BREAKING NEWS….

“di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…

AATRAS NA SI FPJ AT GMA SA PAGTAKBO SA PRESIDENTE! napag-alaman kanina na dahil sa sobrang pag malasakit ni gma at fpj sa bayan ay nag desisyon na silang di tumakbo itong darating na halalan. ang agreement ay pinirmahan nila kaninang alas singko ng hapon at tinawag ang dokyumento na “covenant of hopeful dreamers“. inaasahan ding umatras sa pagtakbo lahat ng mga nakalinyang mga senador sa kani-kanilang mga partido. kapuna puna rin si senator mirriam santiago na nagsabing hihiwalayan na nya ang kanyang asawa, papasok na sa kumbento at magmo mongha. kasama niya sa balaking ito si senators john osmena at ping lacson. sinabi rin ni tito sotto during the press conference afterwards na babalik na lang daw siya sa “eat bulaga“. napag alaman din na gagawa na lang daw si fpj ng horror movie na pinamagatang “bangungot ng bayan“.

sa isa pang mahalagang balita: isang filipino ang nakaimbento ng kotse na tatakbo sa pamamagitan ng pag gamit ng patis, imbis na gasolina. dahil sa balitang ito, napag alaman na babawasan na raw ng OPEC cartel (Organization of Patis Exporting Clowntries) ang production ng paborito nating sawsawan.

sa parating na pagbawas ng production, nakikita ng ating mga ekonomista ang pagtaas sa presyo ng patis. paano na ang aming sinigang?” – yan ang tanong ni FEJODAP president Zeny Maranan. hindi na siguro maiiwasan pa ang darating na protest rallies. nakahanda na ang lahat itong darating na lunes para sa “Pambasang Welga ng Bayang Inaalat“.

12 thoughts on “BREAKING NEWS….

  1. gusto ko nga umurong yang dalawang yan. pero d naman mangyayari. nasubukan mo na ba yung “googling fpj” ni sassy? i-type mo daw yung “bangungot ng bayan” sa google, tapos ang #1 result dyan e yung fpj website. Galing, ano?

  2. real life satire nga ang kwento ng pilipinas. di bale, darating ang panahon, tatanda ring lahat ang mga nagpapahirap sa atin at mamamatay. in one or two generations, hopefully, we’ll have a better country.

    ang tagal pa ng forecast ko ano? pero matagal na tayong nagtiis. kaya pa siguro nating pagtiisan. and we’ve always endured with our twisted sense of humor. anyway, pag di na natin kaya, humiling na lang tayo ng delubyo kay lord para mawala nang lahat ng problema natin.

    di naman on a magnitude like what happened during the time of noah. minor lang – pwede na yung death of corrupt pinoy by thunderbolt or falling hailstones.

  3. hi doc emer!

    dami ko ngang natanggap na email about the “bangungot ng bayan” search sa google. hehehe. baka pinasok ng programmer ni fpj ang phrase na ito sa metafile ng website. hehehe. ang galing.

    nabasa ko rin kay idol sassy lawyer yung tungkol sa rape charge ni john osmena. hehe. sabi nga ng mga amerikano (and one of my most hated catchphrases but i cannot do anything about it because in this case, it describes exactly what i feel about the story)- “it’s so surreal”.

  4. hi jennie.

    maraming salamat kaibigan. ang ganda naman ng pangalan ng website mo, para
    tuloy gusto kong kumanta.

    o siya, ingat na lang kung nasaan lupalop ng mundo ka naroon. balik-balik
    lang.

  5. di bale mylab. isang delubyo lang. tanggal yang lahat. may pag-asa pa naman sa bayan ng mga pinoy. perhaps not in our lifetimes. but someday.

    we’ve endured. we always will.

  6. kahit 2 minutes lang, naniwala ako sa yo. minsan talaga mas madaling maniwala sa mga ganito kesa isipin ang katotohonan. siguro kaya masarap magbasa ng fiction. o di kaya pugad baboy na lang.

    ang maganda dito, sa gawain ng mga politiko natin, hindi mawawalan ng material ang mga gaya ni pol medina jr. at dadami ang komiks na makakapagpatawa sa atin.

  7. ano nga tawag ng dit dit dit na yan?
    morse code diba!
    hahaha por da lab op da krushes nag aral ako nyan
    lintik na radio over and roger na yan hahahha

    nangungumusta lang po!

    over and out!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *