Buddha Jumps Over the Wall

GENTLE READER: dear unkyel batjay, kamusta na? balita ko panay ang kain mo sa labas lately? ano pa bang iba mong pinagkaka abalahan?

BATJAY: dear gentle reader, bukod sa pagkain, ang isa sa paborito kong pastime ngayon ay ang pagbasa ng mga menu sa mga restaurant. di ko alam sa chinese pero natatawa ako sa english translation – por eksampol: “Buddha Jumps Over the Wall“, “Trubenized Rib of Turtle with Korean Golden Ginseng”, “Elegant Smiling Pork Chops with Sweet Hopping Tausi Beans”, “Boiled, Grilled and Cleaned Chicken Intestine under Charcoal Fire that’s Burning”, “Ah Shui Pig Organ and Pig Stomach Soup 333” or words to that effect.

pakiramdam ko, parang gusto nilang i-explain ang lasa ng pagkain sa title pa lang ng dish. enjoy nga eh. minsan naman ay exotic din ang spelling. ang paborito ko ay yung parang pusit na “cutter fish“. tapos yung mga pangalan din ng restaurants ay nakakatawa. por eksampol, kumain kami last saturday nina tin, leah, eder at ron sa “No Signboard Restaurant“. na imagine ko na ang origin ng pangalang ito – siguro kuripot ang mayari nung araw at ayaw niyang magpagawa ng sign sa harap ng restaurant niya kaya pag may nagtatanong, ang sinasabi ng mga tao ay “oo masarap ang pagkain doon sa restaurant na walang sign board“. the the rest, as they say, is history. kaya ko gustong pumunta rito eh masarap kasi ang chili crab sa no signboard. impak, para sa akin, it’s the best chili crab in singapore. umorder din kami ng stir fried brocolli at ang isa sa aking paborito: ang “fried chicken with shrimp paste”. amoy pekpek ng pakawalang kambing pero packingsheet, super duper naman sa sarap.

24 thoughts on “Buddha Jumps Over the Wall

  1. At least mylab, nagiging imaginative na sila. O di ba pag narinig mo yang mga pangalan ng pagkain na yan, mapapa-‘what?!?’ ka… hehe.

    Kesa naman dun sa ‘No Signboard Seafood Restaurant’ na kinainan nyo, na parang tinamad na lang mag-isip ng pangalan ang may ari… hehe. Masarap ba pagkain dun? đŸ™‚

  2. hehehehe… oo nga, mylab. hekshuli – di pa tapos ang post na ito. i was supposed to add the thing about the “No Signboard” resto later. inantok na kasi ako kagabi. hehehe. work in progress. thanks for reminding me…

    lab U!

  3. walang soup #5 dito mec. or kung mayroon man, di ko alam orderin. ang pinakamapit na nakita ka ay ang makabagbag damdaming…

    “Ah Shui Pig Organ and Pig Stomach Soup 333”.

    huwag mo nang itanong kung ano ang ibig sabihin ng 333. hindi ko alam.

  4. hehehe. mang donald. naalala ko tuloy yung turo-turo sa may baesa, novaliches – tawa kami ng tawa pag dumadaan kami doon. ang pangalan ng store ay…. TAN-TA-NANAN! (torotot epeks): “mak dobalds”.

  5. uy bagay yan dito sa dating turo-turo (sa tinamong swerte ngayon isa ng night club) na ang pangalan ay Mc Neneng (makikita to sa Cavite City).

  6. kung saan umaabot ang ilong mo, pati ba naman sa puki ng kambeng? pero di na ako magugulat, at masarap naman talaga kumain ng ganon. oops, puede ba ang x-rated na comments dito sa iyong matipunong comments section?

    langhiya ka, jay, lalo akong nagutom nang mabasa ko ‘to. if there’s one thing i LOVE about singapore, it’s the FOOD!!! tapos lunch time na ngayon at di pa ako kumakain kaya… nag aalsa na ‘tong tyan ko! sana makapunta akong s’pore habang nariyan pa kayo ni jet para naman makita ko ang island through your eyes! jumping buddha!

  7. unkyel, napadaan muna habang taking a break from packaging (pag-i-impake!) … miss ko na din sa no signboard.. pagbalik ko punta tayo nila auntie jet don ha .. madami daming kilo na ng alimango at masag ang utang namin sa yo!

    ciempre background music ko ang invensys cd mo! hehe.. thanks talaga, ganda ng sounds! kakaiba ka talaga!

  8. ayos ba sa tugtog, jennypeng? magkaiba nga pala yung binigay ko kay amor at sa iyo. kaya pwede kayong mag hiraman. sige – kain tayo sa no sign board pag dating ni jet. kayo taya kaya sama mo ang buo mong barangay.

    ingat ka sa byahe at huwag masyadong maglalapit sa mga pogi – baka mapikot ka.

  9. hi lara – pwedeng x-rated comments basta kaibigan kaya ok lang. sana nga, makapunta kayong family rito sa singapore. we can take you around the island – we’ll also do a food trip special: drunken prawns, fish head curry, shrimp paste chicken, chicken rice, nasi lemak, laksa, otah, nasi bryani, etc. etc. etc.

  10. Delayed reaction ito kasi I’ve been too busy these past few days to visit your site.

    I’ve checked out that restaurant No Signboard along Geylang Road, kasi ang daming kumakain. Anyways, if you found their chili crab great, how about trying Jumbo Restaurant? Their chili crab was even better, like oh – orgasmic oh – tastes heavenly especially with the honey bun, and their home-made fried beancurd was better than the one served in No Signboard. Jumbo has 3 or 4 branches but I like the one in East Coast Seafood Center the best.

  11. hi Y.

    we eat at the east coast sea food center jumbo frequently since we came here because we live nearby. i love their pepper crabs and beancurd dishes.

    i don’t like their chili crabs though because it’s too sweet that it overpowers the taste too much. the no signboard chili crab is more subtle. it’s really tasty but not sweet – the way i always want chili crabs to be.

  12. hai naalala ko yang buddha jumped over the wall. wahaha paliwanag nun g tour guide e sa sobrang sarap daw nung soup eh un nga buddha jumped over the wall. astig ah. ang haba tirik na mata mo di ka pa tapos umorder:)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *