(seriously), palagay ko kulubot na silang nagiintay doon. Sa isip-isip ko, kadali-daling kumuha ng licensya, eh di kanila na lang(baka may alam silang trick-at least magawa nilang kalapati and licensya ko) . Dito so California, magsuhol ka sa mga pulis- ikaw pa ang malilintikan.
    I can understand your reservations about the Philippines ‘coz I have them, too. But I still miss being there- NOT everybody’s as corrupted- there’s still some decent people there AND for them I’ll come back anytime!!!!!
    Thanks for sharing your story of which the beauty of it is in the fact that you can tell the story over & over & still get a big laugh out of it – I know I did!! Merry Christmas!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *